D

48 4 0
                                    

D

--Kim's POV--

Nilabas ko ang phone ko at earphones at nakinig sa music habang nagbabasa sa wattpad.

Favorite ko kasi si Elijah Riley Vasquez Montefalco

Kaines lang may Klare na siya huhu T__T akin nalang ikaw baby Elijah. I'll be a Montefalco for you!

"Huy!"

"Ay pucha!" Bwiset! Gumulong gulong pa ang mokong sa kakatawa.

"Mamatay ka sana kakatawa! Bwiset!"

Kami palang ang tao sa classroom. Sinipag ako kanina eh. Ewan ko. Kaya pumasok nalang ako ng maago kesa utusan sa bahay ni mama -__-

Humakbang siya palapit sakin. "Tigilan mo ko, Kyle ha!" Sabi ko habang nakatingala nang makalapit siya sakin.

Ang tangkad naman niya kasi T_T six footer ata? eh 4'8 lang ako eh. Oona maliit na =_=

"Bakit ka ba kasi umiiyak dyang mag isa? Mukha kang tanga eh. Hahaha!" Tinawanan pa ko nang gago.

Bwiset talaga!!! Arghh!

"Bakit ba?! Eh sa nakakaiyak yung binabasa ko eh!" Ikaw kaya iwan ng mahal mo at pumunta ng ibang bansa dahil tutol sainyo ang BUONG ANGKAN niyo. Huhu ansaket nun men!

"Ewan ko sayo." Ginulo niya buhok ko. =_=

Kung di mo lang talaga kapatid si Crash, susuntukin na kita eh!

Umupo siya sa likod sa tabi ng upuan ko. "Hoy! Wag ka dyan, ayaw kita katabi." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Inaantok ka pa ata? Dito naman talaga ako nakaupo diba?"

Ayy tanga! Oonga palaa! Pahiya ako dun ah? Umirap nalang ako at lumabas ng classroom at hinayaan siyang mag isa dun.

Naglakad lakad pang ako since thirty minutes pa bago mag umpisa ang first subject.

Siguro hindi tataas sa dalawa ang bilang ng mga estudyante per classroom. Ang aga pa naman kasi.

Sa school na ito, iba ibang uniform per classroom. Depende kung anong section ka. Pero sa highschool lang.

Tulad ng ibang school, white ang color ng top naming lahat. Ang naiiba lang ay ang kulay ng palda at pants.

At dahil nasa Black section kami, black ang kulay ng pants at palda namin nang mga classmates ko.

Ganun din ang PE. Black jogging pants. Last year pink ako.

First year- Section Orange, Green, at Yellow.
Second year- Section Pink, Blue at Violet.
Third year(kami)- Section White, Black, at Grey/Gray(kung ano man spelling nun. Hehe)
Fourth year- Red, Brown, and indigo.

Kulet no? Kaya tuwing flag ceremony, mukhang rainbow. Hahaha joke.

"Ay!" Sigaw nung babaeng nabangga ko. Color Red ang unif.
Uh-oh.

"Sorry, ate." Pinagdikit ko ang mga palad ko at yumuko tulad nang ginagawa ng mga hapon.

"Nadumihan tuloy ang uniform ko because of you! Tss" Umirap siya at nagpatuloy sa paglalakad.

That's why I dont like the graduating students.

Nandun yung mga maaarte, mayayabang, feeling famous, at snob.

Yep, fourth year si Crash.

Halos lahat naman nang babae nahuhumaling sakanya. Kaya alam kong walang pag-asa. Pero nang dumating si Kyle, nagkaron ako ng konting chance! Hahaha! Sana naman mapansin na niya ako this time.

Lumapit ako sa fountain na maraming naghaharutang first year. Katapat kasi ng classroom nila ang fountain eh.

Nang nasa tapat ko na ang fountain ay kumuha ako ng coin at pumikit. Gusto kong maramdaman ng lahat ang presence ko. Ayoko nang maging Ms. Unknown. For years, I've been so quiet, and I want to change. And with that, I threw the coin.

Pagkatalikod ko sa fountain ay biglang may tumulak sakin. Pumikit ako sa sakit, pakshet!

Tanggap ko nang basa akong uuwi sa bahay dahil fountain ang babagsakan ko pero wala akong narinig na splash.

Minulat ko ang mata ko at nakitang hawak ni Kyle ang kamay ko.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Inang! Wala naman akong sakit ah? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ahh, malamang kinabahan lang ako dahil sa pagkamuntikan kong mahulog sa fountain.

Hinila ako ni Kyle kaya napatayo ako ng maayos.

"Sorry po. Hindi po namin sinasadya. " sabi ng naka Green na uniform habang nakayuko.

"O-okay lang." Sabi ko.

Wait, totoo ba to?! Pinatawad ko sila?!

Kadalasan kasi, nagwawala ako pag may gumagawa ng kasalanan sakin.

This is new.

"Becareful next time." Bulong ng katabi ko sakin.

It sent shivers down my spine kaya itinulak ko si Kyle palayo sa di malamang kadahilanan. What the hell is wrong with me?!

"Aray ha!" Umakto siyang nasasaktan pero nakangiti parin siya.

"W-wag ka kasing n-nang gugulat." Sht. Bakit pautal utal ako.

Hinawakan ko ang dibdib ko

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Taena bakit gan'to?! Ah, malamang kinakabahan ako sa nangyari kanina. Muntikan na akong mahulog 'no.

"Tara na, Kim.," ngumiti siya. Yung ngiti na gustong gusto kong makita ulit. "Five minutes nalang, bell na" sabi niya at hinila ako.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

---*
>>NEXT UPDATE.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon