CHAPTER SEVENTEEN: ONLY YOU
" so don't go, oh, no, just stay "
- the neighbourhood (reflections)"Shet."
Kaya pala hinihingal ako, hindi lang pala dahil ang tagal ko nang 'di nakatakbo sa treadmill, meron pala ako. I have a fucking menstruation, are you kidding me?
Buti na lang talaga at andito pa rin sa loob ng bag ko yong extra napkin just in case na matagusan ako sa public o during shoot ko, this was supposed to be last month and now I get to use it.
Nakakahiya, buti na lang at konti pa lang and I'm wearing a pad.
Mas nakakahiya kasi andito si Ryland sa apartment ko, he took care of me and even took care of my mom that's super excited to meet him.
Yep, andito nanay ko, it's the worst time to introduce Ryland to my mom again.
"Ma! Tama na." Saway ko kay mama paglabas ko galing banyo.
"Ang gwapo gwapo niya talaga! Ikaw, Megan... sabi mo kaibigan mo lang siya, kailan ka pa nagsinungaling sa'kin, ha?"
Nung may sakit ako, nakilala nila yung isa't-isa nung papaalis na sana si Ryland, mabilis lang din siyang magluto kasi gusto niya 'kong magpahinga at may gagawin pala siya nung araw na yun so he was a little late.
Titig lang nang titig si mama kay Ryland, tapos sabi niya siya ang pinakagwapong lalaking nasilayan niya sa buong buhay niya and I agree.
"Ma, naman!"
"Kayo na ba, hm?" Tanong ni mama kay Ryland.
Nakangiti lang si Ryland at umiling na rin, nahihiya si Ryland pero mukha naman siyang komportable sa tabi ni mama na parang inlababo kasi ang gwapo niya kasi, sobrang gwapo.
Huminga ako nang malalim at hinila si Ryland at pinapasok siya sa loob ng kwarto ko.
"Megan!" Sigaw ni mama.
"Di mo siya kukunin sa'kin, ma."
"Ikaw babae ka ha, marami kang kailangang ipaliwanag sa'kin Scarlett!" Dagdag pa niya.
Nilock ko yung pinto pagkatapos kong pumasok sa loob. I rarely talk about my relationship with my mom kasi wala naman talaga akong relasyon thanks to my last ex-boyfriend. Pero iba 'to kasi iba si Ryland at iba ang nararamdaman ko para sa kanya.
Fuck, I missed him.
And now he's in my room, kaming dalawa lang dito.
"Sorry... sa mama ko."
"No, it's okay." Ngisi niya.
"Ganito rin mama ko so... naiintindihan ko."
Hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa kanya, hindi ako makahinga, ang bilis ng pulso ng puso ko, nanginginig ang buong katawan ko at ninenerbyos ako, hindi ko alam kung paano ako aakto na andito na siya ulet sa harap ko.
It feels like it's been forever since I've seen him.
I really, really, fucking missed him.
"Megan? Okay ka lang ba? Hinihingal ka—"
"Pwede ba kitang... yakapin?" Putol ko.

BINABASA MO ANG
KISS ME ✔️
RomanceAfter numerous heartbreaks and countless disappointments from her relationships, it didn't take that long for her to turn into the wild, sexy, confident, and it-girl Megan Reid that the world now knows. Finding comfort and stability in one-night st...