Phil's POV:
Tatlong buwan na ang lumipas matapos ng pagdalaw ko sa mga magulang ko. Bumibisita parin naman ako sa bahay namin, pero kailangan laging kasama si Cyrus. Mas maganda daw na kasama siya kasi para maging ligtas ako. Di ko naman masiyado naintindihan ang gusto niyang iparating pero sinunod ko nalang rin.
Ngayon, nagpupulong muli sina Cyrus at iyong iba pang mga tao na nakasama rin namin noon nuong unang pagpupulong. Ngayon naman ay problema naman ito sa pagbaklas ng mga taga kanluran sa emperyo namin, ang paliwanag almang na natanggap nila ay "Ayaw na namin makisalimuha sa mga taong kagaya niyo, ayaw narin namin madamay sa mga problemang alam namin pati kami apektado" sa totoo lang magulo rin talaga ang mga taga-kanluran. Di mo maiintindihan ang utak nila, para silang hanging, hindi mo alam kung anong iniisip basta galaw lang ng galaw ng walang pag-aalinlangan.
"Ano na bang balita ukol sa talakayang ito? Lahat na ba ng mga taga-kanluran ay bumaklas na sa pakikipag alyansa sa ating emperyo?" tanong ni Cyrus sa sekretary ng alyansang kanluran ng emperyo namin.
"Sa kasamaang palad po ay oo. Lahat po sila ay bumaklas na sa alyansa ng ating emperyo, ganoon rin po sa pakikipagkalakalan."
"Naging malaki ba ang epekto nito sa ating emperyo?"
"Sa ngayon ay hindi naman po ganon kalaki ang epekto nito. Nagsara lang po ang iilang establishimento na galing kanluran pero ang iilang may ari ng mga establishimento ay nanatiling bukas, dahil wala rin naman daw po silang paki sa alitan ng mga emperyo. Mas importante parin daw po ang kinikita nila kesa sa problema ng mga emperyo" mahabang lintanya ng kausap niya ngayon
"Kung gayoon, hindi muna natin dapat palakihin ang problema natin ito. Bigyan pansin muna natin ang ibang problema para-" hindi na naituloy ni Cyrus ang gusto niyang sabihin ng biglang nagsalita ang Ikalawang Heneral
"HINDI DAPAT PALAKIHIN? PABAYAAN NALAMAN? NAHIHIBANG KA NA BA?!" sigaw na patanong ng Ikalawang Heneral
"Heneral Diego kumalma ka muna, hindi natin kailangan magsigawan" sabi naman ng unang heneral. Ay oo nga pala, Si Don Emmanuel ang dakilang unang heneral. Siya ang namumuno noon sa sandatahang-lakas, ganoon parin naman ang trabaho niya pero hindi na ganoon ka bigat gaya ng dati. Si Heneral Diego naman ang ikalawang heneral ng emperyo.
"Malala na ang problema natin sa sandatahan lakas Don Emmanuel, anong gusto mo? PALALAIN PA NATIN ANG PROBLEMA ROON?! Hirap na nga tayo makabili ng panibagong armas, hahayaan pa natin na bumaklas ang mga taga kanluran na nagiging suplay ng mga sandata natin? Hindi naman ata tama iyon"
"Bakit hindi ka pumunta sa kanluran upang bumili ng mga sandata kung iyan lamang ang iyong pinoproblema? Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang para intindihin ang mga nangyayari? May problema tayo na nagiging dahilan para magsi alisan ang mga taga kanluran. GAMITIN MO ANG IYONG UTAK!" pasigaw na sabi ni Prinsesa Putri na kinatahimik ng heneral. "Alamin at ayusin muna natin ang problema natin rito bago natin talakayin ang problema natin sa kanlurang emperyo" mahinahon na sabi ni Prinsesa Putri na naging dahilan upang gumaan ang awra ng paligid.
"May sinabi ba ang mga ito tungkol sa problema ng ating emperyo?" tanong naman ni Cyrus duon sa kausap niyang sekretary
"Wala po silang sinabing problema, kaya't hindi ko rin po alam. Patawarin niyo po ako" sabay yuko ng sekretary.
"Bakit kasi hindi mo gawin ng maayos ang trabaho mo ijo? Hanggang sa di ka makakuha ng sagot dapat hindi ka tumigil sa kakatanong" biglang singit naman ng isang padre, si Padre Hiji ata pangalan nun
"Hindi naman po kasi ako makatapak sa lupain ng kanluran, kaya't sa mga sulat lamang po kami nakakapag-usap." nakayukong sabi parin nung sekretary
BINABASA MO ANG
Ang Alipin (Book 1)
RomanceAng hari ang nagsisilbing pinuno ng isang emperyo, nagsisilbing protektor ng isang lipunan. Pero kaya niya bang isakripisyo ang kanyang posisyon para lamang sa isang alipin? Kaya niya bang labanan ang mga taong nagsisilbing sagabal sa kanilang pagma...