Phil's POV:
"Sigurado ba kayong sa akin mismo ang lahat ng gintong baryang ito?" tanong ko sa kawal na kausap ko ngayon
"Opo, ang sabi ng mayordoma ay ito na daw po ang kabuuang sahod mo. Nakakalimutan mo na daw kunin itong sahod mo sa mga nagdaang buwan" paliwanag ng kawal sa akin
"Nako pano ko naman gagastusin to" bulong ko sa aking sarili "A-ah sige maraming salamat" yumuko lamang ang kawal kasabay non ang pag-alis niya.
Hindi ko naman na talaga kinukuha iyong sahod ko dito. Sabi kasi ni nanay sa akin nung bumisita ako sa kanila nuong mga nakaraang buwan, na huwag na raw kunin iyong sahod ko dahil malaki naman na daw ang kinikita nila sa pagtitinda ng tsaa at iyong mga rekados na binibenta namin sa kapital.
"Pano ko naman gagastusin to?" tanong ko sa aking sarili habang naglalakad rito muli sa hardin. Wala rin kasi si Cyrus ngayon, nasa pagpupulong siya. Hindi na niya ako sinabihang sumama kaya heto ako ngayon.
Nakita ko naman sa dikalayuan ang dalawang batang nagtitinda sa kalsada. Dahil narin sa nakaramdam na ako ng pagkagutom ay nilapitan ko iyong dalawa.
"Bata. Ano iyan?" tanong ko duon sa isang batang lalaki
"Tinapay po" sabi nito sakin... Oo nga naman ang tanga mo naman Phil. Diba halata?
"Tinapay lang?"
"Ay hindi po iyan basta-basta tinapay lamang. Meron po iyang kakaibang palaman sa loob. Masarap po ito" maligalig nasabi nung bata na nakangiti.
"Oh sige nga, bili ako ng isa" nagningning naman ang mga mata nung batang lalaki at mabilisang ibinalot ang tinapay. Tinignan ko naman iyong batang babaeng naka tingin sa amin "Iyang sa iyo naman bata. Ano iyang itinitinda mo?" tanong ko rito
"Ah inumin po ito. Gawa ito sa tsokolate, na sinasamahan ng malamig na yelo. Marami po kasi kaming tanim na tsokolate duon sa lugar namin, kaya nagbibenta kami nito" sabi nung bata
"Sige bili rin ako nung iyo" at nagliwanag rin ang mga mata nito saka mabilisang iniiayos iyong inumin "Saan ba kayo nakatirang dalawa?" tanong ko dun sa dalawang bata
"Sa iisang siyudad lang naman po kami. Sa bandang Daletwa po kami" paliwanag nung lalaki, sabay bigay sa akin nung tinapay.
"Daletwa? Eh diba tatlong siyudad pa ang kailangan mong daanan bago kayo makarating dito?"
"Opo" sabay bigay nung babae sa akin nung inumin. Totoo ngang malamig ito
"Papaano kayo nakakapunta rito? Nilalakad niyo lang ba ang daan papunta rito?"
"Ay hindi po. Iyong nanay po kasi namin ay nagtatrabaho bilang mananahi sa isang lugar malapit rito. Kaya para narin makatulong sa pamilya, sumasama kami kay inay, at dito, sa lugar na ito kami nagbebenta nung mga ginawa namin sa aming tahanan" mahabang paliwanag ng batang lalake
"Hindi ba kayo nag-aaral?"
"Ang pag-aaral naman po ay para lamang sa mga mayayaman at hindi sa mga dukhang kagaya namin" nakita ko naan ang paglungkot ng dalawang bata.
Natandaan ko naman iyong gintong barya na nasa akin ngayon. Pano kung
"Paano kung ako magpaaral sa inyong dalawa?" napatingin naman sa akin ang dalawang bata.
"T-TALAGA PO?!" sabay nilang sabi
"Oo nga. Gusto niyo ba iyon"
"Opo" sabay na yumakap sa akin ang dalawang bata. Pero di nagtagal ay lumayo rin ito sa akin "P-pero baka hindi kami payagan ni inay" nanumbalik naman ang malulungkot na mata nito
![](https://img.wattpad.com/cover/314455683-288-k138001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Alipin (Book 1)
RomanceAng hari ang nagsisilbing pinuno ng isang emperyo, nagsisilbing protektor ng isang lipunan. Pero kaya niya bang isakripisyo ang kanyang posisyon para lamang sa isang alipin? Kaya niya bang labanan ang mga taong nagsisilbing sagabal sa kanilang pagma...