P

18 2 0
                                    

P

-Kim's POV-

Nalate ako ng gising kaya madaling madali ako papuntang school. Sheett!

Wala na ang mga pinsan ko dito. Malamang umuwi na ang mga yun kaninang madaling araw para pumasok sa school nila.

Chineck ko ang phone ko at nakita kong walang messages si Kyle dun. Huh? Anyare sakanya? Malamang late rin ng gising! Hahaha. Hinatid pa kasi ako kagabi. My lips curved. Hinatid niya ako kagabi.

"Manong, sa school po. Paki bilisan, please?" Sabi ko kay kuya driver namin. 5 minutes nalang, mag iistart na ang klasee!!!

Habang nasa byahe ay tinext ko si Kyle. BAKA KASI TULOG PA YON!

To: Kyle

Rise and shine! Late na po. Goodmorning! :)

Tumakbo pa ako papuntang classroom. Buti nalang late din yung teacher kaya sabay lang kami pumasok ng classroom. Bwahahaha! Kung sinuswerte ka nga naman!

Every 5 minutes, napapatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi pumasok? Bakit kaya? May sakit?

To: Kyle

Bakit hindi ka pumasok?

Kanina pa siya hindi nagrereply kaya nagalala na ako. Anong nangyari sakanya?! Lord, sana po walang nangyaring masama sakanya.

Naguwian na at lahat, WALA PARIN! ANO'NG NANGYARI SAKANYA?!

Lahat ng estudyante ay nagbubulungbulungan. Malamang hinahanap si Kyle dahil kanina pa ako palakad lakad dito mag-isa!

"Kyle, sagutin mo." Bulong ko habang nag riring ang kabilang linya.

Kaso, hindi niya sinagot. Infact, he rejected the call. Bukas na ang birthday niya ah?

Pag uwi ko sa bahay, agad kong tinawagan si Marjorri.

"Marj, ano nangyari kagabi?" Tanong ko agad pagkasagot niya.

"Teka lang, guys anoba shh.," sabi niya sa kabilang linya. Malamang nasa galaan nanaman yan. Sabay lang kaya kami ng uwian! "Ano sabi mo, Kim?"

Bumunting hininga ako. "Ano nangyari kagabi?"

"Ahhhhh!" Leche, tumili pa ang bruha. -.- "hinatid ka ni Kyle pauwi!"

"Baliw. Syempre alam ko yun. Nakatulog kasi ako. Pano ako napunta sa kwarto?"

"Binuhat ka niya," tumili nanaman. "Bye muna couz, magsisine kami, byee." Pinutol niya ang linya. Ugh.

Teka ano raw? Binuhat niya ako? Uminit ang pisngi ko. Ugh! Nakakainis. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

But... that doesn't make any sense! Bakit hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko?

Maya-maya lang ay naghanda na ako para sa birthday party niya mamaya. I should be there. Baka nagpapamiss? Pero iba talaga kutob ko eh. Feeling ko may mali. Tsk.

Ang alam ko, 6:00 ang oras ng party niya sa hotel namin dahil doon gusto ng mommy niya.

As usual, wala nanaman sina daddy.

"Manong, sa hotel po namin." Sabi ko. Tumango si manong driver at pinaandar ang kotse.

Hayy, Kyle. Ano meron? Bakit bigla kang hindi nagpaparamdam?

--*
Sorry po sobrang ikli. :* ilabyu
>Next update.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon