C

47 4 0
                                    

C

-Kim's POV-

"Nash Kyle!" Tawag ko sakanya habang naglalakad sa hallway. Walang tao. Ang creepy.

Sinamaan niya ako ng tingin. Ano nanaman ba ang ginawa ko? "How many times do I have to tell you that I dont like being called by my name. Call me Kyle!" Sabi niya. Noseblood ako teh! T__T

"Kyle. Ano ba talaga pangalan mo?"

"Kyle nga. Kulit naman ng lahi mo." Aniya sabay kamot sa batok.

"Yung buo kasi." Inis na ko dito ha. Susuntukin ko to!

"Nash Kyle," naghintay pa ako sa sasabihin niya. Bumuntong hininga siya at, "Dela Fuente."

Nanlaki ang mata ko. "Kaano ano mo si--"

"Crash? Kuya ko." Pa cool niyang sabi. Tumigil ako sa paglalakad.

Kaya pala familiar siya. Wth.

"Huy." Tawag niya. Lah? Anlayo na pala niya. "Tara na anobang tinutunganga mo diyan?"

Sumunod ako sakanya.

Teka... papuntang parking to ah?

"Huy Na--," sinamaan ako ng tingin ni koya. Sorry naman. "Kyle. Bat tayo nasa parking?"

"Cutting."

"Gago ka? Never ever ever pa ako nag cutting sa buong buhay ko! Tapos hihilain mo lang ako rito? Kain nalang tayo sa canteen." Aya ko.

"Tapos ano? Papagalitan tayo ng mga teachers na dadaan dun? Wag nalang oy! Besides, mag uuwian na oh. Thirty minutes nalang."

Sabagay tama naman siya.

Tyaka chance ko na rin to noh! Kung magiging kaclose ko tong si Kyle, mapapalapit din ako sa kapatid niyang si Crash. Omooo! Dream come true yon wooh!

"Aray!" Nabalik ako sa katinuan ko nung naramdaman kong pinitik niya noo ko.

"Pimples ko yun, gago!" Sabi ko.

"Marami ka panamang pimples dyan. Ok lang yon." Gago talaga. "Maka-ngiti ka kasi eh. Kala mo may masamang balak."

Ha? Nakangiti pala ako?

Sabagay, lagi naman akong napapangiti pag naiisip si Crash.

"Tara na Kim. Ano ba." Sabi niya. Nakalayo na pala siya at nasa kotse na kaya tinakbo ko na ang distansya namin at pumasok na din sa kotse niya.

*

"Sha-rap nheto. Sha-lamat Kyle!" Sabi ko habang ngumunguya.

Nilibre niya ako eh. Kapalit daw ng pagiging dahilan kung bakit kami napalabas ng room.

"Alam mo, sana lagi tayong mapalabas ng room para laging libre. Hahahaha!" Tawa ko. Natawa naman siya.

Andito kami sa mall. Buti nga pinapasok kami. Ahahaha 5:00 na kasi at halatang uwian na noh.

"Kapatid mo talaga si Crash?" Tanong ko kahit halata naman.

Kaya pala familiar yung fezz(face) niya

"Oo."

"Pano nangyari yun?" Sabay subo ko sa burger.

Di kasi nakakapagtaka naman diba? Di ko rin naman alam na may kapatid si Crash tyaka kung meron man, akala ko snob din.

"Parehas kami ng nanay at tatay?" Patanong pa.

Nanliit ang mata ko, "sigurado ka ba'ng hindi mo 'ko pinagtitripan?" Tanong ko.

Mabuti nang sigurado noh. Mamaya ipahamak lang ako neto.
"Ano makukuha ko kung pagtitripan kita?" Sumubo siya ng fries.

*Krriiiingggg*

"Excuse me. " tumayo si Kyle at sinagot ang tawag nang makalayo na siya.

Agad kong kinuha ang Diary ko. Kating kati na akong magsulat dito no!

Writting is my hobby

Dear Diary,

So kapatid pala ni Crash si Kyle na new found friend ko? Finally! A chance para mapalapit ako kay Crash. This is a dream come true.

Agad kong sinarado at nilagay sa bag ang mga gamit ko nang makitang paparating si Kyle.

"Ano tapos ka nang kumain?" Tanong niya sakin habang nakangiti.

Ang ganda talaga ng ngiti niya! Plus dimples. Tas yung brow eyes. Omoo! No, Kimberly Ann! Maging loyal ka kay Crash.

"Yep." Sabi ko at tumayo.

*

"Thankyou Kyle!" Sabi ko at bumaba sa sasakyan niya.

Hinatid niya kasi ako pauwi. Tutal naman daw ay siya ang humila sakin sa mall.

"No problem," ayan nanaman yung ngiti niyang mala-anghel!! "See you tomorrow, Kim." Sabi niya. Tumango lang ako at sinarado ang pinto ng sasakyan. Pinaharurot niya ito.

Langya! Nakain ko ata yung alikabok =_=

--*

Nagpapasalamat lang po ako sa mga nagbabasa neto :)

Tyaka sorry po kung naiinis na kayo sa sobrang ikli nang bawat chapter :(( Phone lang po kasi gamit ko. Mahirap hehe :*

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon