I

42 3 3
                                    

A/N: Hanggang ngayon po, hindi parin ako makapaniwala na aabot ako sa letter "I" hahaha! Okay I'll just shut up now.

Hi nga pala kay sugarpark ❤ Nabasa ko yung 6th chappy ng blog book mo. :( kung ano man yang pinagdadaanan mo, OKAY LANG YAN. Nandito parin ako ha. Wag mong kakalimutang may kaibigan ka pa. :))
_________________________

I

-Kyle's POV-

"Hello?" Tinapos ko ang kantang Little Things.

"Hellooo?" Kinagat ko ang labi ko. Tulog na siguro ito? Hahaha! "Goodnight Kim." Sabi ko tyaka pinutol ang linya.

Hinawakan ko ang lower lip ko at pinaglaruan ito. Damn! I think I'm inlove. Putek, ang gay!

*

"Hi Kim." Bati ko nang maabutan ko siyang naglalakad sa hallway mag isa.

Wala talagang kaibigan to no? Bakit kaya?

"H-Hi." Sabi niya at binilisan ang lakad kaya nauna na siya sakin.

Napakamot ako sa ulo. Ano problema nun?

Naglecture na ang first subject teacher at ni-isang salita ay walanh sinabi si Kim. ANONG PROBLEMA NITO? Di ako sanay na ganto itong katabi ko eh.

"Huy." Tinapik ko siya habang nakatalikod yung teacher nang pangalawang subject.

Sakto naman nung lumingon siya ay ang pagharap nitong tea her na to.

NAMAN EH! MR. DIMAGIBA NAMAN HINDI MARUNONG MAKISAMA!

Napakamot nalang ako sa ulo. Tsk. Mamayang break time nangalang.

*

*kriiiiinnnggggg*

"Dismissed." Narinig kong sabi ni sir. YES!

Minulat ko ang mata ko dahil the whole time na nag didiscuss siya ay nakapikit ako. Pero pagkamulat ko ay palabas na nang classroom si Kim. Nauna pa sa iba naming kaklase.

Hala? Hinintay ko ang break time para makausap 'to, tapos tatakasan lang ako? NO. WAY.

"KIM." Hinabol ko siya dahil nakalabas na siya ng classroom sa sobrang bilis niyang maglakad.

Pagkalabas ko ay hindi ko na siya nakita. Nilibot ko ang paningin ko pero wala. Tsk! Nakakainis!

Sinipa ko yung locker kaya napatingin sakin halos lahat ng studyanteng dumadaan. BADTRIP!

-Kim's POV-

"No. No. No. HINDI PWEDE. NO NO NO!" Paulit ulit na sabi ko habang nagtatago sa likod ng poste.

*BAANG!!*

Sinilip ko si Kyle at nakita kong siya ang maykagagawan nung ingay kaya napatingin sakanya halos lahat ng studyanteng dumadaan.

Bakit ko iniiwasan si Kyle? HINDI KO ALAM. Malakas nanaman ang topak ko.

Nang makita kong dumaan siya sa kabilang way kung nasaan ako ay agad akong nakahinga nang maluwag.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Ewan ko.

Feeling ko kasi mababasa niya yung mga nasa isip ko eh. Ayoko namang mabuking na nagkakaroon na ako ng feelings para sakanya.

Oo. I think I'm falling. AND THIS CAN'T BE GOOD.

Pero wag kayong maingay ha. Ayokong mabuking. Siya lang ang kaibigan ko at wala nang iba pa.

Yun nalang ang pinanghahawakan ko at kung aamin ako, baka lalong mawala.

Naglakad ako papuntang library. Konti lang ang studyante dito at kadalasan ay mga nerds na hindi ko maintindihan kung ano ang binabasa.

Bumuntong hininga ako at kumuha ng librong pwedeng basahin at yung hindi masakit sa ulo.

Alam kong hanggang kaibigan lang ang maituturing sakin ni Kyle.

Magkaibang magkaiba ang mundo namin. Kumpara saaking unknown, siya'y sikat. Kahit sa ibang schools ay kilala ang apelyidong Dela Fuente dahil kay Crash.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng library kaya napatingin ako sa pinto.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Kyle. Sht.

-*

Dont. Hate. Me. Sorry if you think na this chapter is lame. 2:30 AM na po kasi ako nag sulat neto. HAHA, BAKIT? Ewan. :/ okay yun lang goodnight :*

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon