Ikalawang Kabanata: Si Haring Cyrus

165 18 0
                                    

Cyrus's POV:

"Alipin? Mga tagasunod?" ang tanong ko sa aking mga magulang

"Tama ang iyong pagkakadinig Cyrus, inutusan ko si Ada na gumawa ng paraan para magkaroon ka ng alipin na susunod-sunod sa iyo, lalo na't ikaw na ang magiging susunod na hari sa susunod na linggo" ang sagot naman ng aking ina.

Oo nga pala, ako si Prinsipe Cyrus Auger, dalawampu't walong taong gulang. Ang susunod na ika dalawampu't siyam na hari ng Emperyong Maharlika. Matangkad ako, sabi ng mga dayuhan rati eh nasa 'six-four' daw ang tangkad ko. Hindi ko rin naman kung anuiyon dahil ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong salita. Alam ko rin naman kung papaano magsalita ng wikang banyaga, lalo na ang wikang ingles, iyong wika na galing sa kanluran, sa Emperyong Ingglatera.

Trivia: (English originated from England and not from America, but the American's were the one who introduce us in English language during the American Era here in our country. One of the misconception of some Filipinos)

"Alam mo kuya, dapat lang talaga na may alipin ka. O iyong mga tawag na pri-beyt-asistant (Private Assistant) ng mga taga kanluran. Para may kasangga ka sa pagkarga ng mga gawain dito sa loob ng palasyo, kagaya nalamang nila ama." Ang sabat ni Putri ang ikalawang anak ni Reyna Victorina ika-apat at Haring George ika-labing-sa. Si Putri ang kinikilala nilang "ina ng agrikultura" mas malapit siya doon sa mga magsasaka at mangingisda. Dalawampu't anim na taong gulang palamang ito.

"Pupuwede ba na tigilan mo na ang pag-gamit ng wikang banyaga lalo na't tayo-tayo lang naman ang naparirito? Nakakainis kaya marinig ang wika nila." Ang galit na sabi naman ng aming bunsong si Prinsipe Cynfael. Dalawampu't limang taong gulang. Kinikilala bilang  'dakilang el' siya kasi ang isa sa mga tumulong para mapalakas ang emperyo. Nakabase ang kanyang kakayahan sa sandatahang lakas ng aming emperyo noon. Ngayon ay nasa sektor na ito ng pakikipagkalakaran dahil sa galing nito sa numero.

"Mga anak 'wag na 'wag kayong mag-aaway lalo na't nasa harap tayo ng pagkain, baka layuan tayo ng gracia niyan" ang paalala sa amin ni ina. "Ngayon balik tayo sa ating tinatalakay kanina, mayroon ng napiling tauhan si Ada para maging alipin mo Cyrus, makikilala morin ito bukas" 

Hindi ko alam pero, may parte sa akin na gusto na itong makilala ngayon rin. Ngayon lang kasi ako magkakaroon ng sariling alipin. Si Tandang Ada lang kasi ang tumatayong alipin sa akin. Iniiwasan ko kasi ang magkaroon ng alipin, maraming nagsasabi na para lamang sa mahihina ang magkaroon ng isang alipin.

"Paumanhin mahal na hari't reyna, nandidito na po si Ada" sabi ng isa sa mga alipin.

"Sige papasukin mo na si Ada" sabi naman ng aking ama. Yumuko ito at sabay labas upang tawagin si Ada.

"Tandang Ada!" sabay tayo ni Putri at yumakap kay Tandang Ada. 

"Ay aba hahaha, ang bata talagang ito oh" sabay yakap rin rito ni Ada.

"Putri wag mong bigla-biglang niyayakap si Ada baka mamaya mapahamak yan dahil sa iyo" sabi ni ina, nasiyang nagpakalas sa yakap nito kay Tandang Ada. "Ano ang pakay mo rito Ada?" sunod na sabi ni ina.

"Kagaya nalamang ng sabi ko nuong mga nakaraang araw, gagawa ako ng paraan upang makakuha ng alipin para sa Prinsipeng Cyrus." sabay labas nito ng isang papel at ibinigay kay ama.

"Siya si Phil Cruz, dalawampu't dalawang taong gulang. Lalaki ngunit may pusong babae. Matalino, mabait at higit sa lahat ay kakaibang tao" lintanya ni Tandang Ada.

"pusong babae?" takang tanong ni ina "iyong tinatawag na 'bakla' ng mga taga silangan at taga kanluran?" tumango lamang si Ada kay ina. Nagkatinginan naman ang mga magulang ko.

"Huwag kayong mag-alala Reyna Victorina, sigurado akong tama na siya ang pinili ko. Hindi ako makikila bilang 'Matalinong Ada' kung hindi ko gagamitin ang aking husay at galing sa pagpili ng tao." 

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon