B

91 5 2
                                    

B

-Kim's POV-

Agad agad akong pumunta sa bleachers malapit sa field. Yes, di ako naagawan ng pwesto sa harap!

Kung tinatanong niyo kung ano 'tong kabaliwan na 'to, pumunta lang naman ako rito para manuod ng training ni Crash my loves! Pero as usual, HINDI AKO NAGIISA DITO.

Ang daming haliparot na ang lalakas makatili. Tss. Pwede namang manuod nalang!

Being here watching him is a sign of supporting him, you know. Hindi mo naman kailangan ipagsigawan na sinusuportahan mo siya! Wala naman kasing may pakeelam. Kahit si Crash mismo, na sobrang snob, walang pakeelam!

Napairap nalang ako. SAKIT SA TENGA!! AGGH. Kaso kung sisigawan ko naman ang mga to, at sabihang wag maingay, edi nag mukhang kalevel ako nang mga tanga, diba?

I won't let that happen.

Tumingin ako sa field. Ang bilis niya tumakbo! Omygahd, kalma Kim! Baka himatayin ka sa harapng crush mo. ANG GALING NIYA MAGBASKETBALL, AGHH!

Nag water break sila kaya humupa ang tilian. Juice-colored, bakit kelangan pa ng mga tanga sa mundo?!

Kinuha ko nalang ang bag ko at nilabas ang mahiwagang DIARY ko at nagsulat;

Dear Diary,

As usual, tuwing break time, nandito ako sa field. Never in a million years na natupad ang wish ko. Gusto ko lang naman masulyapan ni Crash eh huhu. Ang gwapo gwapo niya!! Speaking of GWAPO, may

"Huy."

"Ay kalbo!" Inang! Kelangan manggulat?! Aatakihin ata ako sa puso neto eh!

"Hinanap kita kung saan saan, nandito ka lang pala." Ha? Ano raw? Teka sino ba to--- Ayy! Yung bagong pogi--ahem excuse me.. Yung nagiisang pogi sa classroom.

"Ahh. Dito lang naman ako tuwing break." Sabi ko at tumingin ulit sa field. Naglalaro na ulit sila! Leche naman di ako makapanuod! Kasi naman eh dumating pa tong si-- uh.. Pangalan neto?

"Di ka naman nakikinig eh." Feeling close amputa! -.-

"Ano?" Tanong ko. Inis na. Kasi naman eh!

"Ano kako pangalan mo! Ako lang nagpakilala kanina eh. Bigla kang tumakbo -.-" Ahyy, oonga pala. Sorry po!

"Kim." Sabi ko at nanuod ng laro ni Crash. ANG GWAPO NIYA KINGINA!

Napatingin ako sa kabilang side ng bleachers. Ayan nanaman po ang mga tili nang tili.

"Ano to?" Nanlaki ang mata ko nang kinuha niya sa kamay ko ang diary ko. PUCHA DIARY KO YUN!

"Akina yan!" Inabot ko ang libro para makuha. Leche ang tangkad ng lalaking to! 6footer ata.

"Pabasa lang eh.. Dear Diary, As usual, tuwing---" sinuntok ko siya sa tyan kaya natigil ang pagbabasa niya at napahawak sa tyan.

"Wag na wag mong hahawakan to. " sinamaan ko siya nang tingin. Tinawanan lang ako ng gago.

"Sino ka ba?" Tanong ko habang nanggigigil. Natigil naman siya sa pag tawa at umaktong nasasaktan.

"Aray naman! Kakapakilala ko palang sayo nalimutan mo na ako? Ouch!" Bwiset.

"Kung di mo sasabihin, umalis ka nalang. Chupe!"

"Nash Kyle ngaa!" Sabi niya.

"Oh eh bakit ka galit?!"

"Kung ikaw magpakilala ka sa crush mo tas kalimutan lang yung pangalan mo, di ka magagalit?!" Umirap pa siya!

Ano daw? Crush? Lul! "Tigilan mo ko ha. Anong crush ka diyan?"

Tinawanan niya ako. Feeling close na kupal. "Bakit ba ang feeling close mo?" Inirapan ko na.

Sumeryoso ang mukha niya. Halaa, na offend ko ata si koya. Lagot ka Kiiim! "I just want to be your friend." Sabi niya. Napakurap ako ng maraming beses.

Nakakatakot siya pag seryoso. Pero familiar talaga mukha niya eh. "I'm sorry. H-Hindi lang talaga ako marunong makipag kaibigan hihi." Nag peace sign pa ako. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Look, I dont have any friends. Walang may kilala sakin dito. Ikaw lang." Inamin ko at tumingin sa sapatos ko.

Truth hurts nga! Pakshet.

"Then I'll be your first friend." Napatingin ako sakanya. Nakangiti. Ang ganda ng ngipin!! Omooo!

Nginitian ko nalang din. First friend.

*riiiiiiiiiiiinnnggg* (A/N: Isipin nalang po natin na school bell yan. Hahaha!)

"Tara?" Sabi niya kaya tumango ako.

*

Chemistryyyyy! Baket ang sakit mo sa ulo?! Kung hindi ka lang major, hindi ako makikinig dito ehhh!

Pero dahil mabait ako at humble pa, makikinig ako. Bwahahaha. *peace*

Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko yung first friend kong nakaearphones! Aba? Nakapikit pa ha? Nagustuhan ata ang pagiging nasa pinaka likod ng classroom.

"Huy." Bulong ko.

Ay tanga! Naka earphones nga eh. Jusko Kim! Asan ang brain?!

Kinalabit ko na. "Huy."

Minulat niya ang isa niyang mata at tinanggal ang isang earphone. "Oh?" Tanong niya.

"Umayos ka nga. Mapapagalitan ka ni sir oh." Pabulong na sabi ko.

"Concerned?" Ngumisi siya.

Gago! "Bahala ka nga." Sabi ko at umayos ng upo. Bakit ko nga ba siya pinapakaelaman?

Nagpagawa ng seatwork si Sir. Kaso ang prinsepeng Nash Kyle, nakapikit parin. Loko talaga.

Nakakalahati ko na ang seatwork. Naguguilty akong hindi ko ginigising si Nash Kyle.

Baka kasi asarin nanaman ako. Pero baka naman sisihin ako neto pag di ko siya ginising?

Hay bahala na! "Nash Kyle!" Pabulong pero medyo malakas na sabi ko. Kinalabit ko pa.

"Anoo?" Highblood?

"May seatwork anoba!" Napalakas ata ang boses ko. Napalingon kasi ang mga classmates ko. Oops.

"Shhh!" Sita ni Sir.

"Sorry po." Sabi ko. Tumawa naman yung katabi ko. Pang asar!!

Sa pagkakaalam ko, hindi ganto ang kaibigan =_=

"Gago. Dahil sayo napagalitan ako!" Sabi ko. Mahinaa. Shh nga daw eh.

"Concerned ka kasi masyado sa--"

"Tumigil ka ngaa."

"Ms. Delos Reyes and Mr. Dela Fuente, get out of the classroom, now!" Sabi na eh. Pahamak tong first friend ko. Bushet. Kung kelan last subject na, tyaka pa mapapalabas! Ang init init kaya!

Pero teka.. ano raw? Mr. ano? Dela Fuente?!

Nanlaki ang mata ko. Hinila ako ni Nash palabas dahil napatulala lang ako dun.

Kaano ano niya si Crash?

--*

Sorry po kung may typos. Phone lang po gamit ko hehe. :*

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon