CHAPTER 45

289 46 20
                                    

Xyllo Jake's POV


Nang umalis si Aiyanna at Nicole ay nag paalam naman akong may kukunin lang sa kotse.

I was just about to open my car ng may narinig akong nag uusap di kalayuan sa kinaruruonan ko.

"Why John!? I already explained, diba!"

"And I already told you na tapos na tayo, right!?"

"John!?"

Napasilip ako sa kinaruruonan nila. Hindi ako chismosong tao. Pero na iintriga talaga ako dahil si Aiyanna ang nasasaktan.

"We're over Cind! And please lang mahiya ka naman-."

"Mahiya saan!? Bakit!? May mahal ka na bang iba!?" Malakas na sabi ni Cindy at nag simula siyang umiyak.

"Bakit hindi mo ko sagutin!"

"Oo!"

Napatitig nalang ako sa kanila. Nabigla naman si Cindy dahil sa sinabi ni John sa kaniya.

"Haha! The hell!" Pinunasan niya ang luhang pumatak mula sa mata niya at tumingin lang sa kausap niya.

"Tell me John.. Masaya ka ba?" Mahinang sabi ni Cindy. Hindi naman siya sinagot agad ng kausap niya.

"Sino siya? Mas mahal mo ba siya ngayon kesa nung ako pa ang mahal mo?"

Napatitig nalang ako kay Cindy dahil sa sinabi niya. Kalmado lang siya at nakatingin lang kay John. Tumango lang ito dahilan para ngumiti lang si Cindy.

"Huli na talaga ako." Natatawa nitong sabi.

"Sana hindi niya gawin ang ginawa ko noon. I'm really sorry John..."

Masyado na atang madami ang nadinig ko kaya tumalikod na ako at nag simulang bumalik sa loob.

Dianna Nicole's POV

Nang bumalik kami ni Aiyanna sa table namin ay wala parin si Kuya 'don.

"Ang tagal niyo naman!" Sabi sa amin ni Greacey na namumula na ang muka.

"Sis! Lasing ka na ba?" Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Hindi pa 'no." Kunyare mataray niyang sabi.

Natawa nalang ako at umupo sa tabi ni Vincent. Kinuha naman ni Aiyanna agad ang drink niya at ininom.

"Woa! Easy 'coz!" Natatawang sabi sa kaniya ni Vincent.

"Hayaan mo na, broken eh." Bulong ko sa kaniya.

"Ha? Kanino-"

"Shhh.. Wag kang maingay!"

Ang lakas pa naman ng boses nito tapos katabi ko pa si Aiyanna. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero wag na baka mag away pa sila ni Kuya. Protective pa naman ang gagong 'to sa pinsan niya.

Sunod sunod ang inom ni Aiyanna kahit inaagaw ni Vincent sa kaniya ang baso ay nagagalit lang ito.

"Tumigil ka na nga!" Suway ni Vince.

"Ano ba! Kuya naman eh!.." Nakanguso pa nitong sabi at inaagaw ang baso kay Vincent hanggang sa tumigil nalang siya at ang baso ko ang pinunterya.

"Mag papakalasing ka talaga..?" Napailing nalang si Vince at ibinalik kay Aiyanna ang baso nito.

"Let's get wasted!!!" Malakas nitong sabi at tumayo.

"Girls! Sayaw tayo bilis!" Hinila hinala pa niya ako pati si Grea at Trisha.

"Ang daming sumasayaw besh oh!" Sabi sa kaniya ni Trisha.

"Ano naman! Dali na!!!"

Wala naman kaming nagawa at nag pahila nalang.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon