CHAPTER 10

432 64 8
                                    


Aiyanna's POV


Kinabukasan, nagising akong masakit ang ulo ko.

'Shit'

Tiningnan ko yung dalawang tulog na tulog pa.

8:10 am palang.

Napatingin ako sa mga kalat namin.
Dito lang kami sa kwarto nag inuman. Malaki naman ang space. Baka kasi kung doon kami sa sala or sa kitchen eh biglang dumating si Kuya Gray.

Naligo muna ako, kasi feeling ko ang baho baho ko na, jusko!

Matapos kong maligo, ay naabutan ko ang dalawa na kakagising lang.

"Wow! Gagang 'toh nakaligo na!" Bungad ni Greacey sakin ng makita akong may towel sa ulo.

"Tss.. Akala ko mamaya pa kayo gigising." Natatawa kong sabi.
"Bumangon na kayo diyan. Tulungan niyo akong ligpitin 'to." Sabi ko habang nakaturo sa mga kalat namin.

"Mamaya na yan. Ang sakit pa ng ulo ko." Sagot naman ni Grea.

"Maligo kayo para mahimasmasan naman kayo."
Kinuha ko ang phone ko at inilagay sa bulsa ng pants ko.

Pinulot ko yung ilang hugasan at lumabas ng kwarto, at pumunta ng kusina.
Magluto muna ako ng makakain namin.

Habang naghuhugas ay biglang nag ring ang phone ko. Pinunasan ko muna ang isang kamay ko at dali dali itong sinagot ng hindi manlang tinitingnan kung sino.
"Hello?"

"Buti gising ka na." Sabi nung tumawag.

Tiningnan ko yung phone ko. At si mr. Stranger slash J pala.

Shit! Naalala ko ang mga pinag gagagawa ko ka gabe! 'Kit lasing ako 'non, maalala ko parin yung mga ginawa ko. Aish! Kahit hindi ko nakilala yung tumawag ka-gabe, nakikilala ko naman yung boses niya.

"Ah.. Haha.. Napatawag ka?" Nahihiya kong sabi.

"Bawal ba?" Sabi niya.

"Hindi naman..." Sabi ko pero parang gusto ko ng ibaba 'to.

Nadinig ko siya mahinang natawa.
"Grabe kayo ka gabe! Tsk! Tsk! Lalo na yung kaibigan mo. Ang iingay niyo."

Nahihiyang natawa nalang ako sa mga sinabi niya.

"Pasensiya ka na ha, eh hindi ko nga alam na ikaw pala yung tumawag,.. Ka-gabi." Mahina kong sabi.

"Kaya sinabi mo na Jowa mo yung tumawag? So, jowa mo na pala ako ngayon?" 
Natatawa niyang sabi.

"Hoy! Grabe!" Wala akong masabi, nasaniban na ako ng hiya!

"Just kidding.. Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong niya ulit.

"Hindi naman na masyado, tsaka naligo agad ako pagka gising ko."
Nilaro laro ko yung kutsara sa isa kong kamay na nasa tubig.

"Ah buti naman." Sabi niya. "Eh yung mga kaibigan mo?"

"Ayun kakagising palang." Napatingin naman ako sa mga iluluto ko. "Ito nga at nag gagawa pa ako ng breakfast namin tsaka ng soup para at least mabawasan ang hang over namin lalo na nung dalawa."

"Ah ganon ba, sige ibababa ko na 'to para makapagluto ka." Sabi niya.
Ahh~ napaka understanding naman ng lalaking 'toh. Hahaha.

"Sige." Nakangiti kong sabi, kahit wala naman ako dapat ngitian dito.

"Bye." Sabi niya.

"HOY!" Biglang may sumigaw sa likod ko.

"Ay gaga! Ano ba Grea! Wag ka ngang mang gugulat!" Napahawak ako sa dibdib ko bigla.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon