E

38 4 1
                                    

E

-Kyle's POV-

Oona. Inaamin ko na. May feelings ako para kay Kim. Ewan ko. Ewan ko. Mula kasi nung pagpasok ko sa classroom nung first day ko, siya agad yung napansin ko. Ang gay man pakinggan, pero seryoso ako tol! Tas sa lahat pa ng mga babae, sya lang yung hindi ako kinibo nung first day.

Kaya ako na ang nagpakilala.

Nung pinalabas naman kami ng classroom, halos magpasalamat pa ako sa teacher namin nun dahil sa chance na makadate ko sya. Bwahahaha! Kaso antakaw pala>_< pero kahit ganun, bakit ang cute niya?!

Kingina, tinamaan na ata talaga ako dito sa babaeng to.

"Thankyou talaga ha." Nilingon ko siya na kanina pa tahimik. "Siguro kung wala ka, uuwi ako nang basang basa." Dagdag pa niya.

"Wala yun. Buti nga-" sinundan kita. Shet! Wag ganun Kyle. mabubuking ka.

ANG TORPE KO!!

"B-buti nga ano?" Tanong niya. Shet ano sasabihin ko dito. Napapikit ako. Tanga kasiii!

"B-buti ano.. ahm.. ano.. buti nahawakan agad kita." Sabi ko. Pakshet Kyle, pakshet ka.

"Oonga eh." Tumango siya. Napabuntong hininga ako.

Pumasok na kami sa classroom at naupo. Naninibago ako dito kay Kim. Ang tahimik eh.

-Kim's POV-

Dumeretso ako sa upuan ko kung nasaan ang bag ko at may hinanap agad. Naka hinga naman ako nang maluwag nang makitang nandun parin ang Diary ko.

Kinabahan ako dun ah!

"Huy, ba't antahimik mo?" Tanong ni Kyle sakin.

Kumunot ang noo ko. Ha? Normal lang nama- ahh. "Marami ka pang hindi nalalaman tungkol sakin." Nginitian ko siya. Magsasalita sana siya nang biglang pumasok ang first period teacher namin at nag umpisa nang mag turo.

*

Kriiiiiiiiiiinnnngggg

BELL NA! finally! jusko, ikamamatay ko na kung ituloy pa ng teacher yung sinasabi niya. Kung anu man yun hehe. Di ako nakikinig eh. Ba't ba?! ikaw kaya mag chemistry ng DALAWANG ORAS. Siguro oo, sanay kayo. PERO AKO HINDE HUHU. Isang oras lang dapat ang bawat isang subject pero dahil absent ang magaling na TLE teacher namin, doble ang oras ng CHEMISTRY. Bushet.

"HUY ANO BA KIM!"

"ANO?!," Problema nito? "Ba't ka sumisigaw, ha?!"

Kainis eh. Biglang maninigaw. Kung di ka lang gwapo, nahampas na kita sa pader!

"Kanina pa kaya kita tinatawag. " Umirap si Kyle. Ha?

"T-Talaga?" Tanong ko sakanya.

"Oo. Dahil tayo nalang nandito sa classroom oh. Ang bagal mong kumilos! Tara na kasii. Nagugutom na ako." Nagpout pa. =_= cute pero ang gay tingnan.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ayy! Di pala ako. Yung kasama ko pala. Malamang alam na nila na kapatid ito ng campus heartthrob. Gwapo rin naman kasi to.

Tumingin naman ako kay Kyle. Parang wala lang sakanya ang tingin ng mga babae. Sanay ang mokong!

"Wag mo kong tingnan nang ganyan. Baka matunaw ako." Sabi niya bigla

"Bakit? Ako lang ba nakatingin sayo?" Di siya sumagot.

*

Kumakain kami sa canteen. Hala ka! Gutom nga ang hinayupak. "Dapat kasi iniwan mo nalang ako kung gutom ka na." Sabi ko pero derederetso parin ang subo niya sa pagkain niya.

"Wala kang kasama." Sabi niya kahit punong puno ang bibig.

"Sanay naman ako eh." Sabi ko.

"Ha? Bakit?" Tanong niyang nakatingin sa mata ko.

"Diba ngaa? Wala akong mga kaibigan dito. Unknown. Di kilala. Ganun. Baliktad tayo. Eh hindi ko nga alam kung bakit ka lumapit sakin nung first day mo eh. "

"Anong problema dun?" Tanong niya.

"Kasi ikaw, sikat. Ako hindi. Dapat sumasama ka sa mga sikat." tinusok tusok ko yung order kong cake. Sakit pala pag sakin mismo nanggaling yung mga ayaw kong marinig.

"Kuya ko ang sikat. Hindi ako. Tyaka kakaibiganin ko ang gusto kong kaibiganin. Para sumaya. Hindi para sumikat lalo. Ano? Makikipagkaibigan ako sa mga feeling peymus jan para sumikat din? Edi naghilaan lang kami pababa. " sabi niya at kumain ulit.

"Tyaka gusto kita eh. Bakit ba?" Sabi nya habang punong puno ang bibig.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

--*

Lame, iknow. Sorry :--( babawi po ako.

Diary ng UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon