Aiyanna's POV
Katulad ng sabi ni Yoshua ay paumaga kami sa cottage. Nagising nalang ako ng mga 5:00 am, nakasandal lang ako kay Calvinn habang ang kamay niya ay nasa balikat ko. Tulog naman yung iba, may naka sandal at naka yuko sa table.
"Calvinn!" Mahinang sambit ko at tinapik tapik ko pa ang pisnge niya.
"Hmm.." Niyakap niya naman ako gamit ang isang kamay niya.
"Aish! Gumising ka na!" Mahinang sabi ko. Agad niya naman binuksan ang mata niya. Mabuti nalang hindi 'to mahirap gisingin, kasi yung mga pinsan ko mga tulog mantika!
Napatingin siya sa mga kasama naming tulog na tulog. Mahinang napa tawa nalang ako dahil sa itsura nila.
"Aish! Sakit ng ulo ko!" Napahawak nalang ako sa ulo ko. Shit! Hangover!
Hinawakan niya naman ang ulo ko at hinaplos-haplos.
"Tara." Bulong niya.
"Eh pano sila?" Tanong ko habang naka turo sa mga kasama namin.
"Ipapagising nalang natin sila sa staff mamaya." Sabi niya naman.
Tumango nalang ako at tumayo. Sabay kaming pumunta sa loob ng building. May ilang staff na rin ng resort ang gising na. Inihatid niya naman ako sa kwarto ko dahil gusto ko ng maligo!
"I'll fetch you later." Tumango lang ako at pumasok sa kwarto ko.
Agad akong pumunta sa cr at nagbabad sa bathtub. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakangiting inalala ang mga nangyari ka gabe. Halos two hours lang ang tulog ko. Bago pa ako makatulog sa bathtub ay tinapos ko na agad ang pag-ligo ko.
Nag palit ako ng black floral na dress. Habang naghihintay kay Calvinn ay nahiga muna ako sa kama kahit medjo basa pa ang buhok ko. Ngunit dahil sa kulang sa tulog at may kunting hangover pa, ay nakatulog ako.
HINDI ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Nagising nalang akong may kayakap na sa kama. Hindi ko parin binubuksan ang mga mata ko at inaamoy lang ang kaniyang pabango.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa nakangiti niyang labi. Napatingin naman ako sa mata niyang nakatingin din sakin.
"Good morning, baby." Nakangiti niyang sabi. Why naman husky ng voice :<
"Anong oras na?" Tanong ko.
"Seven palang."
Tumango tango lang ako at naupo sa kama.
Tumayo naman siya at lumapit sa table. At may kinuhang tray na may lamang pagkain.
"Breakfast in bed." Natatawa niyang sabi.
Napatingin naman ako sa pagkaing inilagay niya sa kama. Fried-rice, egg and tocino, may soup din.
Kinuha ko naman ang spoon at kumuha ng soup, medjo mainit pa. Nakatingin lang naman siya sakin habang kumakain ako.
"Kumain ka na?" Tanong ko sa kaniya.
"Yup, ang tagal mo kasing gumising."
Natawa nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Nga pala, sina Vince?"
"They're already in their rooms, natulog sila ulit."
Nang matapos akong kumain ay lumabas na kami ng kwarto ko. Naglakad lakad kami saglit bago siya nag ayang umalis.
"San tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta."
Nakangiti lang siya kaya nagkibit balikat nalang akong sumakay sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
WE AREN'T FIT (COMPLETED)
Genel KurguWhat will happen if a not so perfect student like me will encounter something that destiny will provide? Can this change situations? Life? Or Love? Secrets will be unfold! Be clever 'cause I am Aiyanna Angeli Marcos Suarez. The precious gem of Macr...