#FDFL01
"Talian kita, please? Please?"
Huminga ako nang malalim bago bumuntong hininga. Tumawa naman si Meeca dahil doon.
"Okay, okay."
"Yey!" Umupo ako sa harap niya habang nasa likod ko siya nakaupo at balak akong talian. Nandito kami ngayon sa isang court, niyaya ako maglaro ng volleyball nina Ate Les kaya sinama ko si Meeca at dahil wala pa naman 'yong iba ay nandito kaming dalawa sa isang tabi, nakaupo at naghihintay.
"Hi, Cali!" Nakita kong kumaway sa 'kin si Ate Les habang nag-s-softdrinks na nasa plastik na may straw kaya kumaway ako pabalik. Tumakbo naman siya papalapit sa 'min. "Hi!"
"Hi po, Ate," nahihiyang sabi ni Meeca. Mahina akong natawa dahil doon.
"Si Meeca, Ate Les. Bestfriend ko."
Bestfriend. Oo, mag-bestfriend talaga kami ni Meeca sa harap ng iba. Hindi pa kasi handa si Meeca na maging out sa mga tao dahil natatakot pa rin siya. Naiintindihan ko naman kaya okay lang.
"Sus, bestfriend. Duda naman ako. Hi, Meeca! Leslie." Bumalik ang tingin sa 'kin ni Ate Les. "Kumusta naman?!"
Nagkwentuhan kami saglit tungkol sa volleyball team na iniwan niya sa 'kin. Mukha naman siyang masaya sa mga kinukwento ko. Na parang 'yon talaga in-expect niyang mangyayari after niya iwan sa 'kin 'yong pangalan.
Pagkatapos naming mag-usap ay tumakbo na naman siya papunta sa may gate para salubungin sina Andrea.
Napahawak naman ako sa buhok ko pero tinampal ni Meeca 'yong kamay ko.
"'Wag mo hahawakan!"
"Bakit?" natatawang tanong ko.
"Masisira!"
"Anong tali ba 'yang ginagawa mo sa buhok ko?"
"Pigtail."
Napatawa na lang ako dahil doon. Maya-maya pa ay naramdaman kong sumandal siya sa ulo ko at inilagay niya 'yong mga braso niya sa balikat ko.
"Naboboring ka ba dito? Gusto mo pasunudin natin si Alex?"
"Hindi. Okay lang naman. Gusto lang kita i-hug. Clingy kasi ako," sarcastic na sabi niya kaya natawa na naman ako dahil doon. Inaasar ko kasi siya laging clingy tapos napipikon siya. E, totoo naman!
Wala sa sariling napalingon ako kay Ate Les. Nakita ko siyang nakatitig sa 'min ni Meeca at mukhang inoobserbahan kami. Nang magkatinginan kami bigla ay ngumiti siya nang awkward bago tinaas dalawang kilay niya. Ngumisi naman ako biglang sagot kaya ngumiti siya ng nakakaasar na ngiti.
"Cali?"
"Hmm?"
"Feeling ko, nahahalata tayo nung si Ate Les. Kasi sabi niya kanina, duda daw siyang mag-bestfriend daw tayo."
"Okay lang ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko. "I mean, pwede ko namang gawan ng paraan para maniwala si Ate Les na magkaibigan tayo–"
"Ha?! Hindi! Okay lang naman. Nabanggit ko lang. 'Yong team mo rin naman sa volleyball, mukhang nahahalata na tayo."
"At okay lang sa 'yo 'yon?"
"Hmm. Mukha namang okay lang din sa kanila."
Paanong 'di magiging okay sa mga 'yon e, kalahati ng team ko sa volleyball, puro bading?
Nanalo kami sa first and second set, ka-team ko kasi si Ate Les, e. Mukha namang interesado si Meeca habang nanunuod sa 'min kahit na alam kong wala talaga siyang interes sa volleyball . . . o sa kahit anong sports.
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...