A

124 6 5
                                    

A

-Kim's POV-

Sinarado ko ang diary ko nang marinig ang bell. Hudyat na kailangan ko nang pumunta sa classroom. Habang naglalakad sa hallway ay nakakasalubong ako ng mga kapwa studyanteng magkakaibigan.

Hulaan ko tanong niyo. "Sino ka ba?" Tss. Lahat naman ganyan ang tanong sakin eh. Unknown eh. Tss.

De joke lang ang drama ko ew. Ako nga pala si Kimberlly Ann Jannia Delos Reyes. Ang haba no? Sisihin nyo yung magulang kong pinagtripan ata ako nung pinanganak ako.

Kehaba-haba nang pangalan ko eh. Mukhang alam nilang unica-hija ako kaya pati yung gusto nilang pangalan para sa kapatid ko, binigay na rin sakin.

Pero mahal na mahal ko yung mga yun. Yiiee.

Sa school na ito, kung maganda ka, importante ka. Tss. Kung hindi dahil sa mga pimples kong nakatatak sa mukha ko, edi sana importante din ako sa school na to. Chos! Ganda ko eh no?

De seryoso, lahat nang studyante dito, gusto din na may itsura sila. Kaya halos lahat nang babae, tadtad nang makeup ang mukha. Pano ba naman kasi, kung hindi ka maganda ibubylly ka =_= buti nalang pala na unknown ako sa school na 'to. Walang may kilala sakin. Maski teachers, hindi ako natatawag sa recital. Di naman ako nagrereklamo dahil gusto ko rin naman :D saya kaya! Bawi nalang pagdating ng exams or quizes, diba?

So ayun nga. Hindi porke UNKNOWN ako, wala akong inspirasyon. :3 Pero hindi naman ako napapansin nang crush kong iyon. Snobber? Nah. Wala naman talagang pumapansin sakin. Eh, sanayan lang yan. Sikat si crush, ako hindi. Parang Langit siya, lupa ako :o. Ew ang pait! Anyways ang name niya ay Crash Dominic Dela Fuente. Oh diba? Haba din ng name ni crush :> meant to be. :D

Binuksan ko ang pinto ng classroom. Wala pang teacher. At as usual, walang teacher, MAGULO. Batuhan ng papel dito at doon. Kaya naglakad nalang ako papunta sa dulo.

Eh yun nga lang, uupo nalang ako sa dulo, matatamaan pa nang papel. Di pa nagsorry yung nakatama. Pshh. BWISET! Okay lang sana kung papel lang eh. Kaso may BATO sa loob nang papel! Juice-colored.

Nang mahanap na nang teacher ang classroom--ay este, nang pumasok na ang late na guro sa classroom namin, nag umpisa na siya agad magturo. Aba? Walang goodnorning? Excited masyado si ma'am.

So ayun, sinundan ko lang ang teacher sa pagtuturo hanggang sa may pumasok nang classroom. Huh? Sinetch itey? Maling pinasukan ata? Pero infairness, gwapo! "Goodmorning ma'am, sorry I'm late." Sabi niya sabay kamot sa batok. Lah? Bat pag siya gumagawa nun, cute tingnan?

Tiningnan ko siya nang maigi. Familiar mukha niya.

Nilibot ko ang paningin ko at nakitang ako lang ang walang katabi. Meaning, kung dito nga ang classroom niya, sakin siya tatabi.

Oh so? Di rin naman niyan ako papansinin. Binalik ko ang tingin ko sa libro kaya hindi ko narinig ang pangalan ni pogi.

Naramdaman ko siyang pumunta rito at umupo sa tabi ko. Patuloy lang sa pagbabasa ang peg ko. Bakit ba? Walang pakeelamanan mga tsong!

"Hi." Aba? Nakikipag kilala na agad si pogi? Lakas ah.

"Uhm, miss snobber, hi." Napalingon ako sakanya dahil sa salitang miss snobber niya. Akalain mong may mang s-snob kay pogi.

Ay ako pala. "Hello." Sabi ko. Nakatingin sa mata niya.

ANG GANDA NANG MATA NIYAA O___O

ngumiti naman siya at naglahad nang kamay. "Nash Kyle."

Tinanggap ko. Sasabihin ko ba pangalan ko hindi? Meh. Bahala na. "Ki--"

*RIIIIIIIINNNGGG*

Oh sht! Bell na! Napatingin ako sa classmates ko at nakita kong palabas na sila ng classroom. Sheeet! Teka lang!!

Kinuha ko na lahat nang gamit ko. Omyy! Hindi ako pwedeng maagawan ng pwesto, no no!!

-------*
Aaaaah! Grabe ang first chappy! Omygahd.

Sorry po kung maikliii :(( naka mobile lang akoo sorry sorry sorry. :((

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon