Ikasampung Kabanata: Mga Pagbabago

89 11 1
                                    

Phil's POV:

"UMALIS NA KAYO!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na nagpagising sa akin

"Mahal na mahal kita anak ko, balang araw magkikita muli tayo. Tatapusin lang anmin ang gulo rito" naluluhang sabi naman ng isang babae "Ilayo mo na siya rito Ima. Bigyan gabay nawa kayo ni Bathala at ng iba pang diyos sa inyong paglalakbay" 

"Masusunod po Dakilang Raja" sabay yuko ng isang matandang babae

Kasunod non ang paglalayag palayo sa isla na kung saan nagkakaroon ng isang malaking digmaan. Nakita ko nalamang ang isang sanggol na karga-karga ng isang matatandang babae, pero sa hindi malamang dahilan ay napakliwanag ng mukha nito, ang sanggol lamang ang may mukha. Napakapayapa niya tignan, napaka inosente. 

"Huwag ka mag-alala mahal na prinsipe, sisiguraduhin ko na magiging maayos ang buhay mo hanggang sa hindi pa naaayos ang buhay sa emperyong sinilangan mo"

Kasabay non ang pagdilim ng paligid.

"Tao po? May tao po ba rito?" tanong ko 

Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang tao... Si Cyrus? Lalapitan ko na sana ito ng bigla nalamang siyang nawala. Kasabay non ang pagliwanag ng lugar, nasa loob ako ngayon ng simbahan. 

"Onting panahon nalamang padre at mapapasa-atin narin ang buong emperyong ito. Kailangan nalang natin mailatag ang huling baraha natin sa larong ito" sabi ng isang pari.

Tumahimik ang mga ito saka binalingan ang direksiyon kung saan ako nakatayo. Sabay bigay ng isang nakakatakot na mga ngiti.

"Ang patayin ang isang taong KAGAYA MO!" kasabay non ang biglaang paglapit ng mga pari at binigyan ako ng isang mahigpit na sakal sa leeg.



Nagising ako dahil sa takot. Panaginip lang pala. Pagkamulat ko na aking mga mata, himbis na silid ko ang makikita isang hindi pamilyar na silid ang sumalubong sakin.

"Hindi ko naman silid to ah" sabi ko sa sarili.

Tatayo na sana ako ng biglang humigpit ang hawak ng mga kamay na nasa bewang ko... Ilang segundo rin ang tinagal bago rumehisto sakin ang nangyayari ngayon. Tinignan ko ang pinanggalingan ng mga kamay na nakayakap sa bewang ko at duon ko nakita si Cyrus... SI CYRUS?! HUY PAPANO AKO NAKARATING RITO?

Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin kagabi... Iyong hinalikan niya ko... May kung anong nasa katawan ko ang gusto uli maramdaman iyon. Iyong malalambot niyang labi, gusto ko uli maramdaman iyon... Gusto ko uli matikman ang labing iyong.

"Cyrus" kalabit ko sa kamay nito ngunit ungol lamang ang isinukli nito sa akin. Iniharap ko ang sarili ko sa kanya at tinignan ito... Nakita ko ang maamo nitong mukha, di katulad kahapon na purong nakasimangot at napaka-asim ng mukha. Ng bumaba ang tingin ko duon ko lang namalayan na wala pala itong damit na pang-itaas. Hulmadong-hulmado ang kanyang malaking dibdib at ang kanyang anim na bato sa tiyan. 

"Pupuwede mo namang hawakan kung gusto mo" biglang salita ni Cyrus na nagpainit ng mukha ko.

"Bitaw na po tatayo na ko" sabi ko rito, pero ngumiti lamang siya sa akin at hinigpitan lalo ang pagyakap niya sakin na naging dahilan upang mas lalong uminit ang pisnge ko.

"Ako ang hari, at inuutusan kitang yakapin rin ako hanggang sa sinabi kong bumitaw ka" utos niya sakin "Kung hindi ka susunod sisiguraduhin kong mapaparusahan ka ng husto... at ako mismo ang gagawa nun sayo" binulong pa nito ang huli niyang sinabi. Kilala ko si Cyrus, walang pangako ang hindi nito ginagawa. Kung sinabi niyang gagawin niya, gagawin niya. Kaya wala narin akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. "Mabuti naman at sumunod ka, hindi pa sumisikat ang araw kaya matulog ka ulit" habang nakayakap ako sakanya ay onti-onti nanaman akong hinila muli ng antok.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon