WISHES

28 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE: WISHES

" I know that it's God up there,
giving me all the signs "
- Victoria Monét (How Does It Make You Feel)


WARNING: MATURE CONTENT AHEAD! 18+ ONLY! EXPLICIT!

YOU HAVE BEEN WARNED.


"Hello, pokus ta'yo, Megan." Palo sa'kin ni mama.

Titig ako nang titig sa bracelet na binigay sa'kin ni Ryland. It's been a week but I still can't take my eyes away from it, it's not because it's expensive or that it's beautiful, it's because it came from Ryland.

He's so sweet, ang swerte swerte ko na siya ang lalaking nagustuhan ko, it's even a miracle na nagustuhan niya rin ako.

"Mama naman..."

"Importante 'to, Megan. Kung ganito ka pala 'di na sana kita sinama."

Nasa opisina ako ni mama, kakalaunch lang ng mga sabon niya and business is doing good. Marami rami ang sales na kinailangan niyang bumili ng units ulet, baka kasi masoldout nanaman, oh yes, sold out.

Nasoldout ang una niyang launch nung nakaraang linggo dahil sa pinost ko sa TikTok at Instagram stories na rin tungkol sa sabon, hindi lang ako pero pati na rin ang mga kaibigan ko at si Ryland na rin.

It quickly became popular, maraming nacurious kaya sinubukan nila and they loved it!

Naeexcite ako para sa kanya, she's going to launch another line of soaps but a different scent this time. She's been testing the scents and the soaps to make sure that everything is perfect.

"E'to?" Tanong niya at pinakita yung pulang dress sa'kin.

"O e'to?" And another dress but in beige.

"Yo'n, bakit?" Tanong ko naman pagkatapos kong piliin yung beige.

"Para sa date."

"Date? May date kayo ng boyfriend mo?" Ngisi ko.

Sa simula, hindi ako makapaniwala na may boyfriend na pala siya. Sinabi ko naman sa kanya na wala namang problema kung magkaro'n ulet siya ng boyfriend o ikasal ulet, as long as masaya siya.

Kaya pala tanong siya nang tanong kung okay lang ba talaga ako at lagi siyang labas nang labas.

I have met the man before. Kasing-edad ni mama, gwapo at mabait. He was married but his wife died a long time ago, wala rin siyang anak. Tulad naming dalawa ni Ryland, they're also taking it slow.

Pero mas mabagal pa sila kaysa sa sa'min.

"Sa'n naman kayo pupunta?"

"Kain tapos... ewan."

Ooh, baka do'n na sila papunta?

Pero ayokong malaman kung anong gagawin nila, basta masaya siya e 'di masaya rin ako para sa kanya.

"Kailan naman?"

"Mamayang gabi."

"Mamayang gabi na? Excited ka ba?" Kinikilig kong sabi.

"Mukha ba 'kong excited? Andito pa rin ako sa opisina oh, busy, nagtatrabaho, Megan."

Sabi niya nga 'di ba, priorities before men muna.

KISS ME ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon