ONE MORE THING

40 8 4
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: ONE MORE THING

" now you're in my life
I can't get you off my mind "
- Harry Styles (Late Night Talking)

Ang tagal na rin nang huling beses na nakatulog ako nang mahimbing at kalmado ang lahat paggising ko. Most especially, I've never smiled like this, when I just woke up.

Baka ito yung ibig sabihin nila na kapag inlove ka talagang halata sa mukha mo, blooming daw.

Am I blooming, really?

O talagang...

"Morning! Magandang umaga!"

... ah, bahala na kung ano yong dahilan basta masaya ako and I want to cherish this moment and feeling for now.

"Kasing ganda mo!"

Natawa agad ako sa sinabi niya, muntik ko pa ngang mabitawan yung phone, hindi ko ineexpect na umaga pa lang at puro na siya pick-up line. Last time na may narinig akong pick-up line nasa elementary pa 'ko at jejemon yung lalaki kong kaklase na may crush sa'kin.

'Di jejemon si Ryland pero pick-up line kasi siya at ako naman kilig na kilig.

"Tama na, kakagising ko lang."

"I know, I know but still... hindi ko mapigilan ang sarili ko, pagbigyan mo na 'ko, please?"

"Alam mo namang lagi kitang pagbibigyan, Ryland."

Kita ko na yung ngiti ni mama sa'kin paglabas ko ng kwarto, of course she's happy for me nung sinabi ko na kami na ni Ryland kasi sa mukha niya hindi lang para sa'kin.

"Kumain ka na ba?"

"Di pa, magluluto pa lang ako."

"Wag kang magdiet ha, payat ka na tsaka sexy na ri—"

"Ryland, andito si mama, be appropriate." Interrupt ko agad.

I don't know where the 'sexy' where is going to head us to so I don't want him saying anything about me being sexy.

"Sorry, ano... ganda mo, sobrang ganda mo!"

Tama na please, Ryland. Pakilig ka pa nang pakilig baka 'di ko na kayanin.

"May shoot ka 'di ba? Today?"

"Yep, ikaw?"

"Wala, renewal lang ng kontrata ko, and I want to celebrate my renewal today with you."

He told me about the renewal, matagal na rin siya sa agency, isa siya sa mga unang modelo na nasign ni Silas, he's also a core member of the Good Guys that trended in Twitter and everywhere, satisfied daw siya sa agency.

"Ako lang?"

"Yes, just us. I'll celebrate it with my family tomorrow, I also want to introduce you to them."

"Hm, excited ako na makilala ang pamilya mo, kahit na kilala ko na sila dahil kay Brent." Tawa ko.

"Tonight. I want to take you out to dinner tonight, unless busy ka."

"No, hindi ako busy."

"Good."

"Good."

KISS ME ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon