KABANATA 5

153 14 0
                                    

Madison's POV.

"RANDALL JOSEPH ESPINOSA!"

Halos bumuga na ako ng apoy noong bigkasin ng may diin ang kompletong pangalan ni Randall. Nanlaki iyong kanyang mga mata sa takaot sabay mabilis na napatakbo at nagtago sa likod ng tatay at tito niya.

"Hehe!" Nadinig ko pang mahinang halinghing ng bata na mas nagpakulo ng dugo ko.

"Randall, hindi mo dapat pinakikialaman iyong gamit ng may gamit. Look what you have done. You just created a big misunderstanding," pagsesermon ko sa anak ko.

"Actually, I don't mind as long as this is the kind of misunderstanding. I somehow love to misunderstood things. Kaya huwag mo ng pagalitan iyong bata. Pitong meetings ko lang naman iyong kinansela ko ngayong araw," Russel said casually.

"P-pito?! Baliw ka ba? Busy ka pala, eh bakit ka nandito?" pagtatanong ko sa kanya habang nakaawang ang aking panga.

"Marupok ako sa mga text mo, okay?"

Nang madinig ko iyon ay hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kiliti sa katawan ko. Tinaasan ko na lamang ng kilay si Russel sabay napasandal sa pinto upang itago sa kanya iyong kung anong kilig na bigla kong naramdaman.

"Pwes, di ko na kasalanan kung ang akala mo ay ako ang nag-aya sa'yo ng sleepover, kaya nagkansela ka ng mga meetings mo. Sisihin mo 'yang pilyo at sutil mong anak," saad ko sabay ngumuso sa direksyon ni Randall na ngayon ay pa-simpleng nakasilip mula sa likod ni Russel.

"My son did only a great job. Right, Randall? You're making the move for your mom, huh." Nakangiti si Russel kay Randall sabay binitbit ito sa braso niya. Nag-fist bump pa iyong dalawa sa harap ko kaya napa rolled eyes na lamang ako.

"So, tatambay na lang din ako dito, tutal ay nakasubmit din ako ng sick leave sa office." Napalingon naman ako sa direksyon ni Trevor. Hinihimas niya iyong batok niya na parang nahihiya.

"What?! Nagsick leave ka din dahil lang sa text ni Randall sa'yo?"

"Anong magagawa ko? Marupok din," aniya sabay itinuro iyong sarili niya at mahinang natawa.

"Nakita mo na kung gaano mo nasira iyong schedule and work ng daddy at tito mo? Look what you have done, Randall." Humabol pa ako ng sermon sa bata sabay napatapik sa noo ko.

"S-sorry, mommy. Promise di ko uulitin na." Nakabusangot si Randall sa akin noong humingi ito ng tawad.

"Talagang hindi na mauulit dahil di ka na muling makakahawak ng phone ko. No phone means no Cocomelon," seryosong saad ko sa kanya.

"But mommy!"

"No buts, young man. Every actions will always its consequence. You should learn it the hard way." I widely opened the door for the two gentlemen at the front door.

"Pasok na. Magsasabi na lang ako kay manang na maghanda ng mas madaming ulam ngayong gabi," saad ko tapos ay lumakad na upang balikan si Giselle sa sala.

I saw a flustered look drawn across Giselle's face when she saw Russel and Trevor coming inside the house, She gave me a confused look on her face as if she's asking me for an explanation.

"Hindi ko mga bisita 'yan. Bisita 'yan ng sutil mong inaanak," deretsang sagot ko sabay nginoso ang pilyong si Randall.

"Oh, Gi? What are you doing here? Akala ko ba ay abala kayo ni Zach sa kasal?" Nakita ko naman ang gulat na expresyon ni Trevor noong madatnan niyang nasa sala si Giselle.

Bitterness of Affection- BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon