Ikalimang Kabanta: Si Cyrus, Ang Hari

136 10 0
                                    

Phil's POV:

"Ilagay niyo ang mga bulaklak na iyan dito"
"Manong ang mga alak na iinumin pagkatapos ng koronasyon pakilagay na daw po sa kusina!"
"Lahat dapat tayo ay magbibigay galang sa lahat ng papasok na panauhin sa palasyo mamaya. Nagkakaintindihan ba?"


Iyan lang ang iilan sa mga ingay na naririnig ko ngayon dito sa palasyo. Magulo? Oo, sobrang gulo. Hindi ko nga akalain na magiging ganito kagulo ang palasyo. Lahat ng mga bagay ay pinagkakaabalahan, ang mga palamuti sa koridor, mga pagkain, ang harap ng palasyo, sa madaling salita, PINAGHANDAAN TALAGA NILA NG HUSTO.

Nandiritio ako ngayon sa sala, nandirito ang buong pamilya kahit iyong mga magulang ni Reyna Victorina ay naparirito rin. Nagkakaroon pa kasi ng pag-uusap ang buong pamilya, iyong mga dapat daw gawin ni Prinsipe Cyrus mamaya, kagaya nalamang ng tawang paghawak ng mahabang krus, tapos iyong bilog ba na bola na may krus din sa taas. Tinuturuan din ito sa tamang pustura, pananalita, at marami pang iba pa. 

"Sige na magsimula ka na magbihis, ilang oras nalang rin ang natitira bago ka makoronahan bilang 'Haring Cyrus'" huling sabi ni Haring George bago siya yumuko at lumabas na ng pinto. 



"Kuya sa tingin mo ba talaga ay handa ka na sa magiging bago mong estado ng buhay?" "anong magiging pwesto ko sa emperyo kung maging hari ka na kuya?" 

"kuya"
"kuya"

"Pupuwede ba tumahimik ka na muna Putri? Masiyado na nakakarindi ang bunganga mo" saway dito ni Prinsipe Cyrus.

"Sige na nga. Pero kuya may tanong ako, pangako huling-huli na ito" sabi nito na kinatingin naman naming dalawa sa kanya. Tumango lamang ito at humarap muli sa salamin, at sinimulan ko na muli ang pagtulong sa pag-aayos ng kanyang damit.

"Hindi man ba minsan sumagi sa iyong isip ang nangyayari ngayon? Masiyado pa ata maaga ang pagkakakorona sa iyo. Hindi kagaya ni ama na nakoronahan lang nung umabot na sa edad na walong pung taong gulang na si lola. Hindi ka man lang ba nagtataka?" sunod sunod na tanong nito na nakuha din sa aking pansin.

"Sigurado akong may dahilan si ama kaya-"

"Pinasa niya sayo ang korona na kahit alam naman natin na hindi ka pa handa?" tanong nito kay Prinsipe Cyrus na naging dahilan upang dumilim ang mga mata nito, iyong para bang handang-handa na itong sumugod. "Kuya huwag ka na magbulagbulagan. Walang sinabing dahilan sa iyo ang ama, at alam mo rin na hindi rin basta-basta ang pagpasa ng korona. Sa tingin mo na ang dahilan ng ama ay napapagod na siya? may sakit siya? may nagbabanta sa buhay ni ama"

Napatigil naman si Prinsipe Cyrus at binalingan ang kanyang kapatid na may nagbabagang mga tingin.

"Tama nga ako, may nagbabanta kay ama" sabay tawa nito "Alam mo kuya, kahit sinasabihan niyo akong 'baliw' ay hindi mo maikakaila na matalino ako. Hindi ko naman siguro basta-basta makukuha ang sektor ng agrikultura kung maging bobo ako diba?" tumayo pa ito sabay lapit sa pigura ni Jesus na nasa mesa at kinuha ito. "Simbahan, yan ang matinding salot sa mundo. Ang samahang magaling magpabilog sa ulo ng mga tao. Mas makapangyarihan pa nga ito sa hari't reyna naten diba" sabay tingin sa atin nito

"Kung wala ka ng magandang sasabihin pa ay luma-"

"Kung papanitiliin mo ang pagbubulag-bulagan. Magpapaikot sa kapangyarihan ng simbahan paniguradong paglubog ng emperyo ang magiging katapusan. Mag-ingat ka kuya, hindi lahat ng kaibigan ay dapat ituring na kaibigan. Ang iba sa kanila ay handang-handa pa maglabas ng sandata mapatay lang ang taong tipo nila" makahulugang sabi nito at lumakad na papunta sa pinto "Magkakadugo man tayo, oo. Pero hinding-hindi ako kayang ipaikot ng taong sumasamba sa isang ilusyon. Hindi ako gagaya sa pamilya nating masiyado nagpapakontrol sa isang haka-hakang aral" lumabas narin ito katapos.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon