Ikaapat na Kabanata: Si Phil, Ang Alipin

132 12 0
                                    

Phil's POV:

*ding-dong-ding-dong

Malalakas na hampas ng kampana ng simbahan, at ang ibig sabihin ay umaga na. Bumangon na ko sa aking kinahihigaan. Tumingin pa ako sa orasan na nasa pader upang malaman kung anong oras na. Meron pang trenta minuto bago mag-ala sais ng umaga. Tumayo na ko sa aking higaan at dumeretso sa paliguan upang maghilamos. Inipon ko pa ito kagabi para lang may panggamit ako sa umaga. Nakakapagod ngalamang dahil napakalayo pa ng pag-iibigan ko, ibig-sabihin ba non ay ganon rin kalayo ang pagiigiban ko ng tubig para sa prinsipe? HALA OO NGA PALA! ANG PRINSIPE!

Nagmadali nalang din ako sa pagsipilyo para makapagsimula na ako ng pag-iigib. Lumabas na ko ng kwarto at kumatok sa silid ng prinsipe. Wala naman akong natanggap na sagot kaya't pumasok na lamang ako. Pero bago ko pa masara ang pinto ay may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Trenta minuto bago mag-alasais ng umaga. Hindi na masama para sa baguhang kagaya mo" 

"Ay kabayo ni Juan tumalon sa buwan" gulat kong sabi sabay hawak sa aking dibdib "P-prinsipe Cyrus, magandang umaga po" sabay yuko ko sa harapan nito. Ngumiti pa ito bago magsalita

"Magandang umaga rin. Huwag monang abalahin pa ang pag-iigib ng tubig." sabi niya na mukhang nababasa ang aking isipan "Iyong mga kawal na ang gumawa noon kaninang alas-tres ng madaling araw. Tulungan mo nalang ako sa pag" dugtong na sabi nito kaya't nakahinga naman ako ng maluwag. Pumunta na ako sa kanyang banyo upang kunin ang kanyang mga pangangailangan.

Nang makalabas naman na ko sa kanyang banyo ay nakita ko nalamang siyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos ang kanyang pustura sa pagkakaupo, tuwid at higit sa lahat ay mararamdaman mo na makapangyarihan talaga siya. 

"Pupuwede mo akong titigan muli pagkatapos mo dalhin sa akin ang tubig na iyong bitbit" sabi nito sa akin na kinapula ko. Hindi ko napala namalayan na nakatingin ako rito ng matagal kaya heto nanaman ako, binalot ng kahihiyan.

"P-paseniya na po" sabay lapag ng palanggana sa kanyang harapan. 

Nagsimula narin siya sa kanyang paghihilamos. Hindi ko talaga matigilan ang pagtitig sa mukha nito. Napaka gwapo talaga kasi nito! Makikita mo ang magandang hulma ng kanyang panga at ang matangos nitong ilong. Samahan mo pa ng magaganda niyang mga pilik mata at kilay. Pero isa lang talaga ang nakaagaw pansin sa aking mga mata, ang kaniyang madilim na kulay ng mata. Hindi nagtagal ay natapos na ito sa kanyang paghihilamos at pagsisipilyo kaya't ibinigay ko na sakanya ang tuyong tela para siya'y matuyo. Sa di inaasahang pagkakataon ay may biglang kumatok sa pintuan.

"Mahal na prinsipe, magsisimula na po ang umagahan" sabi ng babae na nasalabas ng pinto

"Maraming salamat sa pagsabi, pupuwede ka ng umalis" sigaw na sabi naman nitong si Prinsipe Cyrus "Pupuwede mo ng iligpit iyang mga ginamit ko" sabi nito sa akin at sinumulan ng gumalaw

Paglabas ko naman ay nakatayo na ito at nakaharap sa bintana. Sa pagkakatanda ko ay kailangan tulungan ko ito sa pagbibihis. Yuon din kasi ang sabi ni Nanay Ada, oo nanay na tawag ko sakanya ayos lang namand aw iyon eh. Pero iyon na nga kumuha na ako ng kanyang masusuot doon sa malaki niyang kabinet. Kumuha lang ako nung simpleng damit. Tinulungan ko na ito sa pagsusuot ng kanyang mga damit. Inaayos ko narin muna ang kanyang higaan bago kami umalis

"Halika na, nagiintay narin ata ang mga tao sa hapag-kainan" sabi nito sa akin. Tumingin pa ako sa orasan at nakitang alasais na ng umaga. Matagal-tagal rin pala ang mga ginawa ko dito sa kwarto.

Nakasunod lang ako sa matipuno nitong likod. Napakatangkad pala talaga ng taong to, para siyang higante sobrang tangkad niya talaga. Kung tatantiyahin ay parang nasa bahagi ako ng dibdib nito. Pero dahil sa masmalaki din ang katawan nito ay nahaharangan narin niya ang dinadaanan namin. Di ko na nga alam kung nasaan kami dahil nakatingin lang ako sa likod nito. Sa di-inaasahang dahilan ay bigla itong huminto, dahilan para tumama ako sa matipunong likod nito.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon