Panitikan—Uri at Anyo.
Bibigyan ko muna ng kahulugan ang mga ito bago tayo dumako sa aking payo.
Mayroong dalawang uri ng panitikan sa pangkalahatan: Piksiyon at Di-Piksiyon.
Piksiyon
— ay ano mang anyo ng salaysay na may mga pangyayaring hindi nababatay sa katotohanan.
— haka-haka at imbento lamang ng may-akda.
— ginagamitan ng imahinasiyon.
— kathang-isip.Di-Piksiyon
— makatotohanang paglalahad o pagsasalaysay.
— hindi gawa-gawa.
— pinipilit na maging tumpak ang mga detalye ng mga pangyayari.Anyo ng panitikan: Tuluyan o Prosa at Patula o Panulaan.
Tuluyan
— nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.halimbawa: nobela, maikling kuwento, sanaysay, parabula, talambuhay
Patula
— pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
— maaari ring malaya ang pagkakabuo ng pangungusap.Isa ako sa mga manunulat na napabibilang sa pagsusulat ng piksyon. Talamak ito sa platapormang ginagamit ko, ang Wattpad. Sa isang taon kong pagsusulat, nasubukan ko na ang iba’t ibang uri ng kuwento (dagli, one-shot story, at nobela).
Pero alin nga ba rito ang forte ko? Masasabi kong nobela ang sa akin. Bakit? Dahil sa ilang beses kong pagsali sa mga writing contest, dadalawa lamang ang napanalunan ko. Hindi pa grand prize ang posisyon na binagsakan ko. Kaya, nasisiguro kong mahina ako pagdating sa pagsusulat ng mga ganito. Nangingibabaw ang kagustuhan kong mapagsulat ng mahahabang kuwento (nobela). At napatunayan ko ito sa unang beses kong pagsusulat; deretso sulat na agad ako ng nobela.
Wala sa kaalaman ko dati ang mga one-shot story. Kung kailan nakatapos na ako ng dalawang akda, roon lang ako nagkamalay. Tapos, sinubukan ko. Sa kasamaang palad, hindi ako pinalad. (Nyek!)
Paano mo malalaman kung saan ka magaling?
Obserbahin mo ang iyong sarili. Kapag malikot ka mag-isip (kabastusan, karumal-dumal, nakalulugmok, mapapaihi sa kilig), sumasailalim ka sa piksiyon. Ngunit, hindi pa rito nagtatapos. Aalamin mo pa kung anong klase ng piksiyon ang magagamay mo. At nasa sa iyo na iyon para tuklasin.
Para naman sa mga di-piksiyon, sila ang mga manunulat na nagsusulat ng nakadudugong sanaysay, nakaeengganyong blogs, mga payo (gaya nitong akda ko), review ng mga libro, pelikula, anime, at K-Drama, at mga sulatin na hindi ginagamitan ng imahinasiyon.
Parehas ang dalawa na ginagamitan ng pagiging malikhain. Hindi dahil di-piksiyon, wala nang mabubulaklak na salita. Mali ito. Ang mga talambuhay at sanaysay ay mayroong ding ganoon.
Hindi masamang sumubok ng ibang uri at anyo ng panitikan. Huwag ikulong ang sarili sa pagsusulat lang ng nobela o ng tula. Malay mo, may angking galing ka pala sa pagsusulat ng sanaysay o kaya sa talambuhay. Maaari mo ring i-aplay ang iyong natutunan sa pagsusulat ng iba.
Ako, minsan, kapag nagsusulat ng tula, hinahaluan ko ng kuwento. Sa nilalaman ng aking tula, may daloy at senaryo. Doon naman sa essay namin sa isang minor subject, ginamitan ko ng creative writing. Sa “Show and Less Tell,” isa sa mga paraan ay iyong paghahambing. Ang ginawa ko, hinalintulad ko ang isang kompanya sa kalawakan. Nang masaba ng aking professor iyong ginawa ko, ang komento niya, “Carried away by your beautiful masterpiece. Nice one."
• • •
Ang pinanggalingan ng mga impormasiyong nilagay rito ay mula kay Rainier Amparado sa site ng slideshare(.)com.
• • •
Ano ang forte mo sa pagsusulat?
— A.V. Blurete
BINABASA MO ANG
Mga Payo Niya
No FicciónNaglalaman ito ng mga payo sa pagsusulat na nakabase sa sariling kaalaman, sariling karanasan, at sa pagkatuto sa iba. Pawang pang-opinyon ang karamihan, subalit tiyak na mayroong matututunan. "Masasabing nagtagumpay ka bilang manunulat kapag naibah...