CHAPTER 13

390 64 10
                                    

Aiyanna's POV


Habang nag sasalita ang Principal namin sa stage ay biglang nag nagvibrate ang phone ko.

"LET'S ALL WELCOME OUR SPECIAL SPONSOR AND VISITOR TONIGHT!"
Nagpalakpakan ang buong tao sa loob ng gym.

Dali dali akong nag excuse at sinagot ang tawag.

"Hello, bat ka tumawag?" Tanong ko agad sa tumawag na si Rhea pala. Pumasok din ako sa room para hindi masyadong maingay.

"Coz! Where are you?" Tanong niya na parang naluluka na hindi ko maintindihan.

"Bakit? Eh nasa school ako ngayon." Nagtataka kong sagot. Alam niya namang may prom kami ngayon.

"Basta sang part--".

"Aiyanna!" Biglang may tumawag sa akin mula sa likod. "Ano pang ginagawa mo jan, sasayaw na tayo." Sabi ni Tan na nasa may pintoan.

"Sige sige andiyan na." Mabilis na sabi ko sa kaniya.

"Sorry ate ha! Sasayaw na kasi kami, mamaya nalang tayo mag-usap, bye!" Binaba ko na ang tawag at bumalik na sa mga ka troupes ko.

"LET GIVE A ROUND OF APPLAUSE TO WSU DANCE TROUPE!"

Trisha's POV


Matapos mag salita si Mr Principal ay ang mc naman ang pumalit sa kaniya sa stage.

"Hoy?" Pagtawag ko sa babaeng kasama ko, tulala eh.

"Ha?" Mukang tanga lang nasasayang ang ganda tch. Napailing nalang ako at itinuon ang atensiyon ko sa stage.

"BE READY FOR A HOT PRESENTATION ON STAGE!" Malakas na sabi ng MC.
Biglang lumakas naman ang ingay ng mga studyante.

"LET'S GIVE A ROUND OF APPLAUSE TO WSU DANCE TROUPE!!"

Napatayo kaming lahat habang pumapalakpak at nagiingay naman ang iba.

Namatay lahat ng ilaw sa stage at naging dim naman ang ilaw sa buong hall Kasabay ng pag tugtog ng music ay ang unti unting pag ilaw sa stage.

Now Playing : As if it's Your Last by Blackpink

"Huhuhu! Beshyyy!" Malakas na sigaw ni Grea at kumakaway pa sa stage.

Natawa nalang ako. Sinabayan naman naming lahat ang magandang sayaw nina Yanny.

Ang gagaling nilang sumayaw!

Alam kong halos lahat kami dito kay Aiyanna lang nakatingin lalo na nung nag change ng formation na sila at siya na yung nasa gitna. Kahit na medjo mabilis ang steps nila ay parang madali lang ito sa kaniya, at may malaking ngiti pa sa kaniyang mga labi.

Napatingin siya sa pwesto namin. Kumaway kaway kami. Nalipat naman ang mga tingin niya sa pwesto na nasa di kalayuan sa amin.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin, kasi medjo nanlaki ak mata niya pero nakangiti parin siya.

Hanggang sa matapos ang music. Nag iingay parin ang mga students sa likoran namin lalo na 'tong katabi ko.

"THANK YOU SO MUCH FOR THAT WONDERFUL AND AWESOME DANCE NUMBER! ONCE AGAIN, LET'S GIVE THEM A BIG HAND!"
Masaya't nakangiting sabi ng mc. Nagpalakpakan naman ang lahat.



Aiyanna's POV


Nang matapos ang aming sayaw ay agad nagsialisan kami 'don at nag sipasukan sa room.

"Good job guys!" Masayang sabi ni Tan sa amin. Nagpalakpakan at sigawan naman ang iba.

Agad kong nilapitan si Bela.
"Gosh! Ang haggard. Bilis, maupo kana para ma transform na kita?" Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon