CHAPTER 4

28 7 7
                                    

CHAPTER 4:
"NO ONE CAN HURT YOU"

NAPADAAN siya sa guidance office upang magpapirma Kay Ma'am Angelina Suriquez, naalala niya na ang dalawang dalagang kausap niya kanina ay patungong guidance office din. Napaisip siya na yung sumigaw kaninang teacher ay baka guidance counselor.

Kakatok sana siya ng biglang nagkaroon ng ingay mula sa loob.

"Kayong lima! Ang hilig niyo maghanap ng gulo.-" sigaw ng teacher.

'Siguro ang sinisigawan ni Ma'am Suriquez ay yung babaeng masungit na kausap ko kanina'

Sumilip siya ng konti sa may bandang pintuan dahil yung pintuan ay may maliit na babasagin.

Kita niya mga bakas sa mukha ni Shaniqua na habang pinapagalitan siya ng guro. His heart was pounding and beat fast.

'Sheesh iba nararamdaman ko.'

Di mapigilan na mapatingin si Jacques sa mukha ni Shaniqua. Biglang tumunog phone niya at napatingin siya dahil nag alarm na sa oras ng 7:00 am.

'I should go now first to faculty mamaya nalang siguro ako babalik.'

Umalis na siya at dumeretso na siya sa Science Department na kung saan ang faculty ng mga teacher sa course na kinukuha niya.

Bsed Science ang kinuha niya dahil mama niya ay teacher din pero ang subject na hawak ay Mathematics. He hate mathematics. Palagi siyang tinutulak ng mommy niya na mag Math Major nalang siya para madali pero ayaw niya talaga dahil boring. Science Major ang pinili niya dahil masaya. Madaming mga topics na dapat pang matutunan katulad ng sino ba ang mga unang tao at hayop na nakapunta na sa outer space. High school palang siya palagi siyang napapasa sa mga quiz bee ng science, minsan nga nakakasama siya sa mga activities like mag experiment sa subject na chemistry.

Patak ng 7:30 agad na siyang pumunta sa room na kung saan anong section niya. Hinanap niya building ng Scinatics Building.

'Hirap naman hanapin kung saan ang Scinatics Building. '

Nagtanong tanong siya sa mga babae na nasa tabing locker na kung saan daw ang Scinatics Building. Nagpapakipot ang dalaga sa harapan niya bago pa ito masagot ay nilayasan nalang niya.

"Sungit mo naman koyaaa-" sigaw ng dalaga sa kanya na may halong landi.

"Nagtatanong ako ng ayus 'di agad sagutin. Tchhh." kausap niya ang kanyang sarili.

Nakasalubong niya ang isang teacher na may daladalang books na pang college. Syempre college university ito. Magandang guro siya at maganda ang hubog ng katawan. Chinita siya, kahit nakasuot siya ng salamin ay maganda pa din siya.

"Good morning po ma'am, Can I ask a question?" nahihiyang nagtatanong si Jacques sa guro.

"Okay bunso ano yun?" tanong ng guro sa kanya.

"Ma'am saan po dito building ng Scinatics medyo naliligaw po ako. New student po ako dito ma'am. Nagtatanong po ako sa mga babae sa may bandang locker room kaso sinagot po ako ng papilosopo. Pasensya na po kung mareklamo po ako kahit baguhan palang po ako. " pagpapaliwanag niya sa guro.

Totoo ang sinasabi ni Jacques dahil nag tatanong naman siya ng ayus. Sino pag ga naman na hindi maiinis, ikaw kaya sagutin ng papilosopo. 'Mahirap maging pogi '

"Ahhh yes bunso. Idadala kita sa building na iyon. Mag teteacher ka din pala ah. It suits to you nice bunso. Pasensya ka na sa mga babae don sa may bandang locker, sadyang ganun sila kapag may bagong student dito. Katulad 'nan may itsura ka talagang 'di ka nila sasagutin ng ayus ng dahil sa kapogian mo. " natatawang pagkasabi ng guro kay Jacques.

YOU ARE THE ONE (On-going)Where stories live. Discover now