Phil's POV:
Nagising ako sa isang madilim na silid... Tanging ilaw lamang ng buwan sa bintana ang nagsisilbing liwanag. Nasa kuwarto rin pala ako ni Cyrus ngayon, pero nag-iisa nga lang ako. Tatayo na sana ako ng bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Pero ang kinakataka ko ay wala namang tao doon.
"May tao ba diyan?" tumayo na ako upang tignan ang nagbukas ng pinto. Naramdaman ko naman ang pag-ikot ng paligid ko sa di ko malamang dahilan. Ng mahimasmasan, tinungo ko na ang pinto at lumingon sa koridor. Wala namang tao roon.
Ng tuluyan na akong makalabas, nakita ko nalamang si Nanay Ada na naglalakad.
"Nanay Ada" tawag ko rito pero hindi ata ako nito narinig, kaya't nilapitan ko ito.
Habang sinusundan ko ito, bigla nalamang siyang lumiko sa isang koridor. Ng sundan ko siya papunta roon, bigla nalamang siyang nawala. Tatalikod na sana ako ng bigla nalamang bumukas ang pintong nasa pinakadulo ng koridor.
Dahil narin sa koryosidad ay nilapitan ko ito. Isang maalikabok na paligid ang sumalubong sakin. Kasabay non ang malakasang pagsara ng pintong pinasukan ko. Sinubukan ko itong buksan pero mistulang nakandado ito sa labas.
"TULONG! TULUNGAN NIYO PO AKO! MAY TAO BA DIYAN?!" sigaw ko "Cyrus" bulong ko sa pangalan niya. Nagsisimula narin mamuo ang mga luha ko dahil narin sa takot.
Madilim ang lugar nito at tanging liwanag lamang muli ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Ang buong silid na ito ay kakaiba, ngayon ko lang napuntahan ito. Pero ang isa sa mga bagay na hindi nakatakas sa aking paningin ang isang bagay na nasa pinaka gitna ng silid. Isang diyamante ito. Dito rin tumatama ang liwanag ng buwan. Dahil narin ayaw ko sa dilim ay nilapitan ko ito.
Ng malapit na ako sa diyamante ay siya namang pagkulog sa labas. Mukhang uulan pa ata. Kumikinang ang diyamanteng ito, kulay pula at napapaligiran ng kakaibang bulaklak. Bulaklak na ngayon ko lamang nakita. Nang hawakan ko ito ay siya namang pagliwanag ng 8 sulok ng silid. Kasabay non ang pagpapakita ng walong imahe ng tao.
"Anak" Tawag sa akin ng dalawang tao. Nakita ko sa isang dako ang aking Nanay Jess at ang aking Tatay Pedro. Napangiti naman ako ng makita kong nakakakilos na si tatay. Lalapitan ko na sana ito ng may bigla namang nagasalita sa kabilang dako ng silid.
"Anak ko" doon ko nakita ang dalawang tao... Sila iyong dumalaw sa emperyo noon. Hindi ko nga lamang makilala kung sino ang mga ito.
"Anak ko sumama kana samin"
"Anak ko, umuwi ka na ayos na ang tatay mo"
"Anak halika na, uwi na tayo"
"Anak ko, prinsipe ko uwi na tayo"Sabay-sabay nila akong pinagtatawag, na nagiging dahilan para sumakit ang ulo ko. Paulit-ulit ang sinasabi nila... Sumama ako... Halika na... Napahawak naman ako sa aking ulo at napapikit dahil narin sa ingay nila.
"Tama na po, parang-awa niyo na po tumahimik muna kayo" hindi ko na talaga kinakaya, sobrang sakit na talaga ng ulo ko. "TUMAHIMIK NA KAYO!" sigaw ko na nagpatahimik sa buong silid.
Ng imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang dalawang paa na nasaharap ko. Ng iniangat ko ito nakita ko muli ang batang bersiyon ko.
"Sundan mo lang ang nangyayari. Kung ano mang mangyari sabayan mo lang ito. Dahil sa oras na siraan mo ito... Kapahamakan ng buong mundo ang magiging sanhi ng kapalpakan mo" pagkasabi niya non ay bigla nalamang siya nawala.
"PHIL NASAN KA! PHIL!" rinig niyang tawag ni Cyrus
"Ngayon, bibigyan kita ng pasilip sa maaaring maging kinabukasan mo" bulong ng isang tao sa akin "Ipikit mo lang ang mga mata mo at sundan ako" ipinikit ko ang aking mata at kasabay non ang biglang pagsabog ng kung anong bagay sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Ang Alipin (Book 1)
RomanceAng hari ang nagsisilbing pinuno ng isang emperyo, nagsisilbing protektor ng isang lipunan. Pero kaya niya bang isakripisyo ang kanyang posisyon para lamang sa isang alipin? Kaya niya bang labanan ang mga taong nagsisilbing sagabal sa kanilang pagma...