CHAPTER 50

336 47 9
                                    

Aiyanna's POV


Months, years had passed. Nothing new still into him.

I'm already in third year college now sa korsong Architecture.

Minsan sa isang buwan kung dalawin ako ni Calvinn sa bahay na tinitirhan namin ng dalawa kong pinsan. Nang umalis ako sa amin, si Vincent and si Lolo ay bumalik sa Japan.

During vacations naman ay umuuwi ako para makasama ang parents at ang dalawa kong kapatid, syempre pati rin ang mga kaibigan ko.

"'Coz! May mga bisita ka!. Alis muna ako may date pa ako. Bye~" Sigaw ni Rhea mula sa labas ng kwarto ko.

Mga bisita? Sino naman kaya 'yun... Nagkibit balikat nalang ako at nag ayos muna bago bumaba.

"Frenny!"
"Sis!"

"Ohmygosh gurlz!" Nagmadali akong bumaba sa hagdan at lumapit sa kanila.

"OMG! We missed you!" Sabay-sabay na sabi nang tatlo at yumakap pa sakin.

"Gosh! Why are you here?"  Nakangiti kong tanong. Hindi nga matanggal ang ngiti sa labi ko.

"Kayo lang ba?" Tumingin pa ako sa paligid. Sila lang kasing tatlo ang narito.

"Yup!" Sagot ni Dianna.

"Kelan kayo dumating?" Tanong ko naman.

"Kahapon pa." Sagot sa akin ni Greacey.

"Anyways, mamaya na tayo mag kamustahan. Dahil may pupuntahan tayo! Dali ayusan ka na namin!" Masayang sabi ni Dianna at hinila ako papunta sa taas.

"Sandali! Saan tayo pupunta?"

"Basta!" Sagot nila, sabay sabay pa talaga -,-

Napailing nalang ako at sumunod sa kanila. Agad nila akong inayusan at ipinasuot ang dala nilang white simple dress, binili daw ito ni Dianna para sa akin.

"Charan!! Ang ganda!" Masayang sabi nila at nag apir pa.

Natawa nalang ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Bakit parang kinakabahan naman yata ako.

"Girls let's go. Nasa labas na si Jake." Sabi ni Dianna sa amin.

Its already 3:00 pm. Agad naman kaming lumabas ng bahay. Syempre dahil ako lang ang nandito ay sinigurado ko munang naka lock lahat ng pinto.

"Hello Aiyanna." Nakangiting bati ni Xyllo sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at binati rin siya pabalik.

Agad kaming sumakay sa sasakyang dala niya. Habang nasa byahe kami ay panay ang kwentohan namin tungkol sa mga kaganapan sa WSU. At syempre tungkol sa college life namin. Tinatanong ko din sila kung saan ba talaga kami pupunta pero tinatawanan lang ako ng mga gaga. Kaya bahala nalang.

But I wonder, asan kaya si Calvinn, sabi niya busy siya dahil may panibagong project siya ngayon. Matapos kasing magawa ang Walter Hospital ay sunod sunod din ang trabaho at project na natatanggap niya. After ng graduation namin syempre nag quit na din siya. Para mag focus sa totoong trabaho niya.

"We're here!" Anunsiyo ni Xyllo.
Napatingin naman ako sa palagid. For almost one hour ay nakarating kami sa isang.... private villa?

Matapos mag park ni Xyllo ay agad kaming nagsilabasan.

"Why are we here?" Agad na tanong ko sa kanila.

"Girl! Mag didinner lang tayo. Syempre na miss ka namin." Nakangiting sabi ni Dianna.

"Sus, pwede ko naman kayong ipag-luto sa bahay." Natatawa ko namang sabi.

"Eh gusto namin ma iba naman! Tara na nga..." Aniya pa.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon