Ika-labing apat na Kabanata: Ang Dakilang Nuno

82 8 0
                                    

Phil's POV:

Inabot narin kami ng gabi pauwi dahil sa tinalakay duon sa pagpupulong. Jusko, napakagulo ng mga paliwanag nila, lalo na't hindi ako nakakaintindi ng kanilang lenguahe, mas nahirapan pa kong sundan ang kanilang mga tinatalakay. Naging ganto kasi yon,



"May we bid the royalties of the west, on why they decided to pull out from the alliance that we have?" tanong ni Cyrus dito, andito naman si Prinsesa Putri para ipaliwanag sa akin ang sinasabi nito kaya kahit papaano ay may naiintindihan parin ako

"Thy empire brow problems that we'd be sure not having to be involve" biglang sabi nung isang hari na mukhang sinang-ayunan naman ng iba pang monarko sa loob dahil lahat sila ay tumatango.

"And what problem would that be thy highness?" tanong ni Cyrus dito. Natahimik naman ang hari, hindi lang siya kundi iyong mga taong sumang-ayon rin rito.

Lahat sila ay nakatingin sa kanilang mga katabi, walang pumiling magsalita. Nakita ko namang napangisi si Cyrus habang umiiling. 

"We've known that thy empire starts to hast problem 'i trading. Not only that, yet we've also known that thy empire hast quarrels with its neighbors. Which then can marshal't to an empire war. We'd be sure not having to be involve 'i conflicts like that thy highness" sabi bigla nung isang hari. Nakita ko namang nagsalubong ang kilay ni Cyrus at napatingin duon sa nagsabi, ganoon rin si Prinsesa Putri at Prinsipe Cynfael. Gusto ko malaman kung anong sinabi niya kaya kinalabit ko si Prinsesa Putri

"Mawalang galang na po Prinsesa Putri pero, ano pong sinabi niya?" tanong ko rito na naging dahilan upang mapatingin siya sa akin

"May problema raw tayo sa kalapit emperyo natin, ganoon rin sa pakikipagkalakalan. Wala naman tayong problema roon." sabi nito na naging dahilan para mapa-isip. 

"That's a lie! whom told thou such lie?!" medjo may kalakasan na tanong ni Cyrus, wala na talaga akong naiintindihan dahil pati si Prinsesa Putri ay mukhang nakikinig na ng maayos sa pinag-uusapan nila.

Puro inglesan nalamang ang naririnig ko. Ng tignan ko naman si Cyrus, doon ko nakikita ang ugat na lumalabas sa kaniyang leeg, na senyales na nagagalit na ito. Nakaramdam narin ako ng tensiyon sa paligid. Nagkakatayuan at nagkakaduruan na ang mga taong nasa loob ng gusali, kaya yumuko nalang ako wala rin naman akong naiintindihan sa sinasabi nila eh.

Bigla nalamang tumahimik ang buong paligid, kaya napaangat ang tingin ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin, ganoon rin si Cyrus, iyong mga kapatid niya at saka mga kasama namin.

"B-baket?" tanong ko kay Cyrus

"Kailangan ko ng tulong mo, ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" tanong nito sakin na naging dahilan para mapasimangot ako

"Tungkol saan?" nakita ko naman ang paggaan ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita

"Paano mo mapapatunayan na hindi totoo ang mga paratang nila sa emperyo natin. Paano mo mapapatunayan na ayos ang kalagayan ng ating emperyo?" tanong nito sa akin 

"E-eh hindi naman ako magaling mag ingles kamahalan. H-hindi nila ako maiintindihan" sabi ko rito. Hinawakan niya ang aking mukha saka binigyan ako ng isang halik sa noo... HALIK?! Naramdaman ko na lamang ang pag-init ng aking pisnge, narinig ko rin ang pagkagulat ng mga kasamahan namin.

Tumawa muna siya sa nakikita niya, ganon rin ang dalawa niyang kapatid "Ako bahalang magpaliwanag sa kanila. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin" saka niya muli ako nginitian. Saka siya lumayo sa akin, ng tignan ko muli ang mga tao lahat sila ay nakangiti at iyong iba naman ay naghihintay sa aking sasabihin.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon