KABANATA 9

127 14 2
                                        

Madison's POV.

"Namimiss ko ng diligan ka," mapangahas na sabi niya habang kagat labi pa ring nakatitig sa katawan ko.

"W-what did you just say?" I asked him in a puzzled facial expression.

"I... I mean namimiss ko na din naman magdilig nga mga halaman kaya okay lang na nabasa ako," palusot na sagot niya habang itinuturo iyong mga halaman at bulaklak na madalas diligan ni manang.

I folded my arms against my chest and gave him a suspicion look. He looked away, obviously avoiding to have an eye contact with me. His crimson cheeks became as bright as the radiating sun. I find him cute when he's getting teased.

"Pff. Kailan ka pa nahilig sa halaman?" saad ko sa kanya.

"M-mahilig kaya ako! Kinakausap ko pa nga sila," aniya na ipinipilit pa ring pumasok iyong palusot niya.

"Sinungaling. Ako lang dinidiligan mo noon," panunukso ko pa sa kanya sabay ngumisi. I saw a shock expression drawn into his face.

"I-ikaw din naman, ah. Hindi ka din naman mahilig sa halaman," aniya. He started to turn the table upside down as he put me on the hot seat.

"Bakit kailan ko ba sinabing mahilig ako? Eh, gusto ko ngang ako iyong dinidiligan," tukso ko pa sa kanya sabay mahinang natawa.

Aaminin kong natutuwa akong makita si Russel na namumula sa tuwing matutukso ko siya. Namumula kasi na parang pulang kamatis iyong magkabilang mga pisnge niya sa tuwing naiilang o nahihiya siya.

I just find him cute. Kalalaki niya kasing tao ay namumula siya ng sobra kaya nanggigigil ako lalo na tuksuhin pa siya.

"B-bakit ba kasi ganito bigla iyong usapan natin? Just get me an epoxy, rubber tape and water resistant tape," utos niya sa akin na halatang nililihis na ang usapan sa ibang topic.

"Ohh, I like that. Never pa nating nasubukan noon ang bondage," tukso ko ulit tapos ay nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.

"What? No. Hindi para sa'yo. Para sa sirang pump niyo," aniya sabay turo sa pump na hawak niya.

"Oh, my bad," sabi ko tapos ay napa-face palm na lamang siya.

Nakangisi pa ako noong pumasok ako sa storage loob ng bahay upang damputin ang utility kit. God! Hindi ko talaga maintindihan ang sarili kung minsan.

Kanina lang sa bookstore ay iritado akong nakikipag-usap sa kanya. Pero ngayon ay nakikipagbiruan naman ako. Nasa maayos pa kayang pag-iisip ang utak ko?

"Oh," sabi ko kay Russel sabay inabot sa kanya iyong kit.

Mabilis kong dinampot iyong bathrobe na itinabi ko para ay magawa kong takpan ang basang nighties na suot ko. Umupo ako habang tahimik na pinagmamasdan ang maskuladong si Russel na ngayon ay seryosong inaayos iyong nasirang water pump namin.

"Sigurado ka bang kaya mong ayusin 'yan? Pwede naman akong tumawag ng tubero bukas," mahinahong saad ko sa kanya.

"Leave it to me. I can fix it," he answered without even getting his eyes off the pump.

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Habang pinagmamasdan ko si Russel na ngayon ay tahimik at nakatutok ng seryoso sa ginagawa niya, hindi ko napigilan ang sarili na hindi pagmasdan ang malaki at matikas niyang katawan.

Ma-ugat pa rin ang kanyang mga kamay, mala-bakal pa rin sa tigas ang malaki niyang dibdib at nakakaulol pa din talaga ang laki ng kanyang pwet. Nakaramdam ako ng hindi inaasahang pag-iinit ng aking katawan at kung ano-anong mga bagay na ang sumagi sa loob ng isipan ko.

Bitterness of Affection- BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon