Astig, maangas, malimit magsalita, malayo sa tao, matigas magsalita, pala-Ingles, at pala-mura. Ilan ang mga ito sa katangian na nararapat panghugutan sa pagsusulat ng tauhan na lalaki. Daw.
Stereotype.
Ang mababasang mga kuwento at nobela na may lalaking tauhan, ganoon na ganoon ang asal, kilos, at pananalita. Na hindi naman talaga akma. Kung magsusulat ka ng perpektong tauhan, walang hahadlang sa iyo na ganiyan ang isulat mo. Pero ang problema . . . walang perpektong tao. Kaya paano na iyan, pare? Ligwak, ganern?
Nakakagago na makita o marinig ang payong may kinakampihan. Dapat ganito, dapat ganiyan. Pero limitado lang naman ang mga sinasabi. Para bang nagtanong ka sa kaklase mo kung paano nakuha iyong sagot sa takdang-aralin ninyo, at dahil tinatamad na siyang magpaliwanag, binigay niya na mismo ang pinakasagot. Sa dulo, nagpasalamat ka na lang kasi kuntento ka na. Hindi ka na maghihirap pang sindihan ang bombilya ng katalinuhan sa iyong utak. Nangopya ka na lang. Nangopya. Wala kang natutunan. Paano ngayon kapag natawag ka ng guro ninyo para matanong ang solusiyon sa problem? Nganga. Makaririnig ka ng nabokyang tunog sa paligid, tulad ng pinompiyang na laruang bibe. Mapapahiya ka at pagtatawanan ng mga kaklase. Ang masaklap pa niyan, pati iyong nagbigay sa iyo ng sagot kasama roon sa bilang ng mga tumatawa. Nahusgahan na nga, nagmukha pang tanga.
At iyon ang pinanggalingan nitong seksiyon kaya itatalakay; puwera pa iyong nababasa ko sa comment section ng mga “aspiring writers” sa iba’t ibang writing group page. Baguhan pa lang sila sa pagsusulat, pero naglalahad na ng kaalaman na maging sila ay walang kaalam-alam. Hindi masamang tumulong; ang maligaw mo sa landas iyong napagsabihan mo ang masama. Kapag nagpapaalam, parating ibibigay ang dahilan kung bakit ganoon. Huwag spoonfeeding. Turuan mo na rin. Nang sa gayon, hindi na siya magpapaulit-ulit na magtanong. Ginawa siyang gago. (Naisingit ko na itong bahaging ito pero dapat sa ibang seksiyon kasama—tungkol sa pagtatanong at pagbibigay payo ng manunulat sa kapwa manunulat.)
Diary ni Kuya
Unahan na kita: walang pakialamanan.
Kunyari, mayroon akong diary. Oo . . . may mga lalaking nagtatago ng diary. Maaaring puro guhit, tula, komposisiyon ng kanta, at sari-sari ang nilalaman ng notebook. Sa kadahilanang personal ang diary, ang mga nabanggit ko ay pasok na sa kategorya. Ang ilan sa mga iyon ay para lamang sa kanilang mata.
O kaya naman, journal; tulad lang din ito ng diary pero impormal. Pupuwedeng paghalu-haluin iyong mga retrato, entry, doodles, at kung ano-ano pa. Iyon bang ilalabas mo sa kapirasong papel ang hinanakit mo sa mundo: bakit ikaw inuutusan nang inuutusan sa bahay gayong marami naman kayong magkakapatid? Lalagyan mo ng sungay iyong stickman na ginuhit mo. (Hindi ito magandang ehemplo.)
Devotion. Para sa mga Born-Again Christians. Mayroon silang journal/diary/notebook na naglalaman ng mga bible verse. Pinagninilayan nila ang isang kabanata sa Bibliya. Tapos, isusulat nila iyong mga natutunan, repleksiyon o reyalisasiyon sa buhay, at paalala na may kinalaman doon. (Alam ko ang bagay na ito dahil naggaganito ako dati. Ngayon ay hindi na. . . . Patawarin mo po ako, Lord!)
“Nalihis” na nga tayo ng direksiyon. Ulitin ko: diary. Sa paanyong entry, maglalarawan ako ng mga lalaki na base sa kuwento ng ibang manunulat o kaya naman ay sa reyalidad. Iyon bang makatotohanan.
Teka lang pala . . . mayroon akong naalala. Dati, noong Grade 10 yata ako, pina-require kami ng adviser namin na maggawa ng diary, at isusulat doon ang nangyari sa buong araw. Nakalimutan ko na kung ano ang dahilan niya. Pero ang natatandaan ko, mema lang mga sinabi ko kapag walang nangyaring kaengga-engganyo. Ang mababasa yata sa akin ay kung paano maglinis iyong cleaners, hahahahaha. Ehem!
8:22 P.M.
May bago na akong crush. Yes. As in “bago.” Ang catch dito, classmate ko siya. Emeged!
BINABASA MO ANG
Mga Payo Niya
Non-FictionNaglalaman ito ng mga payo sa pagsusulat na nakabase sa sariling kaalaman, sariling karanasan, at sa pagkatuto sa iba. Pawang pang-opinyon ang karamihan, subalit tiyak na mayroong matututunan. "Masasabing nagtagumpay ka bilang manunulat kapag naibah...
