K

27 3 0
                                    

K

-Kim's POV-

"Ahhhh!" Tili ng pinsan ko sa kabilang linya.

"Huy! Ang sakit sa tenga ha." Sabi ko.

Kinwento ko kasi sakanya lahat nang nangyari. As in lahat. From the start na pagkakakilala namin ni Kyle. Si Yanna ang pinaka close ko sa lahat ng pinsan ko. Pero close naman talaga kaming lahat. Sadyang itong bruhang ito lang ang nakakaalam ng deepest secrets ko.

"Kasi naman! Ahh magkakaboyfriend ka naaa!!!" Tumili ulit si kaya nilayo ko nanaman ang phone ko sa tenga ko.

AYOKO MABINGI ANO.

"Boyfriend agad?! Ano palagay mo sakin? Malandi? Ligaw muna ano. " sabi ko at umirap kahit alam kong hindi niya makikita.

"Pakipot ka pa couz.," aba't! "You know what? Diba he's the brother of your childhood ultimate crush?" Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri.

"Yeah. So?" I asked. Ano naman?

"Wala lang." Weird.

"Anak." I can hear mom knocking my room's door.

"Yanna, I have to go. Mom's calling me."

"Okay." She said and hung up.

Nilagay ko sa bag ang phone ko tyaka pinagbuksan ng pinto ang mommy.

"Ma." Bati ko at hinalikan siya sa pisngi.

Pinasadahan niya ng tingin ang kwarto ko. Anong meron? "Buti naisipan mong maglinis?"

"Bored." Nagkibit balikat ako.

Tumingin si mommy sakin. Ang mommy ko ay hindi strict. Buti nga yon eh! Hahaha! "Bukas pupunta dito ang buong Delos Reyes. Family reunion. Hindi ba sinabi sayo ni Yanna?"

Nanlaki ang mata ko. My cousins will be here! "Really?" I asked.

"So, hindi sinabi sayo ni Yanna ?" Tanong ni mommy. Umiling na lang ako.

"Oh siya, be ready. Bababa na ako sa office ko and finish my work para wala nang intindihin bukas." Aniya at tumalikod kaya sinarado ko na ang pinto.

Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto kong pink and white ang theme. Pink wall, white floor. Maayos naman ito. Wag mo nga lang bubuksan ang walk-in closet.

"Family reunion." Sabi ko kay Kyle na nasa kabilang linya.

Tinawagan niya ako para kamustahin at sinabi kong may gagawin ako bukas.

"Ah. Pakilala mo 'ko sa relatives mo?" Feeling ko nakangisi yan ngayon. Siraulo talaga!

"Sira ulo ka talaga. Anyways, next month na ang birthday mo ano?" Naalala ko ang sinabi niya sakin pagkalabas namin ng library kahapon.

"Oo. Wag ka nang mag abalang mag bigay ng regalo. Kiss lang okay na." Sabi niya. Uminit ang pisngi ko at nainis ng konti dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Why Kyle, WHY?!

"Che. Torpe ka naman eh. Hahaha!" Tinawanan ko siya.

"Eh kasi naman! Nung sinabihan kitang crush kita, hindi ka kaagad naniwala. Ayokong mareject no!"

Sabagay, tama naman siya. Sino banaman ang gugustuhing mareject diba? No. One.

Isa na siguro ako sa pinakaswerteng babae sa mundo. Hindi naman kasi lahat ng babae nakukuha ang lalaking gusto diba? Hayy,, parang kahapon lang, baliw na baliw pa ako kay Crash. HAHA! Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa tinawag ako ni mom para mag dinner. Nanlaki ang mata ko.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Kyle na nasa kabilang linya parin.

"7:30." Sabi niya, "wow. Limang oras tayong magkausap?" Dagdag pa niya.

"Believe me, hindi rin ako makapaniwala. Haha, dinner lang kami." Sabi ko at binaba ang tawag.

Pagkalabas ko ng kwarto ay napangiti ako. Limang oras? Wow.

---*
>>next update.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon