#FDFL08
Hindi na ulit ako uminom pagkatapos dahil baka magalit na si Meeca sa ‘kin. Hindi naman pala nakakalasing ‘yong mga dinalang beer kasi ayaw talaga kami lasingin ni Ate Les. ‘Yong last case na dinala, root beer na lang daw ulit.
“Love, doon ka sa room namin matulog,” reklamo ko. Tumayo ako bago humarap kay Meeca kaya napa-angat siya ng tingin sa ‘kin. “Paalam ako kay Ate Les. Doon ka na sa kwarto namin ni Alex. Please?”
“Ikaw magsabi kay Ate Les.”
Naglakad ako papalapit kay Ate Les na mukhang hilo na rin katabi ‘yong boyfriend niya. Ngumiti ako bago umupo sa tabi niya.
“Hi, Ate!”
“Ano kailangan mo, Cali? Gusto mo pa isang bote?” Inabot niya sa ‘kin ‘yong isang bote na hawak niya kaya napaatras ako. “Eto o!”
“Hala, hindi! Ano kasi . . .”
“Bakit?”
“Pwede ba sa kwarto na lang namin ni Meeca? Please. Malaki naman ‘yong bed, kasiya dalawa sa isang ka–“
“Okay! Good night!”
Pinilit kong ngumiti bago tumayo at sumaludo sa kaniya. Panigurado, hindi o-oo si Ate Les kung hindi siya nakainom, haha. ‘Di na lang ulit ako magtatanong, baka bawiin.
Natatawa akong naglakad pabalik kay Meeca na mukhang inaabangan ako.
“Pumayag.” Nag-thumbs up pa ako. “Pasok na tayo? Nilalamig ka na ba?”
“Nakakahiya naman sa kanila. Mamaya na. Ikaw? Nilalamig ka na?”
Umiling ako sa tanong niya bago tinulak si Dominic para makaupo ako sa tabi ni Meeca. Nanlalaki naman ang mga mata ni Doms nang lumingon sa ‘kin habang papaupo ako.
“Paharang-harang kasi.” Umingos pa ako.
“Ang sama ng ugali mo! Gusto ko lang naman tumabi kay Meeca–“
Pinakita ko sa kaniya ‘yong middle finger ko bago natawa. Nanlaki lalo ang mga mata niya dahil doon at mukhang nataranta. Pati si Meeca ay mukhang nataranta sa ginawa ko.
“Cali, tumalikod ka na nga lang kay Doms.” Hinawakan ako ni Meeca sa magkabilang braso bago hinarap sa kaniya kaya ‘yong likod ko ang katabi ni Dominic ngayon. Wala na upuan mamaya ‘yong katabi ni Doms, haha. Bahala siya, aalis-alis na kasi.
“Mikay, ang ganda-ganda mo talaga. Bakit ka ba ganiyan?! Nakakainis!” reklamo ko na naman. Narinig ko namang bumubulong si Dominic sa likod ko.
“True– aray!” bigla ko siyang siniko sa tagiliran. Epal.
“Pasok na tayo, love. Naiinis na ako kay Dominic!” Tumayo ako at sinipa si Dominic sa paa bago ako hinila ni Meeca papaalis. Narinig ko pang nag-s-sorry siya kay Dominic pero natawa na lang ako. Bakit ba siya nag-s-sorry kay Dominic? Dapat lang ‘yon sa kaniya.
Narinig ko ulit si Meeca pero this time, nagpapaalam na siya kina Ate Les at Ate Kyla na papasok na kaming beach house.
Dinala niya muna ako sa kwarto bago siya lumabas. Umingos ako dahil doon. Nasaan na ba ang aking magandang girlfriend?!
“Mikay.”
“Kinuha ko lang ‘yong gamit ko sa kabilang kwarto,” narinig kong sabi niya nang pumasok siya sa kwarto, dala-dala ‘yong bag niya. Napangiti ako bago lumapit sa sariling bag ko para makapagbihis.
Pagkatapos naming dalawa magbihis ng pantulog ay dumiretso na kami sa higaan. Dalawang bed ang meron kada room kaya nakaupo kami sa tig-isang bed at nakatingin sa isa’t-isa.
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...