CHAPTER 10:
"BAKA MATUNAW"NASA school na silang dalawa at si Shaniqua ay walang imik simula nung nagpara ang lalaki ng tricycle. Nagtataka si Jacques bakit ang tahimik nito. Bigla pumasok sa isipan niya yung ginawa niya kanina sa nanay ng dalaga.
FLASH BACK ***
Maaga siya dumating mga bandang 5:30 am ay nasa labas na siya ng gate nina Shaniqua. Medyo malamig pa ang umaga. Hinipan niya ang kanyang palad upang magsilbing init nito. Sobrang aga niya talaga pumunta dahil palagi niya iniisip ang quotes na "Early birds catches the worm". Nakita niya ang isang babae na papuntang gate siguro ang edad ay nasa 30-40. Hindi niya pinansin at nag antay pa din siya.
"Ahhh Toy, may kailangan ka ba?" tanong ng babae sa kanya.
"Ah ma'am nandyan po ba si Shaniqua. Kasi po may usapan po kami na sabay po kami pumasok at sabi ko po sa kanya na maaga po ako pupunta." paliwanag naman nito.
"Ahhh ganun ba, sige umakyat ka muna sa taas, siguro ay gising na iyon."
Nahihiya siyang pumasok sa loob dahil first time niyang makipasok sa loob ng bahay ng babae. Never siyang ganito. Umakyat siya sa taas at nagagandahan siya sa ayos at simple ang pagkabahay.
"Upo ka muna pogi. "
"Hehe thank you po ma'am."
"Hay nakung bata ka wag mo ako tawagin na ma'am. Tita Grace nalang. Ang formal kasi ayaw ko hehe. Siya diyan ka na muna ha, ipaghahanda kita ng pang almusal."
"Hehe sige po kaso nakakahiya naman po."
"Naku wag ka mahiya. Feel free"
Masaya at mabait kasama mama ni Shaniqua na si Tita Grace. Napansin niya ang isang lalaki na nakasilip sa loob ng kwarto nito na animoy masama ang tingin sa kanya. Nakatatlong lunok siya ng dahil sa takot. Napaisip-isip siya na siguro tatay ito ni Shaniqua.
Biglang bumukas ang pintuan sa kabilang kwarto at lumabas si Shaniqua. Sobrang ganda niya yung pouty lips nito talagang nakaka akit. Yung buhok niya nakabuhaghag kahit messy hair maganda pa din. Yung hubog ng katawan ang ganda din.
"What are you doing here? I told you to wait outside but why are you here?" gulat na tanong ni Shaniqua sa kanya.
"Pinapasok kasi ako sa loob ni Tita. Nakita niya kasi ako na nasa labas ng gate." sagot naman nito ng maayos
"What?" napasigaw sa galit si Shaniqua.
"Oh anak gising ka na pala. Pasensya ka na pinapasok ko na siya sa loob. Tulog ka pa kasi kaya ayun. " sabi ni Tita Grace.
"Tsssss. Tara na Jacques"
"Kumain muna kayo. Alam kong kagabi ka pa di pa kumakain." lambing ng ina sa kanya.
"Hindi na po sa scho--"
"Sige po Tita gutom na po ako hehe. Medyo hindi pa po ako nakakain sa amin eh." lusot niya dahil gusto niya kumain kasi gutom na nga talaga siya. Medyo kinapalan na niya mukha niya.
Nagtanong mama ni Shaniqua sa kanya kung girlfriend ba niya ang anak nito. Napapansin niyang napapasamid ang dalaga kahit pinipigilan tumawa ni Jacques. Nag-joke ito sa Tita Grace nito pero deep inside totoo yung sinabi ni Jacques na balak niya ligawan si Shaniqua. Gustong gusto niyang ligawan si Shaniqua at maging babae sa buhay kaso ang katanungan ng isipan kung gugustuhin din ba siya ng dalaga?
END OF FLASH BACK***
NASA classroom na silang pareho wala pa din imik si Shaniqua. Kinulbit niya ito sabay humarap sa kanya. Ang mga mata ni Shaniqua ay nanlilisik na animo'y parang sasapakin siya or kakainin.
YOU ARE READING
YOU ARE THE ONE (On-going)
RomanceShaniqua Latisha Ezra, a bright young student with a beautiful face and a perfect body, had an ex-boyfriend named James who cheated on her. She always doubted herself, fearing that if she fell in love again, there might not be anyone destined for he...