H

28 3 1
                                    

A/N: Alam ko pong lame yung G. :(( Sorry na po :'(
__________________

H

-Kim's POV-

Dear Diary,

Wala. Walang napuntahan yung bente pesos ko kanina sa shop. Mukha rin namang wala akong sakit. Siguro dahil sa kape lang to. Pero nangyari ulit kanina eh. EH HINDI AKO NAGKAPE KANINA. Jusko Lord, ayaw ko po na magkasakit. Buti nalang ang mabait na side ni Kyle ay hinatid ako pauwi dito sa bahay nung pauwi na galing comp. shop. Anlakas ng ulan eh! Pero konting push nalang to at magiging kaclose ko na si Crash mylabs. Yehees!

*

Gumulong nanaman ako papunta sa kabilang side ng kama ko for the nth time. Its already 1:23 am, at hindi parin maalis sa isip ko yung ginawang kabutihan ni Kyle kanina.

Ugh!

Matulog ka na Kim! May pasok ka pa bukas oh!! Kingina naman eh. Pahirapan nanaman tayo neto gumising. Pinikit ko ang mata ko.

*ting ting*

Kinuha ko yung phone ko sa table katabi ng kama. May nag text? Sino? 1:30 na nang umaga ah?

From: 09*********

Hi Kim. Sorry kung naabala kita. Di kasi ako makatulog eh. Reply ka kung gising ka pa ha?
-Kyle pogi ^_^

Hangin! Wooh. Biglang lumamig sa kwarto ko ah.

Pero gwapo naman talaga si Kyle. Hoy, walang maingay ha! lalaki ulo nung kurimaw na yun eh.

Sinave ko muna yung number niya bago ako nagreply.

To: Kyle

Same. Di rin ako makatulog. Haha!

From: Kyle

Wag mo na kasi akong isipin. Hahaha! :p

To: Kyle

Ang kapal mo! Baka ikaw ang panay ang isip sakin dyan kaya hindi ako makatulog dito! :P

Maya maya'y narealize ko na lang na nakangiti na ako. Tangna! Hindi pwede Kim. Be loyal kay Crash(NA NEVER PA AKONG PINANSIN).

Pero Loyal parin ako kay Crash, promise. Sorry baby huhu.

Tiningnan kong muli ang cellphone kong walang reply ni Kyle. Hala? Anyare dun? Baka nakatulog na.

Meh.

Nilagay ko na ulit ang phone ko sa table sa tabi ko at pinilit nang matulog.

*kriiingg kriiiinnggg kriiiinnnggg*

Agad kong sinagot ang tawag kahit na hindi pa tinitingnan kung sino ang caller dahil sa ingay na dulot nang ringtone.

"Hello?!" Pagalit kong sabi dahil sa pagkakataranta kanina. Aba, tatawagtawag nang madaling araw eh.

"....." okay? Ayaw niyang sumagot?

"Huy ano ba?! Sumagot ka nga. Istorbo eh." Sabi ko. Bakit? Totoo naman eh.

"S-sorry, Kim. N-natutulog ka na pala." Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang pangalan sa caller ID.

Sht! Kyle!

"S-sorry Kyle," anubayan. Kahawa naman yung pagkautal-utal niya -.- "a-ano kasi eh..," pano ba to? "Nagulat ako sa ringtone. Hi-Hindi ko naman inaasahan na tatawag ka." Paliwanag ko.

Totoo naman eh!

Bakit ba parang big deal sakin to? Eh ano naman kung magalit siya? Eh sanay naman akong walang kasama sa school.

Pero kasi Kim, iba na to! First friend mo to. KAIBIGAN. Hindi basta-basta. Dapat ang mga kaibigan ay pinahahalagahan.

Defensive mo Kim anoba err.

"Ah okay." Tanging sagot niya.

"So bakit ka ba napatawag ng ganitong oras?"Tanong ko.

"A-ah eh.. kasii..." problema nito?

"Ano?" Tanong ko.

"W-wala naman. Baka kasi nahihirapan ka paring matulog. Kaso mukhang natutulog ka na kanina eh. Naistorbo lang kita. " sabi niya. Nakuuu.

"Naku hindi Kyle. Actually, gumugulong ako nun para humanap ng bagong pwesto. Di kasi talaga ako makatulog eh." Sabay kamot ko sa ulo ko.

"Ah osige. Kantahan nalang kita."

"H-ha?" Ano raw? Baka indi ko narinig.

"Sabi ko kakantahan nalang kita. Para makatulog ka. "

"O-osige." Sabi ko.

" Your hand fits in mine

Like its made just for me.

But bare this in mind

It was meant to be..."

Ang ganda ng boses niya!! Panalo! My gulay. Alam mo yung para kang pinapakalma ng boses niya. Nakakakilig. Ganun?

"And I'm joining up the dots

with the freckles in your cheeks

And it all makes sense to me."

And now,I just realized that I'm in danger. Mataas masyadong mataas pero nagawa kong mahulog. Nakakatakot. Catch me Kyle.
...

-----*
A/N:

Sana naman po nakabawi na ako. Hehe.
Song: Little Things-One Direction.

Anyways, may mga directioners po ba dyan? *kaway kaway*. Hi Legends! May One Direction Fanfics po ako(English). Pwede ko po kayo isali sa isang Fanfic(I'm making 4 books.) Yun lang po. Alabyu! :*

IG: @valencia_ram
Twitter: @Valencia_Ram

>>Next Update.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon