Madison's POV.
-FLASHBACK-
Five years ago...
Magmula noong tuluyan ko ng tinanggap ang paghihiwalay namin ni Russel ay naiwan akong hindi alam kung papaanong ipagpapatuloy ang buhay ko. Wala akong ka-pera pera dahil iniwan ko sa bahay ni Russel ang credit card na naglalaman ng perang ibinayad niya sa akin noong tanggapin ko ang alok niyang magpanggap na kabit niya, para lang magawa ng ex-wife niyang si Giselle na makapag-file ng divorce.
Umalis ako ng bahay niya bitbit ang lahat mga gamit ko. Nang malaman ni Giselle ang nangyari ay dali-dali niya akong sinundo at inuwi sa condominium niya upang doon muna makituloy. Pinili ko na lamang ding huminto na lang sa pag-aaral dahil wala namang ibang nagpaaral sa akin noon kung hindi si Russel.
Wala na din naman akong mukha ihaharap pa sa lahat ng tao matapos ang naging malaking eskandalong nangyari nang ipakalat sa buong unibersidad ni Lucia ang naging trabaho ko noon.
Nakatitig ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang tiyan ko. Nang haplusin ko ito ay parang kung anong demonyo ang biglang bumulong sa akin na ipalaglag ko na lamang ang batang nasa sinapupunan ko.
Hindi ko nga kayang buhayin ang sarili ko, magdadagdag pa ba ako?
Galit ako sa batang 'to dahil bali-baliktarin man ang mundo, nananalantay sa dugo't kaluluwa niya ang pagiging isang Silverio. Ang pamilyang naging puno't dulo ng paghihirap ng pamilya ko.
Binunot ko mula sa aking bulsa ang aking telepono ko nang madinig kong tumunog ito. Huminga ako ng malalim nang mabasa ko ang text message mula sa Amorsolo Clinic, kung saan ako nagpa-appointment upang ipatanggal sa sinapupunan ko ang batang nasa loob ko. Nakapagdesisyon na ako at buo na sa loob kong ipalalaglag ko ang baby namin ni Russel.
Lumabas ako ng condo ni Giselle at pumara ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay siyang tawag naman sa akin ni Trevor. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang sinagot ang tawag niya.
"Hello, Trevor."
"Nasaan ka?" Seryoso ang tuno ng kanyang pananalita nang magtanong siya sa kabilang linya.
"N-nasa labas ako, eh," pagsisinungaling na saad ko sabay napakagat labi.
"Saan ka naman pupunta?"
"S-sa supermarket. Ipag go-grocery ko sana si Gi," pagsisinungaling ko uli.
"Ganoon ba? Pupuntahan sana kita." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang madinig kong pupuntahan niya ako.
"H-ha? Ngayon na? B-bakit naman?"
"Bakit parang gulat na gulat ka? Bakit naman hindi? Ilalabas kita at ng baby mo. Ilang linggo ka na daw nagkukulong lang sa loob ng kuwarto. Sumbong sa akin ni Giselle," aniya.
"Pagod lang ako kaya ako hindi lumalabas. Hindi mo na kailangan na puntahan pa'ko. Magiging abala lang ako sa'yo."
"Pff. Come on, Madi. Never kang naging abala sa'kin."
"Trevor, ibababa ko na iyong telepono, ah? Malapit na kasi ako ng mall. Tatawagan na lang kita pag-uwi ko." Nang makita kong malapit nang pumara iyong taxi sa harapan ng clinic ay mabilis akong nagpaalam kay Trevor.
Pagpasok ko sa loob ng clinic ay mabilis naman akong inalalayan ng nurse. Naupo muna ako sa labas ng office ng doktor upang hintayin ang oras ng operasyon ko.
"Miss, paki fill up na lang itong medical forms. Naghahanda na si doc sa loob para sa surgery na gagawin niya sa'yo," utas niya sa akin tapos ay tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Bitterness of Affection- BOOK 2
RomanceA couple of years had passed after Russel and Madison lost in contact of each other. Madison became an assistant curator in a well-known art gallery and was able to raise their child alone. Whereas Russel, who is unware of their child, took over his...
