CHAPTER 9:
"POOT "BUSY si Shaniqua sa pag-aasikaso sa mga customer, isa siyang cashier sa convenience store. Nagsinungaling siya sa mga kaibigan niya na siya ay may ibang pupuntahan ngunit ang punta niya ay dito sa SevenUp Convenience Store. May dumating na costumer, lalaki at parang ang weird kung kumilos. Nakahanda kamay niya sa emergency bottom just in case na may magnanakaw or kung may sunog.
May kinukuha siya sa mga nakahilerang mga staffs at lumapit sa kanya. Lakas ng kabog ng puso niya dahil nakakatakot ang mukha niya. Itim ang kanyang suot at naka sombrero ito.
Nagulat siya ng ibinitang ang kinuha niya sa mga nakahilera at iyon pala ay Condom na durex ang Brand nito. Kinabahan siya baka kung anong mangyari sa kanya.
"50.00 PESOS po sir."
Binigay agad sa kanya ang bayad at umalis na agad ang lalaki palabas ng store.
Napaupo agad si Shaniqua ng hinawakan niya ang puso niya.
"Huuuuu!! Akala ko criminal, condom lang pala bibilhin. Tsk. Tsk. "
May pumasok na costumer at patuloy pa din siya nagtatrabaho.
Bandang 6:00 pm, nag review muna siya ng konti. Habang nag hihintay ng customer ay patuloy lang siya nag aaral. Kaya niya pagsabayin ang pag aaral sa trabaho. May pumasok sa costumer at napatayo siya kung sino iyon. Sina Jerica.
"Hahaha sis, ano nga pala iinomin natin? Soju nalang ba? " tanong nung kasama habang may hawak na sigarilyo. Nilapitan niya ito at inagaw ang sigarilyo sa babae.
"Ms. bawal po magsigarilyo sa loob ng convenience store. Baka po mapagalitan ako ng boss ko." nagalit yung babae at lumingon sa kanya si Jerica.
"Ohhh Shaniqua, ikaw pala. Dito ka nag wowork? Ayus yan ah. Nakaka-proud ka naman Shaniqua. Bagay sayo ang klase na iyan. Mukhang pera at mahirap." Lait ni Jerica sa kanya. Gustong gusto niya na suntukin si Jerica ng malakas ngunit hindi niya pwede gawin iyon dahil baka matagtag siya sa trabaho.
"Hindi ko nakalimutan yung ginawa mo sa akin sa School ng dahil sa iyo nasuspende ako sa paaralan na iyon." sinampal siya ng malakas.
"Kulang pa sampal ko sayo! Girls let's go sa iba nalang tayo bumili." dinibdib siya ng tatlo sabay lumabas ng store.
Tumulo ang luha niya at pinunasan niya iyon. Masakit man sabihin sa kanya ni Jerica pero alam niya sa sarili niya nagsisikap siya.
NASA mall sina Jacques kasama si Jerico. Sinamahan niya ito at ililibre niya ng damit para naman umiba ang porma ni Jerico. Hinayaan niya na pumili si Jerico ng damit kaso ang mga pinipili pang nerdi talaga. Katulad ng damit na mahaba ang short na hanggang tuhod at yung damit na over shirt tapos sinamahan niya ng cap at sunglasses.
"Hoy pre, ano ba yang pinipili mo ang baduy. Para kang si Bonjing." hindi mapigilan tumawa.
"Ehh hindi kasi ako marunong. Hindi ako sanay sa mga pormang katulad mo manamit."
Kumuha siya ng damit na Gucci, Lee, Nike or sa Penshoppe, at Oxygen. Pagdating talaga sa pormahan ay magaling mamili si Jacques. Tinuruan kasi siya ng daddy niya na kung paano maging gwapo sa pamamagitan ng pag poporma.
YOU ARE READING
YOU ARE THE ONE (On-going)
RomanceShaniqua Latisha Ezra, a bright young student with a beautiful face and a perfect body, had an ex-boyfriend named James who cheated on her. She always doubted herself, fearing that if she fell in love again, there might not be anyone destined for he...