N

22 3 0
                                    

N

-Kim's POV-

Maraming araw na ang nakalipas. Halos makatanggap na ako ng mga death threats galing sa fan girls ni Kyle kaya todo dikit sakin ng unggoy. Buti nga pauwi na kami pero sa sobrang lakas ng trip ni Kyle, naglakad lang kami. Pinasundo niya pa ang kotse niya sa driver nila. Lakas ng topak, diba?

"Malapit na birthday ko." Masiglang sabi niya habang patalon talon na parang bata na nakatanggap ng candy.

"So?" Pang-aasar ko sakanya. Bigla namang sumimangot si Kyle. HAHAHAHA! Cute lang eh ^_^

"Tyaka ano.. Alam ni mama na may nililigawan ako." Napakamot siya sa batok.

"Ano?" Tanong ko.

"Alam nina mama na may nililigawan ako." Sabi niya.

"Tapos?" Tanong ko ulit. Sensya na! Kinakabahan eh. Mamaya mangyari sakin yung mga nangyayari sa characters sa wattpad na hindi tanggap ng pamilya ng lalaki yung babae kaya pinaghiwalay sila. My gahd, nooooo!

"Gusto ka niya makilala. Pati si Papa."

"Ah.. yun lang pal--HA? A-ANO KAMO?" Eto na nga bang sinasabi ko eh!

"Nandito na sila mamayang madaling araw. At gusto nila magdinner kasama ka bukas."

"No. Way!" Ayoko. Natatakot ako.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Kyle. Uh-oh. Lagot ka Kiiim! Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako."Bakit? " humakbang siya palapit saakin.

Hindi ako nakasagot agad. Ayoko kasi natatakot ako. Ayoko kasi baka hindi ako tanggapin ng pamilya mo kahit hindi pa kami. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito.

"Bakit, Kim?" Humakbang ulit siya palapit sakin kaya napaatras ako.

"K-kasi Natatakot ako. Pano kung ayaw ng pamilya mo sakin? Pano kung tulad ng mga nababasa ko sa libro, ilayo ka nila sakin? Pano kung--" napatigil ako nang yakapin ako ni Kyle ng sobrang higpit.

UGH! HINDI NA AKO MAKAHINGA.

"Hindi sila katulad ng mga nababasa mo, Kim. Mom is not taking a 'no' for an answer. " sabi niya bago humiwalay sa yakap.

Tumango nalang ako. Eh? Wala rin pala akong choice eh. Bakit Kim? Sino ba nagsabi na may choice ka? HAHA!

Nilugay ko ang buhok ko para makita ang pagka-wavy nito. Hindi ako naglagay ng make up dahil sabi ni Yanna at Marj, mas maganda daw kung makikita kung sino talaga ako. Yung tipong first meeting palang ay wala nang tinatago.

"Yanna, sure kang okay lang ang itsura ko?" Tanong ko pinsan ko.

"Oonga! Kulit. Diba Marj?"

"Yeah! Ganda mo tonight! Nagmukha kang babae!" Nag high-five pa ang dalawa habang tumatawa.

Ay grabe. Thankyou ha.

"Joke lang couz. Ano? May susundo ba sayo? Or tawagan pa natin si RJ? " tanong ni Marjorri.

"Hindi na. Susunduin daw ako ni Kyle mamayang 7:30."

"Sige! Baba lang kami ni Yanna, ha? Na wi-wiwi ako eh." Sabi ni Marjorri habang sumasayaw sayaw na parang tanga.

"Ha? Iiwan niyo ko dito?"

"Walang mumu dito. Kwarto mo to eh! Matatakot sila sayo. Hahahaha joke. Teka naiihi na talaga ako, wait!" Hinila niya si Yanna palabas.

Tiningnan kong muli ang reflection ko sa salamin. Purple dress, diamond earings, black flats. Sa mukha ko naman, eye liner lang. Sa totoo lang, hindi ako to eh. Hinding hindi. Malayo sa Kim na kilala kong ako.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon