CHAPTER 19
"Kumpas"
PALIHIM ang kanilang relasyon dahil ayaw muna nila malaman kina Andrea at kay Jerico. Low-key muna. Tuwing gabi sila nakatambay sa amusement park. Palagi din hatid sundo si Shaniqua kahit sa trabaho nito."Jacques salamat ha. Ingat ikaw sa pag-uwi mo."
"Okay. Pasok na ikaw sa loob." sabay hinalikan ni Jacques sa noo.
"Bye." kaway nito sa kanya. Sabay sumakay na si Jacques sa loob ng Lamborghini.
Umakyat na siya sa taas at nadatnan niya mama niya na nagbabasa ng pocket books.
"Ma. Mano po."
"Kaawaan ka ng diyos. Kamusta at mukhang pagod na pagod ka ah."
"Dami pong school works ma."
"Ahhh ganun ba kumain ka na diyan at tinirhan na kita ng pagkain. Pahinga na ikaw anak."
"Opo ma. Kayo din po"
Ngumiti mama niya at pumasok na agad siya sa kwarto niya. Kumain na siya at nag half bath na din.
Umupo siya sa kanyang study table at binuklat niya ang book na pang major. Mag babasa sana siya ay biglang ring phone niya.
JACQUES CALLING...
Sinagot niya agad agad at umubo muna siya ng konti.
"Hello?"
"Hi" boses ni Jacques ay parang nakakaakit.
"Bakit ka napatawag?" Sabi niya habang nakangiti.
"I want to here her beautiful voice, my girlfriend."
Kinikilig siya sa sinabi ni Jacques.
"Hmmm. Sus. Hehe"
"Kumain ka na ba?"
"Mmm-yeahh. Ikaw?"
"Busog na ako hindi ako kumain."
"Bakit?" curious niyang tanong.
"Busog na ako dahil kausap kita."
Namula pisngi ni Shaniqua at palihim na tumatawa.
"Tumigil ka nga. Ehem" saway niya kay Jacques pero may konting pagbabago sa saway niya.
"Kinikilig ka ba? Alam kong kinikilig ka. Baka mahalikan kita diyan."
boses baratino.Biglang tumibok ang puso at parang natameme sa mga sinabi ni Jacques sa kanya.
"Yahhhhh (Heyy!) Hi-hindi ako kinikilig no. Tu-tumigil ka nga. "
"Imissyou, my love"
"I like you, my love."
"Jacques. Ano ba?"
"I lo-"
Agad niyang pinatay ang phone call at napatulala siya ng ilang segundo.
"Tama ba iyong naririnig ko? Huwag niyang sabihin yung isa sa magic word na iyon ay like thank you, I'm sorry, I need you at I love you? No way no way no waym Huwag muna. Maldo Andawe. Hindi pa ako handa magresponse. Yahhhhhjhhh!!"
Panay gulong niya sa kanyang kama. Hindi mag kaintindihan ang kanyang mga kinikilos. Kinikilig ba siya o natutuliro? Biglang may kumatok galing sa labas at nagsalita mama niya.
"Anak, ayos ka lang ba?" biglang binuksan ni Grace ang pintuan.
"Ma-ma?"
"Ohh bakit parang gulat na gulat ka?"
YOU ARE READING
YOU ARE THE ONE (On-going)
RomanceShaniqua Latisha Ezra, a bright young student with a beautiful face and a perfect body, had an ex-boyfriend named James who cheated on her. She always doubted herself, fearing that if she fell in love again, there might not be anyone destined for he...