CHAPTER 36

302 48 17
                                    

Aiyanna's POV


Maaga palang ay nasa school na ako, naka simple jeans and t-shirt lang ako. Hindi ko pa nga mahagilap sina Dianna at sina Grea. Last day na ng sports week, at awarding na ngayon. Nasan na kaya sila.

"Omg! Girl! Mabuti nalang nakita kita."

"Bakit, Anne?"

"Eh, nagpatawag ng meeting ngayon umaga si Tan, hindi ka ba naka receive ng message?"

"Hindi ko alam.. bakit naman nag patawag ng meeting si Tan? Sasayaw ba tayo?"

Tumango lang siya at nauna nang mag lakad, sumunod naman ako sa kaniya hanggang pakarating kami sa practice room. May ilang ka member na namin ang nandon. Tapos may mga nakasabay pa kaming pumasok.

"Guys, urgent to dahil sasayaw tayo mamaya. Well, kung sino lang ang nakaka alala sa mga sinayaw natin nung recognition day from our previous year?" Tanong ni Tan sa amin.

Madami naman ang nag sabing hindi na daw nila masyadong ma alala ang mga steps. Kaya at the end pumili lang si Tan kung sino ang mga nakaka alam pa ng steps.

"Kung ganon seven out of fifteen members na nandito ngayon ay ang sasayaw lang mamaya.."

Agad namang nagpaalam ang iba. At nagpaiwan kaming pito para mag practice.

Kunting practice lang ang ginawa namin since alam na naman namin ang steps. At ang formations lang ang inayos namin.

Nang matapos ay nag paalam na ang iba.

"Thank you guys, sa backstage nalang tayo magkitakita mamaya."

Matapos mag paalam ni Tan ay umalis na din ako. Nag taka nga akong wala si Harlyn, asan kaya yun.

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong nag ring.

"Hello 'Sir'."

"Tss, asan ka?" Tanong niya.

"Bakit? May date po ako ngayon, sir." Mataray kong sabi. Nagpigil naman ako ng tawa, na i'imagine ko siyang naka kunot noo na naman.

"Seryoso ako!"

"Alam ko!"

"Asan ka ba!? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo sinasagot yung phone mo."

"Eh... May date nga a—"

"Aiyanna!"

Natawa nalang ako, malapit na ako sa office niya kaya binabaan ko na siya nang tawag. Alam kong nag sasalubong na naman ang kilay 'non. Hindi ko tuloy mapigilan ang tawa ko, mabuti nalang wala masyadong tao ang nag pupunta dito.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas.

"Ano ba! Nang gugulat ka naman!" Pinalo ko siya sa kamay. At tinulak para makapasok ako sa loob.

"May date pala ah!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya at naupo sa couch. "Selos ka naman.." Napabungisngis nalang ako dahil kunot noo niya lang akong tiningnan

"Asan sila?" Tanong ko, siya lang kasi ang nandito sa loob.

"Hinahanap ka. Hindi mo ba nakasalubong?"

"Hindi."

"Saan ka ba talaga nanggaling?" Tanong niya at naupo sa katabi kong single couch.

"May ka date nga—"

Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang muka niya sakin.

"Sinong ka date mo?" Mahina niyang tanong.

Napalunok nalang ako at iniwas ang tingin ko.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon