CHAPTER 16:
"GUSTO KITA"NASA hapagkainnan na silang lahat. Magkatabi sina Shaniqua at Andrea sa kaliwang lamesa, sina Jacques at Jerico ay nasa kanang lamesa naman. Si Jacqueline naman ay nasa corner, pati din asawa niya na si Jacob. Habang kumakain sila ay may konting halong kwentuhan. Agad siyang ini- interview ni Jacob na ang tatay ni Jacques. Nagkatinginan ang dalawa ngunit bigla umiwas ng tingin si Shaniqua.
"Shaniqua, magkaklase ba kayong ni Jacques?" tanong ni Jacob habang seryosong kumakain.
"Opo Sir magkaklase po kami." magalang niyang sagot.
"Call me Tito not sir." pagtama nito with smile.
"Okay Po tito hehe." patuloy pa din silang kumakain.
"Shaniqua, kamusta naman itong anak kong si Jacques? Hindi ba ito sutil sa school? " tanong ni Jacob sa kanya.
"Po? Ayy opo Tito. Pasaway Po iyan. Lagi niya po ako kinukulit Lagi niya po ako inaasar eh." sinamaan niya ng tingin si Jacques sabay umiwas ulit ng tingin.
"What? No way, dad. Huwag kang maniniwala kay Shaniqua. Hindi totoo iy-" angal ni Jacques habang nag mamakaawa ito Kay Shaniqua.
"Tapos Tito kada uuwi kami lagi nlang niya ginagawa yan "
Laglag na ang panga ni Jacques dahil sa kahihiyaan. Tumawa nalang ang magulang ni Jacques at may pag-iling.
"Siya nga pala. Teacher ka din ba?" tanong ni Jacob sa kanya.
"Ahmm yes Po. Nasa lahi po namin na magteacher like my father, kaso po nasa abroad na po siya dahil need po namin ng money."
"What's your father's name?"
"Sherwin, po. Sherwin Ezra po." pagkasabi nito.
"A-ano? Pakiulit nga?" takang tanong ni Jacob.
"Sherwin Ezra Po tito. Bakit Po?"
"Anak ka ni Sherwin then and your mother is Grace Catipan?" balik na tanong ito sa kanya. Nanlaki mata ni Shaniqua dahil parang Kilala ito Ang magulang niya.
"Paano niyo Po nalaman name ng Nanay ko?"
Nagkatinginan ang mag-asawa sa tanong ni Shaniqua. Nakakunot ang nuo ni Shaniqua pero nakangiti pa din.
"Well, nagkakilala kami ng iyong magulang, magkabatch kaming apat. Simula highschool hanggang college ay magkaklase kaming apat." Jacqueline said that.
"Panahong kabataan pa namin Yung school na pinapasukan niyo sa Anderson Campus University diyan kami nag aral ng iyong mga magulang. Simula elementary hanggang college kami magkaklase. Nakakaumay na nga mga mukha nila." sabay tawa nito. "Then every month hindi nawawala sa amin na hindi maguidance kung hindi ako nagkakamali, guidance counselor niyo pa din ba si Ma'am Suriquez? "
"Yes Po tito!"sagot Nina Jerico, Andrea at Shaniqua.
"Ay naku, patay kayo doon, terror palagi Yun. Tuwing nakakasalubong namin si Ma'am Suriquez lalo na magkasama kami apat lagi niya sasabihin sa amin na 'Maghahanap na naman ba kayo ulit ng gulo?' Iyan ang line na binabanggit ni Ma'am Suriquez." sabi ni Jacob hanggang seryoso ang mga nakikinig.
YOU ARE READING
YOU ARE THE ONE (On-going)
RomansaShaniqua Latisha Ezra, a bright young student with a beautiful face and a perfect body, had an ex-boyfriend named James who cheated on her. She always doubted herself, fearing that if she fell in love again, there might not be anyone destined for he...