M

21 3 1
                                    

A/N: Hello po! First of all, pasensya na po kung puro girl POV. Hirap talaga po ako pag boy POV huhu. Pagpasensyahan niyo na.
-------------*

M

-Kim's POV-

Potapieee! Kinikilig ako habang HHWW(holding hands while walking) kami ni Kyle dito sa campus. Haha! sana lang hindi mahuli. Mapilit eh.

>>flashback(about 15 minutes ago.)<<

"Sige na kasi Kim!" Desperadong sabi niya.

"A.Yo.Ko." sabi ko. "Mamaya may makahuli satin dito. Ayoko lumipat ng school ano!" Umirap ako sakanya. Leche kasi! Ang cute ng mukha. Hahaha!

Ok ang weird ko na kaines. Sisihin niyo si Kyle! >__

Sumama yung tingin niya sakin. Nanlamig ang buong mukha ko. Ano nanaman?! "Hindi mo ako mahal, ano?"

Nanlaki ang mata ko. "San mo napulot yan?" Tanong ko.

"Hahawakan mo lang naman yung kamay ko oh!" Pinakita niya pa yung kamay niya sakin. Mukha kaming tanga dito sa classroom. Psh. Sinulit kasi ang aga aga nanaman namin pumasok. "Bakit ba ayaw mo?" Tanong niya.

Eh kasi nga, BAKA MAHULI TAYO.

"Ayoko mapagalitan." Simpleng sabi ko.

"Dali na. Malapit na birthday ko! Next next week na :(" ngumuso siya at yumuko. Hahaha ang cute potek.

Haist. Sige na nga. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Tumingala naman siya sakin at tyaka ngumiti. "Ang daya mo. Wala namang manliligaw na ganyan eh!" Pinisil ko ang ilong niya.

"Tara labas muna tayo ng classroom." Hinila niya ako palabas.

>>end of flashback

And dahil na rin sa sobrang bilis kumalat ng balita, alam na sa buong campus na nililigawan ako ni Kyle. At as usual, maraming naiinis sakin. Kesyo hindi daw kami bagay dahil siya daw ay mukhang anghel, tapos ako mukhang lupa.

Kingina nila! Sarap pektusan eh. Bwiset.

Kanina pa kami palakad lakad ni Kyle. Ewan ko ba? Naka dalawang ikot na nga yata kami? At since 15 minutes before bell nalang, marami-rami na ring estudyante dito.

At halos lahat sila, nakatingin saming kamay.

"Kyle. " bulong ko sakanya.

"Hmm?" Bumaba ang tingin niya sakin kaya napaangat ako ng tingin sakanya.

"Ang d-daming nakatingin oh." Sabi ko. Ngumiti lang ang loko sa sinabi ko. Hala? Imposible namang hindi niya pansin eh may nadapa na nga kanina sa harap namin kakatingin sa mga kamay namin eh.

"Ano naman? Ayaw mo nun? Peymus. Haha!" Ang singkit niyang mga mata ay lalong nawala dahil sa pagtawa niya. Ugh! Kung hindi ka lang gwapo! Kingina mo ha.

Hindi na ako nagsalita kaya tahimik nanaman. Sa sobrang tahimik ay narinig ko na ang bulungan nung dalawang babae na nadaanan namin.

"Girl! May girlfriend na si papa Kyle?" -g1

"Balita ko girl, nililigawan palang." -g2

"Ang lakas naman ng gayuma ni ate? To be honest, hindi sila bagay. Si papa Kyle, pogi. Tapos si ate... no comment." -g1

"Haha! I know right! " -g2. Nagtawanan pa ang dalawang bruha.

MGA LECHE KAYO. ANG KAKAPAL NG MGA MAKE UP NYO, AY ESTE NGGA MUKHA NYO. KALA MO NAMAN ANG GAGANDA, MUKHA NAMANG TUKO! TAPOS YUNG ISA ANG HABA NG BABA!

"Aray." Napabitaw ako kay Kyle nung nagsalita siya.

"Anyare sayo?" Nataranta na ako at tiningnan kung ano ang masakit.

"Sakit ng kamay ko! Ang Higpit mong humawak!" Sabi niya. Tiningnan ko yung kamay niya. Hala? Namumula siya!

"S-sorry Kyle. Nanggigil kasi ako dun sa dalawang babae eh." Sabi ko.

Ngumiti siya sakin. Huh? Nabaliw na ata to? Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at.. AT....

O_O Hinalikan niya ako sa noo! O_O

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Narinig ko rin sila. Eh ano bang pakeelam nila? Eh sayo ako tinamaan eh." Bulong niya sakin bago ako hilain papuntang classroom.

Tangina mo, Kyle. DAHIL SAYO KINIKILIG AKO.

---*

SORRY! Hindi po ako marunong magpakilig, kaya po kung hindi kayo kinilig dito, SORRY PO TALAGA.

And WAAAHH! Masusurprise kayo sa ending :) Malapit na.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon