Aiyanna's POV
"Mas gusto ko yung mature, ate! I don't like boys na ka same age ko lang... Just like my parents, bini'baby ni papa si mama pag nag kakatampuhan sila. And I want that! Gusto ko yung bini'baby ako."Napanguso nalang ako ng maalala ang pinagsasasabi ko four years ago kay Rhea.
Napabuntong hininga nalang ako at tumingin nalang sa magandang view sa baba dahil sa lights. Nasa rooftop ako ngayon ng three story building kung saan ang hall ay nasa ground floor. Mula dito ay makikita ang pool area na may mga table na sa gilid wala kang makikitang upuan maliban sa ilang pool chair. May ilang bisita na din ang nasa labas at nagkakasayahan. Malakas pa din ang music na nasa loob ng hall.
Kanina pa ako dito simula ng mag walk out ako sa table ng mga chaka -,-
"Nandito ka lang pala."
Napalingon naman ako dahil sa gulat.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.
He walked slowly patungo sa akin.
"Hinahanap ka na nila sa loob."
Napaiwas nalang ako ng tingin at tumalikod sa kaniya.
"Hayaan mo sila."
Naramdaman kong lumapit siya sa akin kay napalingon ako, tahimik lang siyang nakatingin sa magandang view sa baba.
"Totoo ba?.. That Zander is your first love.?" Seryoso niyang tanong ngunit sa baba parin siya nakatingin.
Hindi ko siya sinagot at ibinalik nalang ang tingin ko sa may pool sa baba.
"Tch,.. Siya ba ang sinasabi ni Greacey na crush mo?.. Or baka naman gusto mo?"
Napalingon naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Lumingon naman siya sakin at tiningnan ako ng seryoso.
"Bat ayaw mong sumagot?"
Ano bang pinag sasabi nito, Zander's just my friend. At Hindi si Zander ang tinutukoy ni Grea non. Hindi nga kilala nila Grea si Zander panong magiging siya yun, eh hindi naman ako mahilig mag kwento.
Nakakunot noo ko lang siyang tiningnan at ganon din siya.
"Are you—"
"No!" Pagputol ko sa dapat na sasabihin niya.
"Zander's just my friend.., yeah, I admit naging crush ko siya noon. Pero noon yun, mga bata pa kami 'non. Pano ko naman magugustohan ang isang taong wala naman sa tabi ko?!"
Naiinis ako, hindi ko alam kong bakit. Bakit ba kasi siya nagtatanong -,-
"Then how about yung crush mo na sinabi ni Greacey?"
"Hindi si Zander yun!"
"So may crush ka nga..." Nakangisi niyang sabi.
"Wala yun." Napaiwas nalang ako ng tingin, I heard him chuckled.
"Sino?"
"Wala nga!"
Bigla niyang hinwakan ang wrist ko at hinila palapit sa kaniya. Napahawak nalang ako sa coat niya at napatitig sa mga mata niya.
"You're lying baby.."What? Ano? Ha?
"W-what d-did y-you —?" Utal utal kong tanong hindi ko na nga makumpleto.
I heard him right, diba? This guy just called me baby!!!!!!!
He smirked. At inilapit pa ang muka sa akin. Shit feeling ko mga six inches nalang ang agwat ng mga muka namin!!!
"Don't you know that you're making me insane..."
BINABASA MO ANG
WE AREN'T FIT (COMPLETED)
General FictionWhat will happen if a not so perfect student like me will encounter something that destiny will provide? Can this change situations? Life? Or Love? Secrets will be unfold! Be clever 'cause I am Aiyanna Angeli Marcos Suarez. The precious gem of Macr...