IKALABING ANIM NA KABANATA

98 7 0
                                    

A/n: Thank you so much po sa votes, and duon sa mga taong nagbabasa ng kwentong ito. Very appreciated <3

---------------------------------------------

Ang pamilya Auger... Hindi lamang sila ang pamilyang namumuno sa emperyong maharlika. Limang pamilya ang namumuno rito. Ang Auger, Tudor, Krisosto, Julry, at ang pamilyang Peros. Kadalasan, ikinakasal lamang ang magpipinsan para sakanila lang rin umiikot ang kayaman.

Pero, ang sukli non ay isang sumpa. Sumpa na bitbit ng lahat. Ang sumpang tinatawag nilang "tali ng kalibugan" na kung saan, kapag may nagalaw ka ng isang tao, maski maging lalaki ito ay pupuwede mong mabuntis. At hindi lamang iyon, iisa nalang rin ang taong pupuwede mong mabuntis, at iyon iyong taong nagalaw mo.

Ito ang sumpang nagiging dahilan kung bakit may ibang tao sa kanilang pamilya ay naka-kasal sa kaparehong kasarian. 

"Iyon po ang mga bagay na nalaman ko sa pamilya ng emperyong maharlika" wika ng isang lalaki

"At... totoo ba?" tanong ng prinsesa sa lalaking kausap nito na kinatango naman ng lalaki. Napahinga naman ng malalim ang prinsesa at sinenyasan na umalis na ang lalaki na sinunod naman agad nito.

Nandirito muli siya sa gubat. Nakatingin lamang sa kawalan. Habang nililibot niya ang kaniyang mata, namataan niya ang isang paro-parong ginto na lumapit sa bulaklak na nasa harap niya.

"Akala ko ba, gagabayan at aalagaan mo ang inaanak ko. Ima." may bahid na inis na sabi ng prinsesa

Hindi nagtagal ay nag-anyong tao ang gintong paro-paro. Nginitian lamang niya ang prinsesa, at kinuha ang bulaklak na kaniyang pinatungan. Tinignan niya ito ng maayos, at iniabot sa prinsesa. Tinignan niya lamang iyon, at muling ibinalik ang tingin kay Ima.

Bumuntong-hininga lang si Ima at tinignan si Sari "Alam mo mahal na prinsesa, ang gubat na ito. Ang mga bulaklak na nandirito ay mga tanim ko. Inalagaan ko ito ng husto, kaya't makikita mo ang magaganda't iba-ibang kulay ng bulaklak" tinaasan lamang ni Sari si Ima na naging dahilan para matawa ito. 

"Wala ako pake kung ikaw man ang nagtanim nito, oh kahit mismo si Bathala pa ang nagpatubo ng mga ito. Ang tanong ko ang sagutin mo Ima. Bakit mo hinayaang mangyari iyon?" nakapamewang na wika nito

"May mga bagay sa mundo na hindi kontralado ng isang diwatang-taong kagaya ko mahal na Prinsesa. Kahit naman siguro subukan kong tigilan ang mangyayaring iyon, may magbabago ba?" nakataas na kilay na tanong nito kay Sari "Mahal na prinsesa. Dito magsisimula ang panibagong kabanata ng buhay ni Phil. Dito magsisimula ang buhay niya bilang isang prinsipe ng-"

"Habang buntis siya, at ang malala pa rito ay galing ito sa isang hari na hindi naman natin kaano-ano?" mas lalong tinaasan ng kilay ni Sari si Ima dahil doon "Ang bilin ko ang sundin mo Ima. Ang gusto ko makaalis na muli kami ni Phil sa lupaing ito, NG WALANG SULIRANING DALA-DALA SA EMPERYONG LUKBAN"

"Nagtutunog kahinahinala ka sa estadong iyang mahal na prinsesa" wika ni Ima habang nakatingin sa bulaklak na hawak-hawak nito. Nanlaki naman ang mata ni Sari dahil sa sinabi nito, "Bakit ba gusto mong makabalik sa Emperyong Lukban sa lalong madaling panahon mahal na prinsesa? Pupuwede ka naman bumalik roon mag-isa" dugtong nito

Nagtagisan naman ng tingin ang dalawa, pero iba ang namamayani sa kanilang mga mata. Si Sari ay punong-puno ng kakaibang galit, habang si Ima ay kalmado at patuloy parin sa paghawak sa bulaklak niya,

"Alam mo, Sari. Para kang isang bulaklak. Maganda lamang sa umpisa, pero habang tumatagal, lumalabas rin ang tunay na itsura. Sana mali ako sa aking iniisip Sari, pero kung tama ako. Sisiguraduhing kong maaga mong makikita ang Diyos na Sidapa" babala nito, kasabay non ang pagbitaw niya sa hawak niyang bulaklak. Pero bago pa ito makalapag sa sahig, ay naging abo na ito. Kasabay non ang pag-ihip ng malakas na hangin.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon