Ika-anim na Kabanata: Prinsesa Putri

112 12 2
                                    

Warning! This part of the story is quite critical from readers who's religious.
If you don't want to see it, I suggest skipping this part.

This part of the story defines the characteristics of Putri in the story

Again you have been warned!


Putri's POV:

Inabot narin ng hating gabi bago matapos ang okasyon ni kuya. Hindi ko nga akalain na ililipat talaga ni ama ang kanyang korona sa kapatid ko. Oo nga pala bago tayo mag patulay. I am Princess Putri, anak nina Reyna Victorina, o kilala na bilang "Inang Reyna" at Haring George o "Amang Hari".  Lumaki ako sa kanluran dahil nandodoon nakatira ang yumao naming lolo na si Haring Tudor.

"Ada" tawag ko ng makita si Ada na naglalakad papunta sa kusina

"Ano ang maipaglilingkod ko Prinsesa Putri" sabay yuko nito

"Kamusta na ang pinapagawa ko sa iyo? Tapos na ba?" 

"Sa ngayon ay wala paring nangyayari mahal na prinsesa. Masiyado mahigpit ang simbahan sa mga taong nakakapasok sa kanila. Marami narin naman akong tauhan na nakapasok ng simbahan, pero hanggang ngayon ay wala paring balita ang mga ito"

Napahawak na ako sa aking noo dahil nagsisimula ng umapaw ang galit ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga mahanapan ng butas ang simbahan lalo ang ang kademonyohan ng mga paring iyan. Oo tama kayo ng narinig, galit ako sa mga taong nasa loob ng simbahan. Sila ang pinakamalaki kong kalaban dito sa emperyo. Marami narin kasing nakapagsabi sa akin na nagiging malupit daw ang simbahan sa oras na tumalikod na ang mga kawal. Marami narin akong narinig tungkol sa kademonyohan ng simbahan, kagaya nalamang ng panghahalay at lalong-lalo na ang pagiging-korap at marami pang iba.

"Pero mahal na prinsesa may nakapagsabi sa akin na, merong nagaganap na transaksiyon ng mga pera. Naniningil din daw ito ng pagkarami-raming mga donasyon mula sa mga tao."

"Pupuwede na iyan bilang pruweba na may kadumihan talaga ang simbahan. Maraming salamat sa inyong tulong Ada. Pupuwede ka ng umalis" huling sabi ko rito bago siya umalis.

Pero baka kayo'y nagtataka, bakit ako galit sa simbahan? Bakit malaki ang galit ko sa mga tauhan ng simbahan? Sabihin na lamang natin na may kinuha silang buhay ng taong mahalaga sa akin. Hindi naman ako ateista o iyong mga taong hindi naniniwalang mgay diyos, sadyang galit lang ako sa mga taong nagpapalaganap ng salita ng diyos. Masiyado sila magaling mang-manipula ng mga isip ng tao. 

Alam ko narin ang ginawa ng Padre Damasong iyan sa aking mga magulang. Hindi naman talaga totoong may nagbabanta sa buhay ng Amang Hari, meron lang talagang sinabi ang padreng iyon sa ama na siyang kinatakot nito. Hindi ko rin naman alam ang sinabi niya kay ama, pero sigurado akong tinakot niya ito. Ganoon din ang aking lola at ina, masiyado sila mabilis mapabilog ng mga taong sinasabing 'malapit sa diyos'. Pero iba kaming tatlo, matagal na naming alam na madumi talaga ang simbahan sa emperyong ito. Si kuya nga lang ang natitirang tao sa aming tatlo na sinusubukang maniwala na malinis at walang kasamaan ang mga taong nasa loob ng simbahan. Pero para sa amin ni Cynfael? Demonyo sila.

Imbis na pumunta ako sa aking silid ay napunta ako dito sa piitan. Andidito lahat ng ikinukulong kong mga tao, kahit mapa relihiyoso ka o hindi, hanggang sa may gusto akong malaman ay ikukulong kita rito. Iisa lamang ang pinunta ko rito, ang taong naging unang demonyo sa mga mata ko

"Paki-usap Prinsesa Putri, pakawalan niyo na po ako. Hindi ko magagawa ang mga pinaparatang ninyo sa akin"

"Sa tingin mo ba ay tanga akong tao Padre Riko? Marami ka ng kalaban na mga 'tulisan' sa ating emperyo. Lahat sila ay lumapit na sa akin para lamang mapapatay kita, nakakalungkot nga lang na buhay ka pa kahit halos maligo ka na sa sarili mong dugo ngayon"

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon