Unang Kabanata: Si Phil

365 18 0
                                    

Phil's POV:

"Kailangan talaga natin ng pera anak, nagkakasakit na ang tatay mo. Ang sabi ng manggagamot eh kailangan pa daw nila kumuha ng mga sangkap sa kabilang emperyo. Pero mahal ang sinisingil nila. Inaabot yun ng labing limang gintong barya. Kulang pa ang perang nakukuha ko sa pagaani ng mga prutas at gulay, ni wala pa ito sa halaga ng isang gintong barya" na momoblema at naiiyak na sagot ni inay. 

Malubha naman na talaga ang sakit ni tatay, hindi nga namin inaasahan ang nangyari sa kanya nung nakaraang linggo. Ang sabi ng doktor ay mayroon daw itong sakit na hindi pa daw alam ang lunas. Ang pangsamantalang gamot palang daw na binibigay sa mga ganitong pasiyente ay ang, 'gintong bulaklak ni Maria' na matatagpuan sa emperyo ng Kihmu. Milagroso daw itong bulaklak na ito at kakayanin raw niyong gamutin ang lahat ng uri ng sakit.

"Wag kayong mag-alala nay hahanap ako ng paraan. Magpahinga na po muna kayo dito, ako na po muna ang magbabantay sa tindahan natin. JOSEPH! Asikasuhin mo muna sila inay dito, pagbalik ko na ikaw lumabas!" 

"OPO KUYA!"

Umalis narin ako papunta sa kapitelyo ng aming emperyo. Ang pangalan nga pala ng emperyong ito ay ang "Emperyo Maharlika" ang pinakamalaking emperyo sa norte. Ngunit pangatlo lamang sa pinakamalaking emperyo sa buong mundo. Pang-anim naman sa pinaka-makapangyarihan sa buong bundo at nangunguna naman sa pinakamalaking kalakalan sa daigdig.

"Kuya Phil andito ka na pala. Pumunta nga pala dito yung mga matapobreng mayayaman, naninigil na sila ng renta, pero wala akong mapambayad dahil kulang pa itong nasa bulsa ni Nanay Jess." sabi ni Kehshi

Si Kehshi ay isa sa mga batang tumutulong dito sa amin, labing dalawang taong gulang na ito. Galing siya sa emperyo ng timog, ang emperyo ng mga Moro. Sila ang pinakamalakas na imperyo, ngunit kinakailangan niyang umalis doon dahil sa digmaang nangyayari sa emperyo. Anak siya ng isa sa aming mga kapamilya na sina Senyor Dony at Senora Venus, mga mandirigma sila.

"Magkano ba ang sinisingil nila?"

"limang pilak na barya daw po kuya, hindi pa kasya itong pera natin dahil nagkakahalaga lang ito ng tatlong pilak na barya."

"Ako na ang bahala doon, sa ngayon eh bigyan pansin mo muna ang trabaho mo. Susubukan kong makakuha ng mga mamimili" sabay ngiti dito. Tama, ingiti nalamang lahat ng problema.



Ilang oras rin akong nag-aaya ng mga mamimili rito, gumana rin naman ang karisma ko kaya nakabenta rin kami. Di naman sa pagmamalaki pero may itsura naman ako, sabi pa nga ng mga kapitbahay namin eh kung mayaman lang raw ako eh baka mapagkamalan akong reyna ng emperyo. Maliit lamang ako, ang sabi samin ng mga taong galing sa katabing emperyo eh nasa 5'2 daw ako. Di ko naman alam ibig sabihin non, pero sinasabi nila na bagay lang daw sa akin ang tangkad na iyon dahil mukha naman daw akong babae. Ay oo nga pala di pa ko nagpapakilala. Ako si Phil Cruz, dalawampu't dalawang taong gulang.

"Oh baka naman makabayad na kayo ngayon?! Ilang araw ko na kayong sinisingil pero hindi parin kayo nagbabayad. Pasalamat kayo at hindi ko kayo sinisingil ng bayad na nagkakahalaga ng isang gintong barya!" sigaw ng babaeng kaharap ko ngayon, si Donya Grace

Si Donya Grace ang anak ng isa sa ikalawa sa pinakamakapangyarihang heneral ng lugar, inaanak naman ng kuraparoko ng emperyo na si Padre Damaso, isa sa pinakakorap at magagalitin na tauhan ng simbahan. Maputi ito at ubod ng ganda, maraming nagsasabi na ito daw ang gustong ikasal sa susunod na hari ng emperyo na si Cyrus Auger.

"Sige ho magbabayad na po kami ngayon" sabay duko't ko ng limang pilak na barya sa aking bulsa at ibinigay ito sa kanya

"hmph!" sabay alis nito

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon