O

26 4 3
                                    

O

-Kim's POV-

WAAHHH. POTANGINA, ITO NA.

Pinapasok ako ni Kyle sa malalaking pinto ng bahay nila. Takte, ang yayaman talaga. Ang bahay nila ay punong puno ng gintong muwebles, at mga dekorasyon. Centralized ang aircon. Pagkapasok mo palang, ay makikita mo na ang hagdan nilang sumisigaw ng 'ginto ako'. Ang tiles ng sahig nila ay sobrang puti na feeling ko pupunasan ng mga katulong nila after kong tumapak.

"Wow. " bulong ko sa sarili ko. Mayaman rin naman ang pamilya ko pero halatang mas may narating ang pamilyang Dela Fuente.

"Nash Kyle." Napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan kasama ang lalaking may salamin na kamukhang kamukha ni Kyle. Mukhang nasa 50s na ang edad.

"Ma, Pa. This is Kimberlly Ann Jannia Delos Reyes." Wow. Buong pangalan talaga?

Nginitian ako ng mommy niya. Ang gandaa. Nakakainggit. Sa aura nya ay halatang malaking tao ang nasa harap ko.

"Ikaw ba yung nililigawan ni Kyle?" Tanong ng daddy ni Kyle. Nakakatakot ang boses niya at halatang malaking tao rin. Feeling ko nasa harap ako ng presidente ngayon, huhu.

Teka? Bakit ba ako kinakabahan? Eh wala naman akong ginawang masama ah? Nagmahal lang naman ako.

"Opo, sir." Pormal na sabi ko. Ngumiti lang siya.

"You dont need to be formal. Halika, hija, join us." Sabi ng daddy niya at lumakad paalis.

Kinapitan naman ako ng mommy ni Kyle sa braso na ikinabigla ko. "Call me tita, ok? Pwede rin ang mama, if you want." Bumungisngis si tita.

"Ma! Para ka talagang bata." reklamo ni Kyle.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Tanggap nila ako. Everything is perfect.

Natigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa maganda nilang dinning area. Hanggang dito ay bakas na bakas ang yaman nila.

"Kim, wag kang mahiya ha? Feel at home. " sabi ng mommy niya at pumunta sa bakanteng upuan para umupo.

"Lika dito." Sabi ni Kyle at iminuestra sakin ang isa pang bakanteng upuan kaya umupo ako at umupo siya sa tabi.

Hinga ng malalim, Kim. INHALE, EXHALE.

Awkward. Yan lang ang masasabi ko. Sobrang tahimik ng pamilya nila habang kumakain! O baka dahil lang nandito ako? Tatlo pala silang magkakapatid. Si Crash ay kumakain sa tapat ko. As usual, snob parin. Pero i dont care! Hindi ko naman na siya crush. At... yung isang kapatid nila ay babae. Na mukhang mas bata sakin ng konti.

"Parehas ba kayo ng school ni Kyle?" Tanong ng mommy niya sa kalagitnaan ng pagkain namin ng dinner.

"Opo, tita. "

Tumango siya. "Ano trabaho ng parents mo?"

Hala? Ano nga ba? Uhmm... "May 5star hotel po sila mommy. May mga branch po pero sa ibang bansa po nakatayo." Sabi ko.

"Is it the Hacienda Delos Reyes?" Lumaki ang mata ng mommy ni Kyle.

Tumango ako. Sikat pala yung hotel nila mommy? Lol!

"I've been there already dahil sa meetings. Maganda doon lalo na ang serbisyo." Tumango tango ang mommy ni Kyle.

Phew! Matapos mag dinner ay pinapunta ako ni Kyle sa sala. Na walang tao maliban sa kapatid niyang babae. Asan si Crash? Malamang nasa kwarto.

"Teka lang, Kim ha? Tinatawag ako nina papa."

"Oonga, narinig mo nga haha! Sige na. Baka pagalitan ka pa." Ngumiti ako at umupo sa sofa nila.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon