WHICH ONE IS IT?

32 11 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN: WHICH ONE IS IT?

" give me a sign,
this can't be life "
- SZA (Saturn)

I have officially lost my mind.

Hindi naman sa gusto kong itago kay Ryland kung ano ako sa tuwing lasing ako, pero ayoko lang muna ipakita sa kanya yo'n, I go crazy when I'm overly drunk and touchy!

Kahit na may one-night stand ako o FUBU lang, 'di ko nilalasing ang sarili ko para alam kong consensual ang gagawin ko with someone.

I only drink when I'm not thinking of having sex with anybody.

'Di ko matandaan kung ano bang sinabi ko sa kanya pero sigurado ako na baka... yun yung pinagsasabi ko sa kanya.

Putangina 'di ko na alam kung nababaliw na ba 'ko o matagal na 'kong baliw.

"Oi, okay ka lang?" tanong bigla sa'kin ni Brent na suot-suot pa rin yung outfit niya sa shoot kanina.

We just finished our shoot for another brand, the theme is jeans so lahat ng outfit namin ay jeans, puro jeans lang.

"Okay lang. Bakit?" tanong ko at binalik sa hanger yung sinuot ko kanina.

I really like the outfit kaso maluwag nang konti, pakiramdam ko gumagana 'tong kakatakbo ko sa treadmill, nakakatulong naman at at least may excuse na 'ko sa tuwing iniimbita ako nina Keira at kahit si Ryland na rin kung pwede ba 'kong sumama sa kanila.

I'm not in the mood to go anywhere, not when I'm filled with anxiety, feeling ko sasabog ako.

Alam ko na tatanungin ako ni Keira at ng iba kung ano nang meron sa'ming dalawa ni Ryland, o kung ano man and I don't want to answer or talk about it at all.

I have never felt this in a long time.

Takot.

Nerbyos.

Galit... galit sa sarili ko.

Doubt.

This is all too much for me.

"Sabi niya may sakit ka raw... yun daw text mo sa kanya."

"I know." sagot ko agad at tinali ang buhok ko.

After this, I am going to workout.

Kailangan kong idistract ang sarili ko mula sa mga bagay na ayokong isipin at komprontahin.

"So may sakit ka ba o wala, Megan?"

"Meron."

I have a migraine, I can't sleep well, I don't know basta may sakit ako at malala, wala akong pake.

I need to be away, I need to end this anxiety in my heart.

I need time away from it all and I'm doing it because I like him, because I like Ryland Benedict Manuel.

"Mega—"

"Pwede ba? Tama na, Brent." sabat ko.

"So may problema ka nga."

Wala akong panahon para ientertain siya, I don't want to answer any of his questions, I just want to end this anxiety and doubt inside my body so I can finally focus on my relationship with Ryland.

KISS ME ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon