Chapter 11

39 2 0
                                    

#FDFL11

“Sorry, hindi ko nasabi agad,” bulong ko kay Meeca.

Kanina niya pa ako ‘di pinapansin, amp. Mukhang napansin ‘yon ni Lana kaya iniwan niya muna ako para makapag-usap kami. Kaso nga, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Meeca.

“Love, sorry na po. Please?”

“Bakit hindi mo sa ‘kin sinabi?” tanong niya. Sinagot ko naman agad ‘yon.

“Akala ko kasi ay nabanggit na sa ‘yo ni Ate Maggie na alam niya. ‘Yong kay Dominic naman ay ‘di ko na sinabi kasi baka ayaw mo naman malaman o kaya nahalata mo na nung nag-swimming tayo. ‘Yong kila Mama naman ay last week ko lang sinabi at hindi ako makahanap ng timing para sabihin sa ‘yo. Naisip ko lang na baka ngayon ‘yong magandang timing para sabihin ‘yon.”

Bumuntong hininga siya at natahimik ulit. Natahimik na rin tuloy ako kasi na-explain ko na rin naman ‘yong side ko.

Halos isang oras niya akong pinansin. Ang galing.

Hinatid muna namin si Meeca sa bahay nila nang mapagdesisyunan naming umuwi na.

“Thank you so much po, Tito, Tita, sa pagsama at paghatid po sa ‘kin dito. Ingat po kayo!”

“Okay, ‘nak. Good night.”

“Good night din po.”

Pumasok na siya sa gate ng bahay nila habang si Papa naman ay nagsimula nang mag-drive paalis pero pinigilan ko agad siya. Sabay silang napatingin sa ‘kin ni Mama.

“Uhm . . . pwede po ba ako magpaiwan? Ano kasi . . .” Hindi ko alam paano magpapaalam sa kanila!

Malakas lang naman loob ko magpaiwan kasi wala riyan Mama ni Meeca kaya hindi siya magdududa kung magpapagabi ako. Papasundo na lang ako kay Papa mamaya pag-uwi.

“Oo, pansin nga namin. Nag-aaway kayo. Sige na, bumaba ka na ng sasakyan.”

“Thank you, Mama, Papa. Papasundo na lang po ako mamaya . . . or baka dito na ako matulog.” Natatawa at nagmamadali akong bumaba ng sasakyan, ni hindi ko na nga narinig ‘yong bilin ni Mama. Dumiretso ako agad sa may pinto ng bahay nila Meeca bago kumatok.

Si Ate Maggie ang nagbukas ng pinto na mukhang nagulat pa sa presensiya ko.

“Cali? Ano’ng ginagawa mo dito? Akala ko nakauwi na kayo?”

“Nag-away kami, Ate,” bumuntong hininga ako. “Nasaan po si Meeca?”

“Nasa taas. Pero late na, Cali. Makakapag-commute ka ba? Pwede naman dito ka matulog ngayong gabi,” offer ni Ate Maggie habang pinapaupo niya ako sa sofa.

Ngumiti ako. “Okay lang ba, Ate?”

“Sure, sure. Tawagin ko lang si Meeca.”

“Okay lang po ba na ako na?”

“Ay, sige sige. May ginagawa pa ako sa kusina. Ikaw na bahala. Tawagin niyo na lang ako ‘pag may kailangan kayo.”

“Salamat, Ate Maggie.”

Dumiretso na ako sa taas papunta sa kwarto ni Meeca. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ako kumatok ulit nang ‘di niya ‘yon buksan.

Bumungad siya sa ‘king nakakunot noo pero agad na napalitan ‘yon ng gulat nang makita ako.

“A-Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Sorry.”

“Umuwi ka na, Cali. Gabi na!”

“Dito ako matutulog hanggang sa maayos natin problema natin,” nakangiti pang sabi ko. Nagkasalubong ang mga kilay niya dahil doon.

“Cali, umuwi ka na.”

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon