IKALABING PITONG KABANATA

78 9 0
                                    

Phil's POV:

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga karwahe na may mga kasamang doktor, ganoon rin ang isang magarbong karwahe, na ibig sabihin ay dumating rin ang pamilyang monarko. Ng mapansin namin iyon ni Cyrus, dali-dali akong tumayo. Hahatakin pa sana ako nito pero tumayo ako sa puwestong hindi niya ako maabot.

Bumaba roon ang dating hari't reyna, at dali-daling lumapit sa puwesto ni Cyrus. Pero wala kang nakikitang takot roon, mukhang kalmado panga ang mga ito.

"Buti sa braso kalang tinamaan" sabi ng kaniyang ama na naging dahilan para mahampas ito ng kaniyang asawa. Lumuhod naman si Dating Reyna Victorina at kinamusta ang kaniyang anak.

Hindi ko na muna sila pinansi dahil narin sa iniisip ko. Ibig sabihin ba non na may gusto talaga pumatay sa akin? Bakit naman ako? Alipin lamang ako di kagaya ng iba na mayaman, mahirap lamang ako.

Habang nag-iisip ay naramdaman ko ang pagkahilo, bigla nalamang umikot ang paligid ko, parang may gusto lumabas sa bunganga ko. Napahawak narin ako sa puno na katabi ko dahil sa nararamdaman kong hilo. 

Matutumba na sana ako ng may isang taong sumalo sa akin. Narinig ko pang sinisigaw nito ang pangalan ko, pero onti-onti nakong hinatak ng kadiliman at tuluyang nawalan ng malay.




Dali-daling sinakay si Phil sa isang karwahe upang madala pauwi, naiwan naman si Cyrus dahil narin pinauna niya na si Phil na makauwi. Hindi nagtagal ay dumating narin ang isa pang karwahe ng pamilyang monarko at isinakay roon si Cyrus at Putri, sumakay narin ang mga magulang nito sa karwaheng sinakayan nila kanina.

Habang tinatahak ng daan ay di mawala sa isip ni Cyrus ang nangyari kay Phil, nakita niyang putlang-putla ito. Para ba siyang natata-

"Kung iniisip mong natakot siya kuya, tanga ka" biglang sulpot na sabi ng kaniyang kapatid na naging dahilan upang tumaas ang kilay nito. Napaikto naman ang dalawang mata ni Putri dahil narin sa inakto ng kaniyang kuya, "Diba kinantot mo na si Phil?" deretsohang tanong nito.

Mukhang naintindihan naman na ni Cyrus ang gustong ipadala ng kaniyang kapatid.

"Kaya 'wag kang matakot kuya, ibig sabihin lang non ay may nabubuo na sa loob ng minamahal mo" sabay bigay ng isang ngiti sa kuya niya, nahawa naman si Cyrus dito.

Di nagtagal ay nakarating na sila sa palasyo, pupuntahan na sana ni Cyrus si Phil sa silid-gamutan ng palasyo pero sinabihan siya ng kaniyang ina na magpahinga. Wala narin siyang nagawa kundi dumiretso sa kanilang silid.

Inabot na ng gabi, pero hindi parin mapakali si Cyrus kapag hindi niya nakikita si Phil. Kahit subukan niyang tanggalin sa isipan niya si Phil ay hindi ito nawawala. Dahil doon ay lumabas siya ng silid at pumunta sa kinaroroonan ni Phil

Tinawag pa siya ng Tandang Ada ngunit hindi siya nito pinakinggan, sinundan nalamang niya ito.

Pagdating niya sa silid na kinaroroonan ni Phil, nakita niya ito na nakahiga sa kama. Mahimbing ang tulog nito, pero napansin niya ring may isang tao na nandoroon... Si Junio. Napalitan ang kaniyang masayang diwa ng makita niya ang taong iyon na nasa silid.

Nilapitan niya ito, mukha namang naramdaman ni Junio ang presensiya ni Cyrus kaya't napatingin siya sa direksiyon nito. Nakati niya roon ang walang ka emosyon-emosyon na mukha nito.

"At anong ginagawa mo sa silid na ito Junio? At sino bang nagpapasok sayo sa palasyo?" walang emosyon na sabi nito

Napatawa nalamang si Junio sa sinabi nito at muling tinignan si Phil "May masama bang makita ang taong mahal ko? Tsaka para sa ikalawa mong tanong... Si Nanay Ada ang nagpapasok sakin rito. Nasagot ko ba ang katanungan mo, mahal na hari?" may himig ng pangaasar na sabi nito.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon