Aiyanna's POV
Sabay sabay kaming nag lunch nina Dianna and Xyllo kasama sina Grea at Trisha.Nagtaka nga yung dalawa pero mabuti nalang hindi na din ikwenento pa ni Dianna ang nangyari kanina.
Matapos mag lunch ay agad kaming bumalik sa mga classroom namin.
Buong maghapon lang ako sa classroom at sa upuan ko, hindi na ako lumabas pa. Kasi if ever lumabas ako alam kung susunod si Dianna. Nakakahiya naman.
Nang matapos lahat ng klase namin ay agad kong inayus ang mga gamit ko. Sabay sabay kaming tatlo nina Dianna lumabas.
"Err~ Sandali may nakalimutan ako sa room. Jake. Dito ka lang samahan mo si Aiyanna."
Mabilis namang umalis si Dianna at naiwan kami ni Xyllo dito sa locker area.
Napatingin naman kami sa cellphone niyang nag riring.
"Sagutin mo na." Sabi ko at binuksan ang locker ko.
Lumayo naman siya para sagutin ang tawag, siguro importante yun.
"Well, well, well, hello my dear Aiyanna?"
Napalingon naman ako sa kanan dahil sa biglang pagsulpot nitong chakang Lyn ang pangalan.
"Masarap bang maligo kanina?"
Nagtawanan naman ang mga students na nakikinig.
"Alam mo kung ako 'yun, hindi lang tubig ang ibubuhos ko sayo!"
Hindi ko siya pinansin at ipinasok ko nalang ang mga gamit ko na hindi ko gagamitin sa mga susunod na araw sa loob ng locker.
Mukang nainis naman siya dahil hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
"Aray, ano ba!" Tangina pati kuko niya bumabaon aa balat ko.
"Pag kinakausap kita! Wag mo kong tatalikuran!" Sigaw niya.
Bigla niya akong itinulak, mabuti nalang may humawak sa balikat ko para hindi ako matumba.
"What do you think you're doing!"
Seryosong sabi ni Xyllo sa kanila."Ah wala honey, nadulas lang siya.." Mahinhing sabi ni Lyn.
Nadulas your ass.
"Tara na Lyn." Dinig kong bulong ng isang babaeng may short hair na nasalikod ng chakang si Lyn.
Tinarayan niya naman ako at tumingin kay Xyllo na may ngiti bago sila umalis.
Dumating naman si Dianna kasama si Grea at Trisha, kaya sabay sabay na kaming umalis.
"Besh? May susundo ba sayo? Susunduin kasi ako ni papa today kasi may pupuntahan pa kami. Itong si Trisha naman isasabay ko na since madadaanan naman namin ang bahay nila."
"Ah, mag co commute lang ako. Don't worry kaya ko naman sarili ko." Nakangiti kong sabi kay Grea.
"Sure ka?"
Tumango lang ako. Nagpaalam nadin sila sa amin kaya si Dianna at Xyllo na naman ang kasama ko.
"Are you sure na mag cocommute ka?" Tanong ni Dianna.
"Oo naman."
"Pwede ka naman naming ihatid, sabihin namin kay Kuya."
"Naku Dian wag na. Isang sakayan lang naman patungo sa amin."
"Hindi, sumabay ka na samin. Bilis, dun tayo sa kabilang gate maghintay. Alam mo na baka may makakita hehe."
Nagtaka pa ako kung bakit sa kabilang gate kami mag hihintay hindi nalang sa main gate or sa waiting area, at saka baka daw may makakita. Bigla kong naalala na wala palang may alam na pinsan nila si Calvinn.
BINABASA MO ANG
WE AREN'T FIT (COMPLETED)
Narrativa generaleWhat will happen if a not so perfect student like me will encounter something that destiny will provide? Can this change situations? Life? Or Love? Secrets will be unfold! Be clever 'cause I am Aiyanna Angeli Marcos Suarez. The precious gem of Macr...