KABANATA 8

118 12 3
                                    

This chapter are dedicated to the following readers;
MaryAnneTorres9
Mhaiteleleron

******

Madison's POV.

"Why do you have to bring with you our son into my workplace?" seryosong pagtatanong ko kay Russel noong nasa loob na kami ng bookstore.

Russel made a promise to his son that he would take him to the bookstore after discover that Randall is also good in painting. He wanted to buy him art materials with his own money.

"Why? Am I not allowed to bring him with me? Anak ko din naman siya," he asked nonchalantly.

"Russel, hindi alam ng mga katrabaho ko na ang isang sikat na pintor na gaya mo, ang tatay ng anak ko. At saka pwede ba? Ayokong pinag-uusapan ako ng mga tao sa opisina. Kaya sa susunod na dadalhin mo sa akin si Randall, tumawag ka muna." Napatapik na lamang ako sa noo matapos kong magpahayag ng aking saloobin sa kanya.

"Why do you have to overreact? Kaya nga sa lobby lang ako naghintay, diba? And besides, isang Silverio pa din naman ang anak mo," aniya.

My brows crossed against each other after hearing that statement from him. I gave Russel the sharpest look I had with a twitched lips.

"Oo, anak mo si Randall, Russel. Pero hindi siya parte ng pamilya mo at mas lalong hindi ko hahayaan na ipamana mo sa kanya ang apelyedo mo. Hindi siya Silverio," galit na saad ko sa kanya sabay irap at lumakad upang lapitan si Randall na ngayon ay tuwang tuwa habang pinagmamasdan ang mga gamit sa loob ng bookstore.

"Are you having fun?" bulong ko sa aking chikiting.

"Y-yes, mama. Pwede ba akong bili ng easel?" pagtatanong niya habang itinuturo ang isang wooden tripod kung saan doon ipinapatong ang canvas pag nagpipinta.

"Do you think you really need that?"

"Please, mommy. Please!" pagpupumilit na sabi niya habang hinihila iyong laylayan ng blouse ko.

"Okay. Okay. But I will only allow you to have one. Kaya mamili ka ng talagang gusto mo. Ayokong pag-uwi natin ng bahay ay sasabihin mo sa'king nagkamali ka sa pinili mo," saad ko sa kanya.

"Don't listen to your mom, Randall. Buy everything you want. Daddy will pay for it." Nadinig kong sumabat sa usapan namin ang daddy niya.

"Really, daddy? YES!" Napatalon pa sa tuwa iyong anak ko nang sabihin iyon sa kanya ni Russel.

Lumingon ako sa kinatatayuan ni Russel habang nakakunot ang aking noo at matalas ang titig ko sa kanya.

Nagkibit balikat naman ito sa akin bago nagsalita. "What?"

"Anong what? Tinuturuan mo 'yong bata na bumili ng mga gamit na hindi talaga niya kailangan. You are teaching him to be an impulsive buyer. In short, sini-spoil mo siya," seryosong saad ko.

"Pati ba naman iyon ay pag-aawayan pa natin, Madison?"

"Talagang pag-aawayan natin 'yon dahil hindi ko pinalaki sa luho iyong anak ko," giit ko pa na may halong mga diin sa bawat salitang binigkas ko.

"Anak ko rin. Anak nating dalawa," aniya.

"Whatever," I rolled my eyes and was about to follow Randall when Russel held my arm.

"Tapatin mo nga ako, Madison. Bakit ba ang init-init ng ulo mo sa'kin? Dahil pa rin ba 'to sa pagsuntok ko kay Trevor noong nakaraan?" pagtatanong niya habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan mo pang bumalik? Tahimik na kami ni Randall, oh. Tahimik na iyong buhay ko, Russel. Bakit kailangan pati sa trabaho ko ay guluhin mo pa ako?" saad ko sa kanya sabay hinawi iyong hawak niya sa akin.

Bitterness of Affection- BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon